OPISYAL nang iniluklok kahapon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Southern Luzon Command chief Ltgen Bartolome VO Bacarro bilang 58th Armed Forces of the Philippines chief of staff sa ginanap na change of command ceremony sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City. Sa turnover ceremony ay ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano naging isang medal of valor awardee ang hinirang niyang bagong AFP chief na kanyang pinagkatiwalaan na tutupad sa kanyang mithiin ng isang payapa at maunlad na bayan. Naniniwala si PBBM na hindi magiging madali at magiging…
Read MoreCategory: METRO
PINAS KINAKAPOS SA BLOOD SUPPLY – DOH
SA gitna ng pag-akyat ng bilang ng mga tinamaan ng dengue, isang panawagan ang ipinaabot ng Department of Health (DOH) sa publiko – maghandog ng dugong pandugtong buhay ng pasyenteng nasa balag ng peligro. Pag-amin ni Acting Health Secretary Rosario Vergeire, mabilis na numinipis ang suplay ng dugo sa blood bank centers na pinangangasiwaan ng pamahalaan. Paniwala pa ng Kalihim, lubhang naapektuhan ang buffer stock ng gobyerno bunsod ng patuloy na banta ng nakamamatay na COVID-19 na batay mismo sa datos ng departamento ay posibleng pumalo sa 19,000 araw kaso…
Read MoreP3.4-M SHABU NASABAT SA TECHNICIAN
ARESTADO ang 39-anyos na technician makaraang makumpiskahan ng sa P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation noong Linggo ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang arestadong suspek na si Rudy Ancheta, residente ng Commonwealth Avenue, Quezon City. Ang nasabing buy-bust operation ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR QCDO at PS-6 ng Quezon City Police District (QCPD), sa bahay ng suspek bandang alas-8:00 ng gabi. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nakumpiska sa nasabing operasyon ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may street value ng P3.4 milyon,…
Read More3 PATAY SA KARAHASAN SA MAYNILA
DALAWA katao sa Quiapo at isa sa Tondo ang napatay sa karahasan sa lungsod ng Maynila noong Linggo ng umaga, ayon sa ulat ng Manila Police District. Unang ini-report ni P/Lt. Col. Robert Domingo, station commander ng MPD-Station 7, bandang alas-6:20 ng umaga nang patayin sa palo ang biktimang si Rafael Altavo, 43, ng Cavite St., Gagalangin, Tondo. Apat sa mga suspek ang responsable sa pagkamatay ng biktima na nagawa pang maisugod sa Ospital ng Tondo subalit idineklarang dead on arrival ni Dra. Heidi Danica Baltazar. Samantala, dead on the…
Read MoreHIGIT 1K KASO NG DENGUE NAITALA SA QC
NAKAPAGTALA ng 1,280 kaso ng dengue o katumbas ng 129.80% na naitalang pagtaas nito sa Quezon City. Base sa ulat na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), mula Enero hanggang Hulyo 28, 2022 ay nakapagtala ng 1,280 kaso ng dengue o katumbas ng 129.80 porsyentong pagtaas kumpara sa sa parehong panahon noong nakaraang taon, at 7 ang iniulat na namatay. Kaugnay nito, muling nanawagan si Mayor Joy Belmonte sa mga residente ng siyudad na nakararanas ng mga sintomas ng dengue, na magpakonsulta na. “We are seeing a rise in…
Read MoreMAG-ASAWA SA BATANGAS KINATAY NG BILAS
BATANGAS CITY – Isa ang patay habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagtatagain ng naburyong na 63-anyos na bilas makaraang magkainitan noong Sabado ng hapon sa lungsod na ito. Ayon sa ulat P/Ssgt. Samuel Riva, may hawak ng kaso, kinilala ang napatay na si Henry Rex Manalo y Zapanta, 42, habang sugatan naman ang misis nito na si Chona Mercado y Derecho, 39, kapwa nakatira sa Brgy. Hukay, Calatagan, Batangas. Agad namang sumuko sa barangay official ang suspek na si Vevincio Atienza y Hernandez, 63, umano’y bilas at bayaw…
Read More6 HVIs SWAK SA P1.1-M DROGA SA RIZAL
RIZAL – Swak sa kulungan ang anim na high value individual (HVIs) makaraang makumpiskahan ang mga ito ang 170 grams ng ilegal na droga sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ni P/Major Joel Custodio, hepe Provincial Intelligence Unit (PIU), kay Rizal PNP Provincial Director, P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga arestado na sina Mukarsa Majindie, Juhar Jailani, Randy Serrano, Maria Iya Aldana, Robert John Baradi at Jerome Lim, pawang mga nakatira sa Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan. Dakong alas-1:45 ng madaling araw nang isagawa…
Read MorePILIPINAS NAIIPIT SA US AT CHINA
AMINADO ang National Security Council na naiipit ang Pilipinas sa geopolitics at word war ng dalawang superpower – ang United States at China na kapwa itinuturing na mga kaibigang bansa. Kasunod ng pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Maynila noong Biyernes ng gabi ay inihayag ng NSC na patuloy na nagmamasid ang bansa sa mga kaganapan kaugnay na rin sa naunang pagdalaw ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan. Inihayag ni National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos na mananatiling neutral ang Pilipinas at hindi papanig sa…
Read MoreLTO IT CONTRACTOR DUMEPENSA SA PUNA NG LTO CHIEF
DUMEPENSA ang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) kay LTO chief Teofilo Guadiz matapos nitong punahin ang mabagal na sistema ng Land Transportation Management System (LTMS) na nakaapekto sa transaksyon sa LTO offices. Ayon sa Dermalog, ang IT Company na bumuo ng LTMS system, ang online portal ng LTO, nabigla sila sa negatibong pahayag ni Guadiz dahil kung titignan ang mga transaksyon sa LTO ay naging maayos at mabilis ito kumpara sa dating sistema sa ilalim ng Stradcom. Ayon kay Dermalog Spokesperson Atty. Nikki De Vega na…
Read More