SEN. MARK VILLAR NABABAHALA SA KALIGTASAN NG MGA OFW SA MIDDLE EAST

NAGPAHAYAG ng matinding pag-aalala si Sen. Mark Villar para sa kaligtasan at kapakanan ng mahigit 2.4 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. Binigyang-diin ng senador ang agarang tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang proteksyon at maayos na pagtukoy sa kalagayan ng lahat ng Pilipino sa rehiyon, lalo na sa harap ng mga ulat ng nasawing Pilipino. “Ang tungkulin natin ngayon ay tiyaking ligtas, protektado, at accounted for ang ating mga kababayan sa Middle East. Mas lalong…

Read More

P3,500 BUWANANG RENTAL SUBSIDY SA MGA ‘HOMELESS’ INILARGA

ISINUSULONG ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang panukalang maglaan ng P3,500 buwanang rental subsidy para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, lalo na ang mga naapektuhan ng natural o man-made disasters. Sa ilalim ng House Bill No. 7230 o “An Act Establishing a Rental Housing Subsidy Program for Informal Settler Families and Appropriating Funds Therefor,” layong mabigyan ng agarang tulong ang mga displaced families habang hinihintay ang pagkumpleto ng kanilang permanent relocation sites. Ayon kay Romualdez, magsisilbing safety net ang financial assistance upang makahanap ng disenteng matitirhan ang low-income families.…

Read More

PBBM: WALANG PINOY NA NASAWI SA AIRSTRIKE

Samantala, iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanggang alas-9 ng umaga ng Linggo ay wala pa siyang natatanggap na ulat na may nasawi o nasugatang Pilipino kaugnay ng isinagawang pag-atake ng Iran sa mga base ng Estados Unidos sa United Arab Emirates, Bahrain, Oman at Israel gamit ang ballistic missiles. Sa isang video message, tiniyak ng Pangulo sa publiko ang kalagayan ng mga kababayan sa Gitnang Silangan. “Wala po tayong natatanggap na report na may casualty na Pilipino. Wala pong Pilipino ang namatay, at wala rin pong Pilipino ang…

Read More

TULFO NANANAWAGAN NG ‘RECOVERY PLAN’ PARA SA MGA PAALIS NA OFW NA NAIPIT SA AIRSTRIKES SA MIDDLE EAST

NANAWAGAN si Senate Foreign Relations Panel Chairman Erwin Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maglatag ng recovery plan para sa mga Pilipinong nakatakda sanang lumipad patungong Middle East upang magtrabaho ngunit naudlot dahil sa paglala ng tensyon sa rehiyon. “Habang tayo ay nag-aalala sa ating mga kababayan na naipit sa gulo sa mga bansang apektado ng airstrikes sa Middle East, nananawagan tayo sa DMW at OWWA na bigyan din ng pansin ang mga Pilipinong papunta pa lamang sana sa ibang bansa upang…

Read More

QC HALL OF JUSTICE BINULABOG NG BOMB THREAT

RUMESPONDE ang Quezon City Police District sa napaulat na bomb threat sa loob ng Quezon City Hall of Justice sa Brgy. Central, Quezon City nitong umaga ng Pebrero 27. Dakong 8:48 a.m., nakatanggap ng text message ang isang clerk-in-charge hinggil sa umano’y banta ng bomba. Agad na nagsagawa ng area monitoring ang Kamuning Police Station 10 habang nagpanel at sweeping operations ang QCPD Explosive Ordnance Disposal Unit. Bandang 11:05 a.m., idineklarang negatibo sa anomang pampasabog ang gusali matapos walang makitang mapanganib na materyales. Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa Quezon City…

Read More

PNP SINISILIP KUNG MAY SINDIKATO SA LIKOD NG DAYUHANG GUN DEALERS

TINITINGNAN ng Philippine National Police kung may koneksyon sa mas malaking gun-running syndicate ang dalawang dayuhan na naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na ng masusing balidasyon ang intelligence units para matukoy kung bahagi ng sindikato ang dalawang suspek at kung sino pa ang kanilang kasabwat. Naaresto ang isang 39-anyos na Chinese national at isang 33-anyos na Taiwanese national sa operasyon ng CIDG-Southern Metro Manila District Field Unit sa loob ng isang restaurant sa J.W. Diokno Boulevard noong Pebrero…

Read More

VLOGGER NA SI NORMAN MANGUSIN NASA PARAÑAQUE CITY JAIL NA

INILIPAT na sa Parañaque City Jail ang vlogger na si Norman Mangusin alyas Francis Leo Marcos. Ayon kay CIDG-NCR chief P/Col. John Guiagui, nakatanggap sila ng commitment order para sa paglilipat dahil sa Parañaque nagmula ang orihinal na kaso. Aniya, awtomatikong naglalabas ng commitment order ang korte matapos maibalik ang warrant. Nilinaw rin ni Guiagui na walang kinalaman ang pulisya sa pagkalbo kay Mangusin, dahil bahagi umano ito ng patakaran sa mga bagong pasok na preso. Kinumpirma naman ni BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera na dakong alas-10:23 ng umaga nitong…

Read More

P11K HONORARIA SA ANTIPOLO SPECIAL POLLS

TATANGGAP ng hanggang P12,000 ang mga Electoral Board (EB) chairperson habang P11,000 naman ang mga miyembro na magsisilbi sa special congressional elections sa ikalawang distrito ng Antipolo City sa Marso 14. Base ito sa Commission on Elections Resolution No. 11198. Bukod sa honoraria, may hindi bababa sa 10 araw na service credit ang mga EB chair at miyembro na empleyado ng gobyerno. Mayroon ding P5,000 death benefit at P200,000 medical assistance ang mga itatalaga sa special polls. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kapareho ang honoraria at benepisyo ng…

Read More

TUMATAAS NA KASO NG CHRONIC KIDNEY DISEASE, PINAIIMBESTIGAHAN NI VILLAR

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Senador Mark Villar kaugnay ng umano’y lumalalang krisis sa kalusugan dulot ng pagdami ng kaso ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 313, nanawagan si Villar ng agarang imbestigasyon, in aid of legislation, hinggil sa pagtaas ng kaso ng CKD sa bansa. Ayon sa senador, batay sa datos ng Department of Health (DOH), pabata nang pabata ang mga tinatamaan ng sakit sa bato. Mayroon din aniyang mga ulat na may mga batang siyam na…

Read More