TINITINGNAN ng Philippine National Police kung may koneksyon sa mas malaking gun-running syndicate ang dalawang dayuhan na naaresto sa buy-bust operation sa Pasay City. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na ng masusing balidasyon ang intelligence units para matukoy kung bahagi ng sindikato ang dalawang suspek at kung sino pa ang kanilang kasabwat. Naaresto ang isang 39-anyos na Chinese national at isang 33-anyos na Taiwanese national sa operasyon ng CIDG-Southern Metro Manila District Field Unit sa loob ng isang restaurant sa J.W. Diokno Boulevard noong Pebrero…
Read MoreCategory: METRO
VLOGGER NA SI NORMAN MANGUSIN NASA PARAÑAQUE CITY JAIL NA
INILIPAT na sa Parañaque City Jail ang vlogger na si Norman Mangusin alyas Francis Leo Marcos. Ayon kay CIDG-NCR chief P/Col. John Guiagui, nakatanggap sila ng commitment order para sa paglilipat dahil sa Parañaque nagmula ang orihinal na kaso. Aniya, awtomatikong naglalabas ng commitment order ang korte matapos maibalik ang warrant. Nilinaw rin ni Guiagui na walang kinalaman ang pulisya sa pagkalbo kay Mangusin, dahil bahagi umano ito ng patakaran sa mga bagong pasok na preso. Kinumpirma naman ni BJMP Spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera na dakong alas-10:23 ng umaga nitong…
Read MoreP11K HONORARIA SA ANTIPOLO SPECIAL POLLS
TATANGGAP ng hanggang P12,000 ang mga Electoral Board (EB) chairperson habang P11,000 naman ang mga miyembro na magsisilbi sa special congressional elections sa ikalawang distrito ng Antipolo City sa Marso 14. Base ito sa Commission on Elections Resolution No. 11198. Bukod sa honoraria, may hindi bababa sa 10 araw na service credit ang mga EB chair at miyembro na empleyado ng gobyerno. Mayroon ding P5,000 death benefit at P200,000 medical assistance ang mga itatalaga sa special polls. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kapareho ang honoraria at benepisyo ng…
Read MoreTUMATAAS NA KASO NG CHRONIC KIDNEY DISEASE, PINAIIMBESTIGAHAN NI VILLAR
NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahala si Senador Mark Villar kaugnay ng umano’y lumalalang krisis sa kalusugan dulot ng pagdami ng kaso ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan. Sa ilalim ng Senate Resolution No. 313, nanawagan si Villar ng agarang imbestigasyon, in aid of legislation, hinggil sa pagtaas ng kaso ng CKD sa bansa. Ayon sa senador, batay sa datos ng Department of Health (DOH), pabata nang pabata ang mga tinatamaan ng sakit sa bato. Mayroon din aniyang mga ulat na may mga batang siyam na…
Read MoreCATAPANG ITINANGGING SISIPAIN SIYA BILANG BUCOR CHIEF
MARIING pinabulaanan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang kumakalat na balitang malapit na siyang sibakin o palitan bilang pinuno ng ahensya. Ayon kay Catapang, gawa-gawa lamang ito ng “evil forces” na aniya’y naglalayong sirain ang integridad ng BuCor at guluhin ang tiwala ng publiko. Nagpahayag ang opisyal ng kumpiyansa sa katatagan ng institusyon at sa maayos na pagganap ng kanilang mandato sa kabila ng umano’y paninira. Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan ng paglaban sa fake news at maling impormasyon upang maprotektahan hindi lamang ang reputasyon…
Read MorePNP: HINDI ILEGAL PAG-ARESTO SA 2 AKTIBISTA SA EDSA RALLY
NANINDIGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na legal at naaayon sa batas ang pag-aresto sa dalawang aktibista sa kasagsagan ng kilos-protesta para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Una rito, iginiit ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang agarang pagpapalaya kina human rights activist Edel Parducho at youth activist na si Three Odena. Ayon kay Co, inaresto ang dalawa habang nakikiisa sa rally at posibleng sampahan ng kasong direct assault, disobedience, resisting arrest at paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act. Diin ng mambabatas,…
Read MoreCHINESE EMBASSY NAGPASALAMAT SA PH COAST GUARD
AGAD nagpaabot ng pasasalamat ang Embassy of China in Manila sa tulong na ipinagkaloob ng Philippine Coast Guard (PCG) sa may sakit na Chinese na crew ng isang foreign vessel. Partikular na nagpahayag ng pasasalamat si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei. Nabatid na ang Chinese seafarer na sakay ng MV Mount Gilboa ay isinailalim sa medical evacuation (MEDEVAC) ng PCG sa karagatang sakop ng Basilan upang mabigyan ng agarang lunas. Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) hinggil sa kondisyon ng pasyente. Agad silang…
Read MoreMALAKANYANG SA 2028 BETS: BAKA HINDI QUALIFIED
PINAYUHAN ng Presidential Communications Office ang mga nagpahayag ng planong tumakbo sa 2028 presidential elections na mag-isip kung kwalipikado at handa silang mamuno. Ayon kay PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, dapat tanungin ng mga aspirante ang sarili kung makatutulong ba sila sa bayan o sariling interes ang uunahin. Inihayag ito matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum na mahalaga ang lider na may malalim na pag-unawa sa ekonomiya, kayang lumikha ng trabaho, mapanatiling mababa ang inflation at matiyak ang…
Read MoreBATO DELA ROSA ‘SINAMPAL’ NG ETHICS COMPLAINT
SINAMPAHAN na ng ethics complaint ng isang civil society group si Senador Ronald Bato dela Rosa. Ang reklamo ay inihain ng ‘Wag Kang KuCorrupt’ sa pangunguna ni dating Finance Undersecretary Prof. Cielo Magno. May kinalaman ito sa patuloy na absences ni dela Rosa at hindi pagtupad sa kanyang official duties sa Senado na higit tatlong buwan na. Nakasaad sa reklamo na ang patuloy na hindi pagpasok ni Dela Rosa ay hindi lamang kapabayaan sa kanyang tungkulin kundi grave abuse sa pribilehiyo at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng taumbayan bilang senador.…
Read More