INALERTO ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pinay laban sa human trafficking scheme na tinatawag na “Bitbit” na sa ibang bansa ginagawa ang talamak na sex trade. Ito ay matapos masakote ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong March 22, 2024 ang isang lalaki at kasamang Pinay bago sila makasakay sa kanilang flight patungong Kota Kinabalu, Malaysia. Hindi naman tinukoy ng BI ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang kasama nitong babae na umano’y live-in partner niya. Duda si Immigration Commissioner Norman Tansingco na isa itong…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PUBLIKO PINAG-IINGAT SA MATINDING HEAT INDEX
NAALARMA si Senate committee on health Chairperson Christopher Lawrence “Bong” Go sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa very high heat index sa ilang bahagi ng bansa sa mga nakalipas na araw. Sa report ng PAGASA, nasa siyam na lugar sa bansa ang nagrehistro ng heat index na ikinukunsiderang nasa “danger” level dahil umabot ito sa 42 hanggang 51 degrees. Kabilang dito ang Roxas City sa Capiz; San Jose sa Occidental Mindoro; Masbate; Butuan; Iloilo City; Pili sa Camarines Sur; Puerto Princesa City sa…
Read MoreBLOODLESS DRUG WAR IBINIDA NG PDEA
IPINAGMALAKI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumaba ang bilang ng mga nasawi sa drug war ng pamahalaan sa panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sinabi ng PDEA na mahigit 95 percent ang ibinaba nito kumpara sa giyera sa droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nakapagtala mula Hulyo 1, 2022 hanggang Disyembre 31, 2023 ng 195 drug suspects lamang ang ‘nasingil ang buhay’ dahil sa operasyon ng bawal na droga. Kumpara umano ito sa parehas na panahon noong termino ni Duterte na mayroong 3,968. Bumaba rin ang mga naarestong…
Read MoreSa buwis sa cross-border services BIR TATALUPAN SA SENADO
NAIS ni Senador Win Gatchalian na imbestigahan ang pagpapataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 25% withholding tax at 12% VAT sa lahat ng cross-border services na ibinibigay ng mga non-resident foreign corporations (NRFC). Nagbabala si Gatchalian na maaari nitong itaboy ang mga dayuhang mamumuhunan. “Maaari nitong itaas ang halaga ng pagnenegosyo sa bansa, na lalong magpapahina sa pakikipagkumpetensya ng bansa sa buong mundo pagdating sa pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan,” pahayag ni Gatchalian. Tinukoy ng senador ang BIR Revenue Memorandum Circular (RMC) 5-2024, na nagsasaad na ang mga…
Read MoreMAGSASAKA IBABAON SA UTANG NG MARCOS – LAUREL TANDEM
KINASTIGO ng grupo ng magsasakang kababaihan sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dahil imbes ayuda ang ibigay sa mga magsasaka na apektado ng El Niño ay ibinabaon pa ang mga ito sa utang. Ayon kay Amihan secretary general Cathy Estavillo, umaabot na sa P1.7 billion ang nasirang pananim dahil sa El Niño subalit pautang sa mga magsasaka at mangingisda ang tugon nina Marcos at Laurel. “Sa gitna ng rumaragasang epekto ng El Nino sa kabuhayan ng mga magsasaka sa palayan,…
Read MoreFOREIGN INVESTORS DUDA SA CHA-CHA
LONG term instability ang gusto ng investors maging ng local businessmen sa Pilipinas, ayon sa pamunuan ng pinakamalaking business organization sa bansa kaugnay sa isinusulong na economic Charter change sa Kongreso. Sa isang pulong balitaan, inihayag ni Dr. Cecilio Pedro, tagapangulo ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., duda sila sa magiging epekto ng Cha-cha sa kalakalan. Ayon kay Dr. Pedro, ang kanilang concern ay hindi nila batid kung ano ang mangyayari sakaling magkaroon ng pagpapalit sa Saligang Batas. “Paano kung mali, paano kung walang mangyayari,…
Read MoreNBI BINABANTAYAN DEPORTATION NI TEVES
TINUTUTUKAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagbabalik sa bansa ng pinatalsik na kongresistang si Arnolfo Teves Jr. matapos itong maaresto sa Timor-Leste. Nauna nang sinabi umano ni Timor-Leste President José Ramos-Horta na nais nitong ma-deport si Teves sa lalong madaling panahon. Ayon kay NBI Director Medardo de Lemos, sa kanyang pakikipagpulong sa Timorese leader, ipinaabot nito ang kagustuhan na maresolba na sa lalong madaling panahon ang mga kasong kinakaharap ni Teves na nagbibigay-diin naman sa kahalagahan ng mabilis na deportation nito pabalik sa Pilipinas. Ayon kay de Lemos,…
Read MoreKapag lumusot ang Cha-cha PINOY HAWAK SA LEEG NG FOREIGN INVESTORS
HAHAWAKAN ng China at iba pang foreign investors sa leeg ang mga Pilipino kapag nagtagumpay ang Kongreso sa kanilang economic Cha-cha. Babala ito ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares kaugnay ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang linggo. “Ang pagbenta natin sa dayuhan ng ating public utilities tulad ng tubig at kuryente ay mapanganib dahil kung hawak ng dayuhan ang ating public utilities, hawak niya tayo sa leeg,” ani Colmenares. Sa ngayon ay 40% sa…
Read MoreBAN SA POGO INDUSTRY MULING IGINIIT
BINUHAY ni Senador Win Gatchalian ang panawagan na i-ban na ang POGO industry sa bansa dahil krimen lamang ang dulot nito. Sa gitna ito ng pagkakadiskubre ng posibleng kaugnayan ng isang alkalde sa operasyon ng ni-raid na POGO sa Tarlac. Sinabi ni Gatchalian na ito ang unang pagkakataon na may isang local executive na nasangkot sa POGO operations na labis niyang ipinagtataka dahil karamihan anya sa kanyang nakakausap na lokal na opisyal ay tutol sa POGO. Idinagdag ng senador na paulit ulit nang napatunayan na hindi natutumbasan ng kinikita sa…
Read More