(DANG SAMSON-GARCIA) IMINUNGKAHI ni Senate committee on basic education chairman Sherwin Gatchalian sa mga principal na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon. Sa ganitong paraan, sinabi ni Gatchalian na maipagpapatuloy ang edukasyon ng mga bata kasabay ng pagbibigay prayoridad sa kalusugan at kaligtasan ng mga estudyante at guro. Ilang lokal na pamahalaan na rin ang nagsuspinde ng klase simula kahapon bunsod ng matinding init ng panahon. Ipinaalala ni Gatchalian na sa ilalim ng…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PAGKONDENA NG SENADO SA AKSYON NG CHINA UMUSAD
NAGHAIN na ng resolution si Senate Majority Leader Joel Villanueva para sa pagbuo ng sense of the Senate kaugnay sa pagkondena sa patuloy na harassment lalo na ang ilegal at mapanganib na aksyon ng China sa West Philippine Sea. Sa kanyang Senate Resolution 980, isinusulong ni Villanueva na magkaroon ng iisang boses ang Senado upang suportahan ang executive branch sa pagsusulong ng mga legal at diplomatikong aksyon sa pakikipaglaban para sa ating soberanya. Layon din ng resolution na i-update ang inaprubahang sense of the Senate noong August 1, 2023 na…
Read MoreKOREAN AMBA, IBA PANG EMBASSY OFFICIALS BUMISITA SA SC
NAG-COURTESY call kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo si Korean Ambassador-Designate to the Philippines His Excellency Lee Sang-hwa para sa kolaborasyon ng Pilipinas at South Korea. Pangunahing tinalakay sa pagbisita ng South Korean envoy ang potensyal na pagtutulungan ng dalawang bansa sa Asya, gayundin ang mahalagang paggamit ng teknolohiya sa hudikatura para makatuon sa pagbuo ng kapasidad ng cybersecurity at ang pagpapalitan ng mga pinakamahusay na kasanayan sa pamamahala ng sistema ng korte. Ang dayalogo ay patunay sa matibay na pangako ng Philippine Judiciary na gamitin ang teknolohiya para…
Read More90% ng Pinoy ayaw sa Cha-cha RESULTA NG SURVEY ‘SAMPAL’ SA MGA KONGRESISTA
HINDI matanggap ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan halos 90 porsyento sa mga Pinoy ay kontra na amyendahan ang 1987 Constitution. Ganito inilarawan ni ACT Teacher Party-list Rep. France Castro ang reaksyon ng administration congressmen dahil kinuyog ng mga ito ang nasabing survey firm. “There seems to be a concerted effort to discredit the Pulse Asia survey saying that an overwhelming majority of Filipinos are strongly against Charter change,” obserbasyon ng mambabatas. Bago ito, kinastigo ng ilang administration congressmen ang…
Read MoreMARCOS NAGPAPAGAMIT SA AMERIKA SA WPS ISYU
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa administrasyon ng kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag magpagamit sa pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ng senadora na walang ibang makatutulong sa Pilipino kundi tayo-tayo rin partikular sa problema sa ating teritoryo. Aminado rin ang mambabatas na hindi pa kakayanin ng bansa na tapatan ang superpower na China. Kaya iminumungkahi ng senadora sa Pangulo na palagiang buksan ang linya ng komunikasyon sa iba’t ibang level sa pagitan ng Pilipinas At China. Naniniwala ang mambabatas…
Read MoreSAKIT ‘WAG GAMITIN SA PRANK – DOH
BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang mga prankster na huwag magbiro tungkol sa mga sakit bilang bahagi ng April Fools’ Day. Nais ng DOH na panatilihing magaan ang diwa ng taunang kaganapan nang hindi nagdudulot ng anomang pinsala. Naiulat sa buong mundo, marami ang gumagawa ng mga biro at mapaglarong kalokohan sa April Fools’ Day. Gayunpaman, ang ilang mga kalokohan ay lumipas na, na nagiging sanhi ng pagkabalisa o pinsala. Hinihikayat ng DOH ang lahat ng nagbibiro na mangyaring iwasan ang mga may kaugnayan sa sakit, at iba pang…
Read MorePatutsada ng kapwa kongresista ALVAREZ PRO-CHINA
KINUKUYOG ngayon ng kanyang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez matapos itong managawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-resign at ilipat ang kapangyarihan kay Vice President Sara Duterte upang maresolba ang problema sa West Philippine Sea (WPS). Sa press conference kahapon, ipinaalala ni House deputy majority leader Janette Garin sa dating House Speaker na ang tanging paraan para matanggal ang Pangulo sa kapangyarihan ay sa pamamagitan ng impeachment o kaya ang taumbayan (sa pamamagitan ng people power) at hindi…
Read MoreLIGTAS NA BAGONG PILIPINAS HAMON SA BAGONG PNP CHIEF
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na manatiling bigilante sa gitna ng lahat ng mga hamon at oportunidad habang ang bansa ay sumusulong para sa isang mapayapa at ligtas na “Bagong Pilipinas.” “Let us remain vigilant in the face of challenges and opportunities, as we strive to build a Bagong Pilipinas where everyone can thrive and live in peace,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang change of command ceremony at retirement honors para kay Police General Benjamin Acorda Jr. Nagtapos…
Read MoreBALASAHAN IKINASA SA MARITIME SECURITY AGENCIES
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga Pilipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Sa Executive Order No. 57 ng Pangulo, pinalitan ng NMC ang National Coast Watch System (NCWS) na in-charge sa pagbuo ng mga polisiya at istratehiya para matiyak na iisa at coordinated ang framework para sa maritime security ng Pilipinas. Si…
Read More