NARARAPAT lang na ituloy ng Pilipinas ang joint military drills sa Australia dahil maraming benepisyo ang pagsasanay na ito. Sa isang taped interview habang nasa Melbourne, Australia, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang war games sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay makatutulong para mapahusay ang ‘defense at security capabilities’ ng bansa at maging ang disaster preparedness. “This will benefit the Philippines because we are conducting these exercises so that we are able to work together with our foreign partners. And when I say work together, it is…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Sa kawalang aksyon ng Marcos admin PINOY PINAPATAY SA GUTOM AT KAHIRAPAN
UNTI-UNTING pinapatay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gutom at kahirapan ang sambayanang Pilipino dahil sa kawalang aksyon nito sa problema ng mga magsasaka at hinahayaang mamayagpag ang mga tiwaling negosyante. Ginawa ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo ang pahayag matapos lumobo sa 3.4% ang inflation rate noong Pebrero mula sa 2.8% noong Enero kung saan sa lahat ng mga bilihin ang bigas ang pinakamataas sa paglobo ng presyo. Sa pinakahuling report ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot sa 23.7 percent ang inflation sa bigas kaya nahila nito pataas…
Read MorePOLITICAL PROVISIONS ISISINGIT SA ECO CHA-CHA
HINDI isinasantabi ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sisingitan ng political provisions pagdating sa plenaryo ang economic Cha-cha o Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 na pinagtibay na sa committee level. Sa press conference, hiniling ni ACT party-list Rep. France Castro sa taumbayan na samahan silang magbantay dahil maraming pwedeng mangyari kapag inakyat na sa plenaryo ang nasabing resolusyon. “Nangangamba kami na baka mag-float o maamyenda yung committee report during the second reading. Alam naman natin na may mga kongresista na nagsasabing ‘bakit tatlo (provisions) lang…
Read MoreGLUTA IV DEATHS BUBUSISIIN SA SENADO
NAIS ni Senador Nancy Binay na busisiin ng Senado mga ulat ng pagkamatay ng ilang indibidwal dahil umano sa hindi awtorisadong paggamit ng intravenous glutathione. Inihain ni Binay ang Senate Resolution 952 kung saan tinukoy ang report ni Health Secretary Ted Herbosa nitong Enero na may babae sa Quezon City na pumanaw matapos na sumailalim sa hindi otorisadong glutathione at stem cell infusion. Batay sa ulat, nagkaranas ng cardiac arrest ang pasyente matapos sumailalim sa glutathione treatment sa isang spa sa Sampaloc, Maynila noong 2020. Nakasaad din na mismong si…
Read MorePAGKONTRA NG DEPED SA CHA-CHA WA EPEK
IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkontra ng Department of Education (DepEd) sa economic Charter change (Cha-cha). Sa press conference, sinabi ni Mandaluyong Rep. Neptali “Boyet” Gonzales III na nirerespeto ng mga ito ang posisyon ng DepEd na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte subalit hindi aniya ang mga ito ang huling magdedesisyon kundi ang mga mambabatas. “As to whether or not ang DepEd, oppose it or iyong some other people opposes it, ganoon talaga eh, at the end of the day basta magbobotohan diyan, whether…
Read MoreInterview ng Australian press pinagpiyestahan MARCOS SINOPLA, NAUTAL, NAG-VIRAL
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PINAGPIPIYESTAHAN sa social media ang video clip ng interview ng ABC News Australia kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos itong gisahin ng Australian journalist and reporter na si Sarah Ferguson. Sa panayam ni Ferguson ng ABC o Australian Broadcasting Corporation, dinikdik nito si Marcos sa iba’t ibang isyu kabilang na ang mga kontrobersya sa panahon ng kanyang amang si diktador Marcos Sr. Sa bahagi ng panayam, tila ikinagulat ni Ferguson ang reaksyon ni Marcos na natatawa sa tanong ukol sa korupsyon ng panahon ng diktadurya sa…
Read MorePINOY NATARANTA SA PAGBAGSAK NG META
HINDI maipagkakailang bahagi na nga ng buhay hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng nakararaming tao sa mundo ang social media. Ramdam iyan nang mag-down ang operasyon ng Meta kamakalawa ng gabi. Katunayan, nag-trending ang Facebook, Messenger at Instagram na pawang pinatatakbo ng Meta at maging ang salitang #kinabahan nang halos sabay-sabay magtanong sa X, dating Twitter ang mga nakapansin na hindi nila mabuksan ang kanilang account. Pinatunayan din nito na hindi pa sanay gamiting ng netizens ang X dahil marami ang gumamit pa rin ng salitang Twitter patungkol…
Read MoreSINUSPINDENG NFA OFFICIALS SIBAKIN NA
HINDI na dapat pabalikin ang 139 opisyales at empleyado ng National Food Authority (NFA) na sinuspinde ng Office of the Ombudsman dahil sa pagbebenta ng NFA rice sa dalawang rice traders sa murang halaga. Ayon kay Agri party-list Rep. Wilbert Lee, kailangang linisin sa mga tiwali ang nasabing ahensya upang maibalik ang tiwala ng taumbayan. “Malaking kasalanan ang paglustay sa supply ng bigas, lalo pa napakamahal ng presyo ng pagkain at mga pangunahing bilihin ngayon. In order to restore the trust of the public in the NFA, there needs to…
Read MoreBOC PASOK SA TONGPATS SA UKAY-UKAY
NAGPATAWAG ng imbestigasyon ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa patuloy umanong katiwalian sa Bureau of Customs (BOC) at ang pagtanggap ng ‘tongpats’ sa ukay-ukay na pinapayagan nilang makapasok sa bansa kahit bawal sa batas. Sa House Resolution (HR) 1602 na inihain ni Manila Rep. Bienvenido Abante, isiniwalat nito na may ilang opisyales at empleyado ng BOC ang tumatanggap ng P1.5 million kapalit ng pagpayag ng mga ito sa mga ilegal na produkto tulad ng ukay-ukay. “WHEREAS, some officials and employees of the Bureau of Customs (BOC) are…
Read More