MISTULANG wasak na ang inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa banggaan ng ilang kongresista laban kay Sen. Ronald “Bato’ dela Rosa kaugnay ng usapin sa International Criminal Court (ICC) investigation sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. Dahil dito, pinaalalahanan ng isang lider ng Kamara ang bagitong Senador na igalang ang inter-parliamentary courtesy lalo na’t inakusahan ni Dela Rosa na ginagamit umano ang ICC cooperation laban sa mga Duterte. “We respect the opinion of Sen. Bato dela Rosa, but we ask for parliamentary courtesy from…
Read MoreCategory: NASYUNAL
SUPREMO KONTRA SMUGGLERS
NAGSAGAWA ng konsultasyon sina Supremo Senador Lito Lapid at Benguet Cong. Eric Yap sa mga magsasaka at vendors ng gulay sa La Trinidad trading post sa Benguet noong Biyernes, November 24. Kabilang si Sen. Lapid sa mga may akda ng Senate Bill No. 2432 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2016 na naglalayong patawan ng life imprisonment ang mga sindikato sa agrikultura na sangkot sa smuggling, hoarding at profiteering. (DANNY BACOLOD) 474
Read MoreCASH AID SA QUAKE VICTIMS SA MINDANAO LALARGA NA
HINAHANDA na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang financial assistance para sa mga pamilya na nawalan ng tahanan dahil sa 6.8 magnitude earthquake na tumama sa Mindanao, dalawang linggo na ang nakalipas. Sa katunayan, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ipinag-utos na niya sa mga opisyal ng departamento sa Davao Region at Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos) na bilisan ang probisyon ng financial assistance. Sa ilalim ng Rental Subsidy and Financial Assistance Program ng DHSUD, ang mga pamilya na…
Read MoreAMNESTIYA SA MGA REBELDE SUPORTADO NG DOJ
SUPORTADO ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakaloob ng amnesty ng pamahalaan sa mga rebelde at insurgent sa bansa. Nakasaad sa statement ng DOJ, ang mga pinalabas na Executive Order (EO) No. 47, na nag-aamyenda sa EO No. 125 at nag-update sa tungkulin ng National Amnesty Commission (NAC), ay isang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan. Sa naturang statement, makikipagtulungan ang DOJ sa NAC para sa pagproseso ng mga aplikasyon ng amnestiya alinsunod sa proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang sa mga amnesty proclamation ang 403, 404, 405 at 406…
Read MorePORK BARREL SYSTEM ‘PATATABAIN’ PA NG KAMARA
LALONG magiging mataba ang pork barrel system sa bansa dahil sa ipinasang panukalang batas sa Kamara na oobligahin ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na pondohan ang mga proyekto ng gobyerno na nakalista sa unprogrammed appropriations (UA). Sa botong 229 pabor at 4 na kontra, tuluyang pinagtibay ang House Bill (HB) 9513 na inakda at ipinasa mismo ni House committee on ways and means chairman Rep. Joey Salceda ng Albay, na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 11936 o 2023 general appropriations act. “This move has potential implications on social…
Read MoreBBM MASISIRA SA INTERNATIONAL COMMUNITY SA ISYU NG ICC
MASISIRA sa international community si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kapag sumunod sa kanyang bise presidente na si Sara Duterte na kontra sa pakikipagtulungan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC). Ito ang babala ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares matapos makiusap si Duterte sa Department of Justice (DOJ) na huwag payagan ang ICC probers na pumunta sa Pilipinas para mag-imbestiga sa war on drugs. “By following VP Duterte’s stand and refusing to cooperate with the ICC, the government will send a message that it is not…
Read MoreMGA BARIL NI COL. ABONG PINAKUKUMPISKA NG DILG
INATASAN ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) na agad kumpiskahin ang tatlong licensed firearms ng police official na sangkot sa pagpapaputok ng baril sa labas ng restobar isa Quezon City. Ang direktiba ni Sec. Abalos ay inilabas matapos bawiin ng PNP Firearms and Explosives Office (FEO) ang lisensya ng tatlong baril ng suspek na si PLt. Col. Mark Julio U. Abong. Magugunitang si Abong na may dismissal order, ay naaresto noong nakalipas na linggo dahil sa ‘unprovoked firing of guns’ sa harapan ng…
Read MoreLOCAL PRICE COORDINATING COUNCIL PINAKIKILOS
BUNSOD na papalapit na Yuletide season, inatasan ni Department of the Interior and Local Governments Secretary Atty. Benjamin Abalos Jr. ang lahat ng local chief executives sa buong bansa na bumuo at pakilusin ang kani-kanilang Local Price Coordinating Council (LPCC). Ayon kay SILG Abalos, layunin nito na subaybayan at tutukan ang supply at presyo ng pangunahing mga bilihin, lalo na ang mga produktong pang-Noche Buena. Sinabi ni Secretary Abalos, kailangang masubaybayan at matutukan ang halaga ng pangunahing mga bilihin ngayong Christmas season upang makatulong na mabawasan ang pasanin sa gastusin…
Read MorePEACE TALKS NG GOBYERNO AT NDF MULING AARANGKADA
KAPWA nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front (NDF), political wing ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) sa isang “principled and peaceful resolution of the armed conflict.” Ito’y matapos na lagdaan ng Philippine government at NDF ang isang joint statement sa Oslo, Norway noong Nobyembre 23. “Cognizant of the serious socioeconomic and environmental issues, and the foreign security threats facing the country, the parties recognize the need to unite as a nation in order to urgently address these challenges and resolve the reasons for the armed conflict,”…
Read More