ORAL ARGUMENTS SA UNPROGRAMMED FUNDS, ITUTULOY NG SC SA JULY 14

ITUTULOY ng Supreme Court (SC) sa Hulyo 14 ang pagdinig sa pinagsamang petisyon na kumukuwestiyon sa ilang probisyon ng unprogrammed funds at Special Accounts in the General Fund sa 2024, 2025, at 2026 General Appropriations Acts (GAA).

Gaganapin ang oral arguments alas-9:30 ng umaga sa SC En Banc Session Hall at Division Hearing Room ng Supreme Court sa Padre Faura, Maynila.

Kabilang sa mga kasong tatalakayin ang mga petisyong inihain nina dating Albay Rep. Edcel Lagman at iba pa, dating Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, dating House Speaker

Pantaleon “Bebot” Alvarez, Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement Inc., at nina dating Caloocan Rep. Edgar Erice at dating Senador Leila de Lima.

Sa mga petisyon, kinukuwestiyon ang legalidad ng ilang probisyon kaugnay ng unprogrammed funds at Special Accounts in the General Fund na nakapaloob sa pambansang badyet para sa 2024, 2025, at 2026.

Inaasahang magpapatuloy sa nakatakdang pagdinig ang presentasyon ng mga argumento ng magkabilang panig sa usapin.

(JULIET PACOT)

73

Related posts

Leave a Comment