IMBES tutukan muna ang pagpapalakas sa bansa at maiahon sa kahirapan ang mga tao, mas inuuna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pakikipagbangayan sa China sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang obserbasyon ni dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez kay Marcos dahil tinututukan aniya nito ang pakikipag-alyansa sa Estados Unidos dahil sa lumalalang tensyon sa WPS. “Let us stop this madness and delusion that we fight China in an armed conflict as part of the frontline of U.S. geopolitical interests. Wag natin kalimutan, iniwan din ng mga Amerikano…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Hindi masisisi kung magwelga – solon PUJ OPERATORS/DRIVERS MAPUPUTULAN NA NG KAYOD
HINDI masisisi ang mga tsuper at operators ng mga public utility jeep (PUJ) sa kanilang ikinasang tatlong araw na transport strike dahil mahigit isang buwan na lamang ay mawawalan na sila ng hanapbuhay. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, mistulang minamadali ng gobyerno sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mawala sa lansangan ang mga traditional jeep kaya ayaw iatras ang December 30 deadline para sa konsolidasyon ng prangkisa sa isang kooperatiba sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Nangangahulugan na nakatakdang mawala…
Read MoreUsapang magpinsan, VP Inday laglag ROMUALDEZ IUUPO NI MARCOS
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG binuking ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng magpinsang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez na hindi na umalis sa Malakanyang. Ito ay dahil ipapasa umano ni Marcos kay Romualdez ang pagka-presidente sa 2028. Sa kanyang programang Gikan sa Masa, sinasabi ng dating pangulo na nais ng magpinsan na magkaroon ng continuity sa kanilang pagiging lider ng bansa. Malinaw na hindi nila papupwestuhin si Vice President Sara Duterte. Matatandaang sunod-sunod na binanatan ni Duterte si Romualdez at ang Kongreso kamakailan na…
Read MoreIMPEACH SARA HILAW PA
KUNG mayroong dapat pagtuunan ng pansin ang taumbayan, ito ay malaman kung saan ginastos ni Vice President Sara Duterte ang P125 million confidential funds sa loob lamang ng 11 araw at hindi ang impeachment case na hilaw pa umano. Ito ang iginiit ni House deputy minority leader France Castro sa press conference ng Makabayan bloc kaugnay ng confidential funds ni Duterte na hanggang ngayon ay hindi pa naipaliliwanag sa publiko kung saan ginamit. “Dapat talagang mag-focus tayo doon sa isyu ng confidential funds antagal na nito mula pa nung September…
Read MorePAGIGING SCAM NG MIF PINATOTOHANAN NI BBM
(BERNARD TAGUINOD) PINATOTOHANAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na scam ang Maharlika Investment Fund (MIF) gaya ng matagal nang sinasabi ng mga kritiko ng administrasyon nito. Pahayag ito ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos baguhin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF law upang mas mapaluwag aniya ang pagpasok ng appointees ni Marcos tulad ni Rafael Consing Jr., at iba pa na siyang mamamahala sa pondo ng bayan. “Mas lantad na ngayon sa mga Pilipino na ang Maharlika Investment Fund ay isang SCAM para ipunin ang pera…
Read MoreRANDOM MANUAL AUDIT MANANATILI – COMELEC
HINDI na aalisin ng Commission on Elections (Comelec) ang Random Manual Audit sa tuwing magsasagawa ng eleksyon sa bansa. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, mandato ito ng batas at hindi dapat mawala tuwing halalan. Bukod dito, sinabi ng Comelec na napatunayan at naging epektibo ang random manual audit dahil tama ang bilang ng mga boto sa paggamit ng PCOS machine. Lagi rin itong ginagamit sa mga nagdaang random manual audit ng komisyon para maikumpara ang bilang ng mga boto sa mga balota na ipinasok sa makina. Bukod sa…
Read MoreLTO LUGI NG P37-B
MAKARAANG umabot sa mahigit P37 bilyon ang pagkalugi sa kita sana ng pamahalaan, ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘No Registration, No Travel’ Policy para mapilitan ang mga delingkwenteng may-ari ng sasakyan na magparehistro. Nabatid mula kay Mendoza ang mahigpit na pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy matapos na ang pagsusuri sa datos ng ahensya ay nabunyag na 65% ng mga sasakyang de-motor sa bansa ay nauuri bilang delinquent, o ang mga may-ari ng alinmang sasakyan, na…
Read MoreCHR NILINAW ANG POSISYON KAUGNAY SA ABORTION
NAGLABAS na ng opisyal na posisyon ang Commission on Human Rights kaugnay sa usapin ng abortion. Ito ay makaraang ipagpaliban ng Senado ang pagtalakay sa kanilang proposed 2024 budget nang hindi makapagbigay ng malinaw na stand sa isinusulong na decriminalization ng abortion. Sa sulat na ipinadala ng CHR kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nanindigan ang ahensya na tutol sila sa abortion maliban na lamang sa mga kaso na kinakailangan itong gawin for medical reasons. Pirmado nina CHR chairperson Richard Palpal-latoc, Commissioners Beda Epres at Monina Zenarosa ang sulat. Ipinaliwanag…
Read MoreNTF-ELCAC PINABUBUWAG NG UN SPECIAL RAPPORTEUR
POSIBLENG misinformed si UN Special Rapporteur Dr. Ian Fry sa tunay na mandato ng NTF-ELCAC kaya’t inirekomenda ang pagbuwag sa task force. Ito ang binigyang-diin ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa pagsasabing posibleng si Fry na ang pinaka-misinformed na dayuhan na nagtungo sa bansa. Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Reconciliation and Unity, sinabi ni dela Rosa na posibleng ang naririnig lamang ng rapporteur ay ang mga impormasyong ipinararating sa kanya ng mga kritiko ng gobyerno at hindi napapakinggan ang pamahalaan.…
Read More