Sa kabila ng boladas ni BBM sa Saudi FOREIGN INVESTORS DUDA SA MAHARLIKA FUND

MAKABUBUTING tuluyan nang lusawin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Maharlika Investment Fund (MIF) dahil walang foreign investors ang susugal sa isang basurang batas. Ayon ito kay Albay Rep. Edcel Lagman na hindi na umano nagtaka nang iutos ni Marcos na suspendihin muna at patuloy na pag-aralan ang MIF law. “Haste makes waste” is an appropriate aphorism for inscription on the epitaph of the Maharlika Investment Fund,” reaksyon ng mambabatas. Aniya, anim na buwan lamang ginawa ang nasabing batas kaya hindi ito dumaan sa mabusising pag-aaral ng mga kaalyado…

Read More

LTFRB WHISTLEBLOWER ‘DI NAPIGA, NA-CONTEMPT

IPINAKULONG ng Kamara ang whistleblower na si Jefferson Tumbado sa umano’y katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa paiba-ibang sagot. “Hearing no objection to the motion of Honorable (Rodante) Marcoleta citing Mr. Tumbado in contempt, the chair hereby declare Mr. Tumbado in contempt and be detain in Congress for a maximum of ten days,” ani Antipolo City Rep. Romeo Acop, chairman ng House committee on transportation. Hindi naitago ni Marcoleta ang pagkapikon at pagkadismaya kay Tumbado dahil wala umanong nakuhang maayos na sagot ang mga mambabatas…

Read More

NORTHRAIL CORP. BINUWAG NA NI BBM

TULUYAN nang binuwag ng Malakanyang ang North Luzon Railways Corporation (Northrail) sa katuwirang wala na itong saysay. Mandato ng Northrail na mag-develop, magtayo, mag-operate at pangasiwaan ang railroad system patungong National Capital Region, Central Luzon at Northern Luzon. Nakasaad sa Memorandum Order No. 17, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 19, 2023, ang Northrail ay hindi na “cost efficient, and does not generate the level of social, physical and economic return vis-a-vis the resource inputs.” Ayon pa rin sa kautusan, ang Bases Conversion and Deve­lopment Authority (BCDA) ang…

Read More

P30-M SMUGGLED YOSI NA NASABAT SA 2 INDONS NAGLAHO?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) ITO ang usap-usapan ngayon matapos mahuli ang dalawang Indonesian nationals na suspected smugglers na may dalang 600 master case o kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P30 million. Ang mga suspect na sina Fadli Machmud at Pajar Antarani ay naaresto ng mga operatiba ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard habang naglalayag sa Isla ng Sarangani province. Nangyari ito noong October 17 ngunit hindi lumabas sa media. Naging kahina-hinala naman ang isinampang kaso laban sa kanila dahil sa halip na ‘economic sabotage,’ kinasuhan lamang sila ng…

Read More

Raid ni Speaker Martin ‘epal’ lang PRESYO NG BIGAS PUMAPALO PA RIN SA P60 KILO

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG umepal lang si House Speaker Martin Romualdez nang pangunahan nito ang mga pagsalakay kamakailan sa ilang warehouse na pinaghihinalaang nag-iimbak ng bigas. Sunod-sunod na sinalakay ng Bureau of Customs (BOC) kasama si Romualdez at ilan pang mambabatas matapos iutos ng Malakanyang ang paghabol sa mga pinaghihinalaang dahilan ng artificial shortage at pagmahal ng presyo ng bigas sa bansa. Kabilang sa mga sinalakay ang rice warehouses sa Bulacan. Sa kabila nito, patuloy ang reklamo ng mga mamimili sa mataas pa ring presyo ng bigas sa mga pamilihan. Para…

Read More

PERA NG LANDBANK AT DBP AAMAGIN SA MAHARLIKA

(DANG SAMSON-GARCIA/CHRISTIAN DALE) NAGBABALA si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na posibleng abutin ng ilang buwan o taon na matutulog ang inilagak na P50 billion ng Land Bank of the Philippines at P25 billion ng Development Bank of the Philippines sa Maharlika Investment Fund kung hindi ito ibabalik sa dalawang bangko. Sinabi ni Pimentel na maaari kasing matagalan pa ang pagpe-perfect sa sinasabing problema sa Implementing rules and regulations ng Maharlika Investment Fund Act bukod pa sa aabutin din ng ilang buwan ang pagbuo ng korporasyon at pagkuha ng…

Read More

MARCOS JR. ‘DI ISUSUKO MAHARLIKA FUND

NILINAW ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itutulak ng administrasyon ang implementasyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) law, na magsisimula bago pa matapos ang taon. Sa kanyang pre-departure statement, bago pa umalis patungong Saudi Arabia, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na linawin ang naunang report na nagsasabing suspendido ang MIF, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy niya na ipakilala ang sovereign fund sa ibang bansa. “I would just like to make a comment because one of the important aspects of this trip will be for us to introduce the…

Read More

BBM, ROMUALDEZ, DIOKNO, SANDRO KINASTIGO SA PALPAK NA MAHARLIKA FUND

BINALIKAN ng mga netizen ang pagyayabang noon ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos na pinag-aralang mabuti ang Maharlika Investment Fund. Kinastigo nila ang mistulang pagsasabwatan nina Pangulong Bongbong Marcos, anak na si Sandro, House Speaker Martin Romualdez, Finance Sec. Benjamin Diokno, mga senador at kongresista para agad mailusot ang MIF. Matapos ang laban-bawi ni Marcos, may nagkomento na ipinapakita lang nito kung paanong nagagamit ang kapangyarihan ng pangulo upang i-shortcut ang legislative process. May mga nag-aalala naman kung ano ang mangyayari sa pondong inilagak ng DBP at Landbank…

Read More

Banking industry babagsak MARCOS SABLAY, MAHARLIKA URONG-SULONG, Banking industry pababagsakin ng MIF MARCOS NATAKOT, NAG-URONG-SULONG

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KANTYAW ang inabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos suspendihin ang implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023. Sa X, nagpost ang UP professor na si JC Punongbayan na tila sinisisi si Marcos dahil sa hindi pakikinig sa babala ng mga ekonomista kaugnay sa posibleng epekto ng Maharlika Fund. “Economists have been saying all along, it’s beyond repair. Pero itinulak pa rin. Walang kadala-dala,” post niya. Nito lamang nakaraang Oct. 11, inanunsyo ng Palasyo na exempted ang Land Bank of…

Read More