INAKO ng isang indibidwal ang magkakasunod na cyberattacks sa ilang government websites. Sa isang recorded video message na naka-post sa X, dating Twitter, isang account ng nagngangalang ‘Diablox Phantom’ ang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kanyang ginawang pagha-hack. Kinumpirma naman ni DICT spokesperson Assistant Secretary Aboy Paraiso na batid ng DICT ang personalidad na ito. “There is an ongoing investigation by the CICC (Cybercrime Investigation and Coordinating Center) for proper attribution of his identity and his claims,” ayon kay Paraiso. Inako ng naturang indibidwal na siya ang nasa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
AGAW-BUSINESS MOTIBO SA PAGDIIN KAY TEVES
PARA sa mga taga-Negros Oriental, negosyo partikular ang STL at e-Sabong ang dahilan kaya patuloy ang panggigipit kay dating Cong. Arnolfo “Arnie” Teves ng kanyang mga kalaban. Ngayong ibinalik ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ay nagkalinaw umano na nais lang itong makuha ng mga kalaban mula kay Teves. Kwento ng source ng SAKSI Ngayon, nagsimula ang e-Sabong at STL sa Negros Oriental na pagmamay-ari ni Teves. Kalaunan ay pinagtulungan aniyang siraan si Teves ng pamilyang Degamo at ni Mayor Fritz Diaz mula sa isyu ng mga…
Read MoreSIM registration pinasususpinde DATA PRIVACY NG PINOY TAGILID KAY MARCOS
HABANG hindi pa kaya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na proteksyunan ang sambayanang Pilipino laban sa hackers, kailangan suspendehin ang SIM card registration. Ito ang iginiit ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa gitna ng sunod-sunod na cyber attack sa mga ahensya ng gobyerno kabilang ang Kongreso. “Kailangang itigil muna ang sapilitang pagkuha ng online data ng mamamayang Pilipino through SIM card registration. Matapos ang serye ng mga data hack, hangga’t di naipapakita ng Marcos Jr. admin na kaya nitong tiyakin ang cybersecurity ng ating bansa, hindi dapat ipagkatiwala…
Read More‘Di baleng may baha basta may kita MANILA BAY RECLAMATION TINUKURAN NG KAMARA
SA kabila pagtutol ng mga environmentalist sa reclamation projects sa Manila Bay dahil nagiging dahilan umano ito ng pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan tulad ng Bulacan at Pampanga, mistulang tinukuran ito sa Kamara dahil sa daan-daang bilyones na maaaring kitain dito ng gobyerno. Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, lumabas na aabot umano sa P432 billion ang kikitain ng gobyerno sa 14 reclamation projects na inaprubahan ng gobyerno sa Manila Bay kapag naibenta na ng reclamation companies…
Read MoreDIKTADOR NA MARCOS HINDI PA NAPAPATAWAD NG PINOY
HINDI nangangahulugan na napatawad ng sambayanang Pilipino ang mga kalupitan ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr., nang mahalal ang anak nito ito bilang Pangulo ng Pilipinas. Ito ang iginiit ni Liberal Party (LP) president at Albay Rep. Edcel Lagman kaya wala aniyang karapatan ang batang Marcos na alisin sa holiday list sa Pilipinas ang Pebrero 25, o Edsa People Power Revolution. “The electoral victory of Marcos Jr., whether deserved or not, is not a condonation of his father’s dictatorial misrule,” ani Lagman na naghain ng panukala na gawing permanenteng…
Read MoreBBM BIBIYAHE NA NAMAN
SIGURADO na ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2023 ASEAN-Gulf Cooperation Council Summit sa Saudi Arabia ngayong linggo. Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutungo sa Riyadh si Pangulong Marcos, mula Oktubre 19 hanggang 20. Tinuran ni Assistant Secretary Daniel Espiritu ng Department of Foreign Affairs-Office of the Asean Affairs, pangunahing pag-uusapan sa naturang pagpupulong ang pagpapaigting ng ugnayan ng mga bansang kasapi sa Asean at Gulf countries, pag-uusapan din ang energy at food security. Itinuturing na ang Saudi Arabia ang isa sa mga pinagkukunan ng…
Read More‘WALANG GUTOM’ NI BBM SUPALPAL SA FARMERS
MISTULANG nasupalpal ang ibinidang Executive Order (EO) No. 44 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nagdedeklara sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” bilang flagship program ng kanyang administrasyon sa inilunsad na kilos protesta ng mga magsasaka na kumokondena sa kahirapan sa bansa. Kahapon ay nagtipon ang grupo ng mga magsasaka sa central office ng Department of Agriculture sa Quezon City sa ikalawang araw ng isang linggong protesta na ikinasa nila laban kay Marcos Jr., na inakusahan nilang pasimuno ng kagutuman sa bansa. Ang nasabing protesta ay paggunita sana sa…
Read MoreKAMARA DESIDIDONG ALISAN NG CONFI FUNDS SI VP SARA
SA kabila ng paninira at pagbabanta umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magbabago ang isip ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na alisan ng confidential funds ang kanyang anak na si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Ito ang tiniyak ni House Deputy Majority Leader, Rep. Franz Pumaren kaugnay ng P1.23 confidential funds ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na kinabibilangan ng P650 million ng pangalawang pangulo, na inilipat sa security agencies na may kinalaman sa seguridad sa West Philippine Sea (WPS). Ginawa ng…
Read MoreCYBER PROBE IKINASA SA SUNOD-SUNOD NA HACKING INCIDENT
SUMASAILALIM sa masusing imbestigasyon ang napaulat na pag-hack sa official website ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. “The Department of Information and Communications Technology (DICT) has been informed of the cybersecurity incident that occurred at the House of Representatives (HOR),” ayon kay DICT Supervising Director for Information and Strategic Communications Division Aries Joseph Hegina. “We are in constant communication and coordination with the HOR and are currently investigating the extent of the said incident. We shall provide further updates to the public as soon as they become available,” dagdag na pahayag…
Read More