TIGIL PASADA TULOY NGAYONG LUNES

ITUTULOY ng grupong Manibela ang nationwide transport strike o tigil pasada ngayong araw para iprotesta ang umano’y katiwalian sa pag-apruba ng prangkisa para sa public utility vehicles (PUVs). Kahapon nagpahayag ng kumpiyansa ang grupo na kaya nilang paralisahin ang walumpung porsyento ng transportasyon sa Metro Manila. Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, mula sa 700 na ruta nila sa Metro Manila, 600 umano rito ang walang papasadang pampublikong sasakyan. Aniya, gabi pa lang ng Linggo ay mararamdaman na ang kawalan ng mga pampasaherong jeepney. Base sa plano, sisimulan ng grupo…

Read More

Ikakasa ng mga magsasaka ISANG LINGGONG PROTESTA VS BBM

NAGKASA ng isang linggong protesta ang mga magsasaka laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa lalong paglala anila ng kagutuman, land grabbing at inhustiya. Kahapon ay sinimulan sa Morayta ang kilos protesta habang ginugunita ang International Rural Women’s Day at ipagpapatuloy ang pagkilos sa Martes, October 17 hanggang sa Biyernes (October 20). “Truth be told, Marcos Jr. is the chief protector of big landlords and land grabbers,” ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano. Sinabi ng dating solon na…

Read More

Taumbayan nagtatanong PONDO SA MALAYA RICE NI ROMUALDEZ SAAN GALING?

PINAG-USAPAN ng mga netizen ang inilunsad kamakailan na programa ni House Speaker Martin Romualdez – ang MR o Malaya rice. Ang nangungunang tanong ng netizens, saan galing ang pondong pambili ng Malaya Rice? Maging ang lobbyist and political strategist na si Malou Tiquia ay tila curious din sa nasabing usapin kaya nagpost ito sa X ng: Nakakatuwa at nakuha ito ng mga nag share ng maaga. Marahil galing rin ito sa mga taga luob. Ang magandang malaman, saan nanggaling ang pondo ng “MR rice”? Di planado yan so walang line…

Read More

PUV MODERNIZATION TULOY SA KABILA NG KORUPSYON

PINALAGAN ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang panawagan ni Senador Grace Poe na suspendihin muna ang pagpapatupad ng public utility vehicle (PUV) modernization program sa gitna ng sinasabing korupsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ang katwiran ni Balisacan, hindi dapat maapektuhan ang modernization program ng kamakailan lamang na alegasyon ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga awtoridad ng ahensya. “The program “should proceed” if the issues raised do not directly concern the program. If there are problems, they should deal with those issues…

Read More

10 PCG personnel sinuspinde COAST GUARD RECRUITS PINAGKAKAKITAAN

SINIBAK sa pwesto ang sampung tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at pinatawan ng suspensyon matapos mabisto na pinagkakakitaan nila ang recruits na sumasailalim sa mga pagsasanay. Kinumpirma ni Philippine Coast Guard spokesman, Rear Admiral Armand Balilo, na sampung tauhan nila mula sa isang Regional Training Center ang sinuspinde dahil sa mga sumbong ng katiwalian at pagsingil ng hindi awtorisadong fees sa mga recruit. Habang ang ilan sa mga kasamahan nila mula sa hindi tinukoy na training center ay pansamantalang inilipat sa ibang units. Reklamo ng mga recruit, sinisingil sila…

Read More

Sa gitna ng ibinibidang anti-disinformation campaign – Farmers BBM NAGKALAT NA NAMAN NG FAKE NEWS

NAGSINUNGALING na naman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ang Department of Agriculture (DA) nang sabihin nito na tumatag na ang presyo ng palay at bigas ngayong panahon ng anihan. Ito ang alegasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) dahil sa unang linggo ng anihan ngayong Oktubre, ay hindi naibebenta ng mga magsasaka ang kanilang ani sa halagang P19 hanggang P23 kada kilo kundi sa mas mababa pang presyo. “Marcos and DA is lying. Palay and rice prices have not yet stabilized. Palay prices remain low while rice prices…

Read More

SABWATAN SA ILLEGAL DRUG TRADE SISILIPIN

DAHIL walang tigil ang pagpasok ng ilegal na droga sa Pilipinas, aalamin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung may mga kasabwat ang mga drug trafficker sa Bureau of Customs (BOC). Ito ang nilalaman ng House Resolution (HR) 1374 na inakda ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., matapos matuklasan ang 323 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 billion sa isang container na inabandona sa Manila International Container Port (MICP) noong Oktubre 4. Interesado ang mambabatas na malaman kung sino-sino ang mga kasabwat ng drug traffickers sa BOC lalo pa’t base…

Read More

P4.9-B ang extraordinary expenses noong 2022 ‘HOUSE OF ROMUALDEZ’ PINAKA GASTADOR

UMABOT sa P4.9 billion ang extraordinary and miscellaneous expenses ng House of Representatives noong isang taon kaya ito ang may ‘highest expenditure’, ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA). Saklaw ng mga gastusin na ito ang ‘meetings, seminars, public relations, subscription sa mga libro at magazines. Gumastos naman ang Office of the President (OP) ng ₱4.5 billion sa confidential at intelligence funds (CIF) noong nakaraang taon. Ang nasabing pondo ay pinaghatian sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Makikita sa 2022 Annual Financial…

Read More

Duterte hindi na nakatiis ROMUALDEZ NAPAKA-CORRUPT!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINDI na nakapagtimpi si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya bumanat na ito sa Kongreso matapos tila pagkaisahan ang anak niyang si Vice President Sara Duterte. Matapos tuluyang irealign ng mababang kapulungan ang confidential fund ni Vice President Sara Duterte na nagkakahalaga ng P650 million kasama na ang kahalintulad na pondo sa Department of Education (DepEd) na P150 million, ay tahasang inakusahan ng dating Pangulo ang Kongreso na aniya’y pinaka-korap na sangay ng pamahalaan. Sa kanyang programang Gikan sa Masa, hinamon din ng matandang Duterte si House…

Read More