Sa ‘pagkunsinti’ kay Frasco PBBM TAMAD AT WALANG PAKI

PARA sa ilang netizens, senyales ng katamaran at kawalan ng pakialam ang patuloy na kumpiyansang ibinibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Tourism Secretary Christina Frasco. Sa halip anilang panagutin ang kalihim sa malaking kahihiyang idinulot sa bansa ng palpak na promotional video para sa kampanya nitong “Love the Philippines” ay mistulang kinunsinte pa niya ito. Kamakalawa, inihayag ng Pangulo na nananatili ang kanyang kumpiyansa kay Frasco sa kabila ng mga batikos na inabot nito dahil sa campaign video na may footage ng lokasyon sa labas ng bansa. “Yes absolutely.…

Read More

Pangongopya sa Maharlika Fund ibinunyag ROMUALDEZ, SANDRO BISTADO RIN

(BERNARD TAGUINOD) HINDI orihinal na konsepto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., o ng kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez at anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro ang isinusulong ng mga ito na Maharlika Investment Fund (MWF). Una itong ipinorma ng yumaong Ferdinand Marcos Sr., ama ng pangulo, katunayan, nakasaad umano ito sa ‘last will’ ng una. Sa konsepto ng matandang Marcos, ang pondo ay magmumula sa kanilang private sources at assets. Taliwas ito sa Maharlika Fund na nakatakdang lagdaan upang maging ganap na batas ni Marcos Jr.…

Read More

Speaker Romualdez dapat magpaliwanag KAMARA SAGANA SA KICKBACK?

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) DAPAT magsalita si House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa mga kumakalat na ulat na kinokopo ng iilan sa Kamara ang mga proyekto na pinag-uugatan ng korupsyon. Sa impormasyong nakalap ng SAKSI Ngayon mula sa isang hindi nagpabanggit ng pangalan na insider sa Kamara, umaaray na umano ang mga kontratista dahil ang leadership na lang ng Kamara ang nag-uusap sa budget pagdating sa mga proyekto at ‘nawala na sa picture’ ang mga kontratista at ilang kongresista. Nangunguna umano sa mga pinaglalagakan ng pondo ang Department of Public…

Read More

Tambalang magpinsan hinamon ni Teves ‘ILEGAL’ BUDGET NG DPWH APRUB KINA BBM, ROMUALDEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HINAMON ni Negros Oriental Third District Rep. Arnie Teves Jr. sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez na ipaliwanag sa mga Pilipino ang kanilang pag-apruba sa aniya’y ‘unconstitutional’ na 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa isang online press conference, ipinunto ni Teves na sa inaprubahang 2023 General Appropriations Act (GAA) na nilagdaan ng Pangulo at ng Speaker, ang DPWH ay may budget na nagkakahalaga ng P893 billion habang ang Department of Education (DepEd) ay mayroon lamang P832 billion,…

Read More

STATE-SPONSORED SMUGGLING LUMALA SA UNANG TAON NI BBM

(DANG SAMSON-GARCIA) MAS tumindi pa ang state-sponsored agricultural smuggling sa bansa sa unang taon ng administrasyon. Ito ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros bilang reaksyon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Justice at National Bureau of Investigation na magsagawa ng crackdown sa agricultural smugglers. Ayon kay Hontiveros, bago pa ang direktiba ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NBI at Philippine Competition Commission bukod pa sa pagsisiyasat ng Kamara sa onion hoarding. Maging sa intelligence report ni Prof. Clarita Carlos bago siya nag-resign bilang National Security Adviser, ay…

Read More

LEDESMA ITINALAGANG PHILHEALTH CHIEF

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Emmanuel Rufino Ledesma Jr. bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ang pagtatalaga kay Ledesma ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post. Si Ledesma ay magsisilbi rin bilang miyembro ng expert panel at board of directors ng PhilHealth. Nobyembre 2022, itinalaga si Ledesma bilang acting PhilHealth chief. Si Ledesma ay naging pangulo at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM). Ang PhilHealth ay may mandato na pangasiwaan ang National…

Read More

PATOK NA ‘LOCAL BRANDS’ TINUKOY SA PAHAYAG 2023-Q2 SURVEY

SA pinakahuling PAHAYAG 2023-Q2, na pinamahalaan ng PuBLiCUS Asia Inc. at isinagawa sa pagitan ng nakaraang Hunyo 7 hanggang 12, 2023, inalam ang sentimyento at nagugustuhan ng mga Filipino consumer sa hanay ng iba’t ibang lokal na produkto. Lumalabas na sa 31 Filipino restaurant at fast food chain brands, ang Jollibee ang nanguna sa nakuha nitong 74% rating, kasunod ang Mang Inasal (31%) at Chowking (20%). Pareho namang nakakuha ng tig-13% ang Chooks-to-Go at Red Ribbon, na sinusundan ng Goldilocks at Greenwich, na pareho ring mayroong 10% endearment ratings, at…

Read More

LIFE VS SMUGGLERS TINIYAK NG KAMARA

TINIYAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipapasa ang panukalang batas na magpapataw ng parusang habambuhay na pagkabilanggo sa mga smuggler ng lahat ng uri ng agricultural products habang 17 taon naman sa mga miyembro ng cartel, hoarders at profiteers. Sa kasalukuyan, ay may 10 panukalang batas na pawang nagtutulak para amyendahan ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 of Republic Act (RA) 10845 na nakabinbin sa House Committee on Agriculture and Foods. “As soon as the start of the 2nd Regular Session of the 19th Congress, we will…

Read More

UTOS NA AGRI-SMUGGLING PROBE NI BBM WALANG DEADLINE

HINDI binigyan ng taning ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iniutos na imbestigasyon ukol sa hoarding at agricultural smuggling. Sa halip, hahayaan niya ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na masusing imbestigahan ang napaulat na hoarding, smuggling, at price fixing sa agricultural products. “Hindi ako mahilig magbigay ng deadline. Siyempre gusto ko matapos nila nang maaga pero kailangan tapos, hindi hilaw,” ayon kay Pangulong Marcos. “Let them do their investigation. Wala namang particular, ang pinag-usapan, ang naging pagbasehan ‘yung naging problema sa maliwanag na nagho-hoarding,…

Read More