Pagkakaisa at bayanihan sa ika-152 taon ng Montalban FORWARD NATURE NILARGA NI NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) PINANGUNAHAN ni Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang pagtitipon ng mahigit anim na libong residente ng Montalban noong Huwebes (Abril 27), ng alas-6 ng umaga. Inilunsad ng mambabatas ang programang Forward Nature: Unity Walk and Tree Planting for Montalban Day sa Wawa, Brgy. San Rafael, Montalban bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng nasabing bayan na bahagi ng lalawigan ng Rizal. Sa pagdagsa ng mga lumahok sa programa, nanawagan si Nograles ng lubos na pagkakaisa at pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at…

Read More

Mga sabit na pulis nagtuturuan IMBESTIGASYON SA ‘KUPIT’ NA SHABU GINUGULO

(BERNARD TAGUINOD) BUKOD sa natuklasang double cover-up at recycling, mistulang sinasadyang lituhin ng mga pulis na nasa WPD lending office ni dating Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. ang imbestigasyon sa nahuling ninakaw na droga. Ganito inilarawan ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers ang kanilang imbestigasyon noong Miyerkoles kung saan humarap ang mga pulis na nasa operasyon laban kay Mayo noong October 8, 2022. “Inconsistent ang mga testimonies ng mga pulis na nandun sa Tondo. Halatang kino-confuse ang mga nag-iimbestiga,” pahayag ni Barbers. Ayon sa…

Read More

ROTC PAHIRAP NA, MAY BAYAD PA – SOLON

BINATIKOS na isang militanteng kongresista ang ang kontrobersyal na panukalang nagtutulak na ibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga kolehiyo at pamantasan. Pagsisiwalat ni Kabataan partylist Rep. Raoul Manuel, may kaakibat na singil sa mga estudyanteng sasailalim sa mandatory ROTC, batay sa bersyon ng panukalang isinusulong sa Senado. Partikular na tinukoy ni Manuel ang Section 19 ng nasabing panukala kung saan di umano may itinakdang ‘training fee’ na katumbas ng 50% per unit batay sa matrikulang pinapairal ng mga kolehiyo at unibersidad. Aniya pa, hindi sakop ng…

Read More

Black Friday protest kasado MANGGAGAWA NGANGA KAY MARCOS JR.

MALABONG makatanggap ng magandang balita sa Labor Day ang mga manggagawa dahil imbes harapin ay mistulang iniiwasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sagutin ang kanilang panawagang taas-sahod, sa halip ay bibiyahe ito patungong Amerika. Dahil dito, sanib puwersa ang mga manggagawa at magsasaka para ilunsad ang Black Friday Protest ngayong araw habang nasa bansa pa si Marcos Jr. upang igiit na itaas ang sahod at ibaba ang presyo ng mga pangunahing pagkain. Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas chairman Danilo Ramos, isasagawa ang Black Friday Protest ngayong araw…

Read More

LGU, artists sanib-pwersa KAALAMAN, KAMALAYAN SA QC UNDERPARADISSO

KASABAY ng taunang paggunita ng Earth Month, nagsanib pwersa sa pambihirang pagkakataon ang isang lokal na pamahalaan at mga alagad ng sining sa hangaring palaganapin ang kamulatan sa nakaambang paglalaho ng Philippine Flora and Fauna. Sa bisa ng nilagdaan kasunduan sa pagitan ng Quezon City government at Sentro Artista Art Hub, nakatakdang sumipa ang pagtatayo ng binansagang QC Underparadisso – isang art installation sa lagusang tao (pedestrian underpass) na nagdurugtong sa Quezon City Hall at sa dinarayong Quezon Memorial Circle. Tampok sa nasabing proyekto ang mga likhang sining ng mga…

Read More

GROUNDWORK SA US VISIT NI PBBM INILATAG NI ROMUALDEZ

INILATAG ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang groundwork para sa makasaysayang pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ngayong weekend sa United States (US) para makipagpulong kay Pangulong Joe Biden at iba pang opisyal ng naturang bansa. Ilang araw bago ang pagbisita ni Pangulong Marcos, nagsimula ang Speaker ng dalawang linggong paglalakbay sa US upang makipagpulong sa mga mambabatas ng Amerika at talakayin ang kooperasyon sa depensa at seguridad at economic partnership sa pagitan ng Pilipinas at US. “I think the conditions are right for the meeting…

Read More

PBBM NANOOD NG LIVE FIRE DRILLS NG BALIKATAN

SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Marcos ang live-fire sea drills ng Pilipinas at Armed Forces ng Estados Unidos sa Zambales bilang bahagi ng kanilang Balikatan Exercise. Habang isinasagawa ang drills na may 2.8 kilometers mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San Antonio, Zambales, nagpartisipa ang U.S. at Philippine combat units sa combined joint littoral live-fire exercise, nagtapos sa field training event para sa Balikatan 2023. Tinatayang may 1,400 Marines, soldiers, sailors, airmen at Coast Guardsmen mula sa dalawang bansa ang sumali sa Combined Joint Littoral…

Read More

Katulad ni Duterte – ACT WAGE INCREASE NG PUBLIC TEACHERS TINUTULUGAN NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) WALANG pinagkaiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sinundang si dating pangulong Rodrigo Duterte na mistulang pinaaasa lamang ang mga public school teacher dahil hindi rin niya sinusunod ang pangakong itataas ang sahod ng mga ito. Isinisisi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa kabiguang kumilos ni Marcos Jr. ang pagkakabinbin sa Kongreso ng mga panukalang batas na itaas ang sahod ng mga pampublikong guro. “Ilang taon na pinaasa at binigo ng nakaraang gobyernong Duterte ang ating mga guro sa pangako nitong salary increase. Pres. Marcos made the…

Read More

‘Di inalam ng PNP, uuriratin ng Kamara BULTONG SHABU NI MAYO SAAN GALING?

(BERNARD TAGUINOD) TUTUMBUKIN ng imbestigasyon ng Kamara ngayong araw ang pinagmulan ng isang toneladang shabu na nakumpiska kay dating Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. Naobserbahan ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na mistulang iniiwasan umano ng Philippine National Police (PNP) na imbestigahan kung saan galing ang droga ng sinibak na si Mayo. “Sa ngayon, naka-focus ang police at publiko sa 42 kilos na pinuslit ng dalawang ahente ng PNP-DEG SOU Region 4A na balak nilang i-recycle. Pero dapat din bigyang diin saan nanggaling yung…

Read More