HUMINGI ng paumanhin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa magaspang na trato ng ilan nilang tauhan sa mga mamamahayag sa isang anti-drug operation sa lungsod ng Pasay. “The National Bureau of Investigation offers its apology to the members of the media regarding the incident that transpired at dawn today involving the drug operation in Roxas Boulevard,” ayon sa inilabas na pahayag ng ahensya nitong Biyernes ng hapon. Nabatid na nagkasa ng anti-drug operations ang NBI sa may Roxas Blvd., Pasay City. Nang dumating ang mga miyembro ng media ay…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PRIVATE ARMIES PINALALANSAG NI PBBM
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of National Defense (DND) na lansagin ang private armies. Ito’y kaugnay ng magkakasunod na pananambang sa ilang lokal na opisyal ng pamahalaan kamakailan. Sinabi ni Defense chief Carlito Galvez sa 11th oversight committee meeting ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups sa Cotabato sa Kidapawan City na “more than ever, the fulfillment of our mandate is now made more urgent with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to dismantle private armies and identify hotspots where local…
Read MoreMAGKAPATID NA LOLA NATAGPUANG PATAY
WALA nang buhay nang matagpuan ang magkapatid na babaeng senior citizen sa Sampaloc, Manila, ngayong Biyernes ng umaga. Nakilala ang mga biktima na sina Elizabeth Porras y de Leon, 84, pediatrician at Alicia, 64, residente ng Verdad St., Sampaloc, Manila. Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, Commander ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, bandang 9:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang kanyang opisina kaugnay sa pagkamatay ng mga biktima. Agad nagpadala si Villaruel ng mga tauhan upang ikordon ang bahay at nagpapunta ng MPD-…
Read MoreFOREIGN TOURIST ARRIVALS PUMALO SA 1M – DOT
NAKAPAGTALA ng mahigit isang milyong international travelers na dumating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023. Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakikita na niya ang pagbangon ng tourism sector dahil may 1,152,590 international tourists ang bumita sa bansa “as of March 15, 2023.” “In less than three months, we have logged more than a million visitors into the Philippines,” ani Frasco sa kanyang talumpati sa National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028 Tourism Stakeholders’ National Summit sa Maynila. “The country is well on its way…
Read MoreSOLON: COLONELS, GENERALS KASABWAT NG ‘NINJA INFORMANTS’
HINDI lamang tiwaling low ranking operatives sa Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang kasabwat ng mga tinaguriang “ninja-informants” para ibalik sa kalsada at ibenta ang hanggang 70% ng nakumpiskang droga. “Meron, as high as colonels and generals,” pahayag ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers kaugnay ng natuklasan ng komite na hanggang 30% lamang sa mga nahuling droga ang idinedeklara habang ang natitirang 70% ay ibinibigay sa assets para muling ibenta. “Yun mga maliliit na ranggo palagay ko di ‘yan magtatrabaho ng ganun kung…
Read MoreBinisto ni Banat By VLOGGER NA SI TP, TANSO!
UMUSOK ang social media sa dami ng reaksyon matapos bakbakan ng vlogger na si Banat By ang kapwa vlogger na si RJ Nieto o Thinking Pinoy (TP). Pinatutsadahan din ni Banat By o Byron Cristobal si TP at followers nito na tanso o napeke. Sa kanyang mahigit dalawang oras na vlog, ibinisto ni Banat By na hindi lang minsan nag-ambisyon si TP na magkaroon ng pwesto sa gobyerno. Tila sinusugan nito ang pahayag ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez na nag-aplay bilang political adviser ng Marcos Jr. admin si Thinking…
Read MoreBASIC EDUCATION STUDENTS BAGSAK SA SCIENCE AT MATH
BAGSAK na grado sa agham at matematika ang nakuha ng ilang basic education student mula sa ilang pribadong eskuwelahan na sumali sa assessment na layong masolusyunan ang tinatawag na learning loss. Ang learning loss ay ang pagkawala ng kaalaman na karaniwang epekto ng mahabang puwang o matagal na pagkakahinto sa edukasyon ng estudyante. Sa katunayan, base sa resulta ng assessment ng Philippine Assessment for Learning Loss Solutions (PALLS), nakakuha lamang ng average score na 54.1% para sa Science o Agham at 47,5% naman para sa Matematika ang 3,600 Private School…
Read MoreKaso sa ICC dapat ituloy ‘SMALL-TIME’ LANG NAPARUSAHAN SA WAR ON DRUGS
KAILANGAN pa ring papasukin ang International Criminal Court (ICC) para mag-imbestiga sa war on drugs dahil pawang low ranking police officers ang nasentensyahan. Bukod dito, dalawang kaso lamang sa libu-libong biktima ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nabigyan ng hustisya. Pahayag ito ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares. Ikinatuwa rin nito na sa wakas ay nakamit na ng pamilya nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman ang hustisya nang sentensyahan ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Judge Judge Romana Lindayag del…
Read MoreDROGA SA KALSADA GALING SA NINJA COPS
NAKUMPIRMA ng House committee on dangerous drugs na ang mga kumakalat na ilegal na droga sa lansangan ay galing mismo sa mga tiwaling operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG). Lalong kinilabutan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers nang aminin umano ng asset na humarap sa executive session na 20 taon na itong ginagawa ng tinaguriang “Ninja cops”. “It was revealed by an asset/informant of the 2 agencies who admitted being given “basura”, street lingo for shabu, by anti-illegal drug operatives…
Read More