PLANONG BUCOR HQ SA MASUNGI GEORESERVE PINABUBUSISI

PINABUBUSISI ni Senador Nancy Binay sa kaukulang komite sa Senado ang plano ng Bureau of Corrections na magtayo ng bagong headquarters sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal. Sa kanyang Senate Resolution 495, sinabi ni Binay na naalarma ang Ecotourism and Conservation site Masungi Georeserve nang mag-inspeksyon na ang BuCor sa sinasabing relocation site ng New Bilibid Prison. Ipinaalala ni Binay na ang Masungi Georeserve ay isang conservation area at inilarawang rustic rock garden sa rainforests ng lalawigan ng Rizal. Nakasaad din sa resolution ang pahayag ni Ann Dumaliang, co-founder ng…

Read More

PBBM at ES Bersamin hinahanapan ng paliwanag SUGAR RACKET TULOY PA RIN

(DANG SAMSON-GARCIA) DAPAT magpaliwanag sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Executive Secretary Lucas Bersamin sa sugar shipment na pumasok sa bansa bago pa mailabas ang Sugar Order No. 6 para sa importasyon ng 440,000 metric tons ng asukal. Ito ang binigyang-diin ni Senador Risa Hontiveros kasabay ng panawagan nito sa Department of Agriculture na tigilan ang gaslighting sa isyu ng sugar shipment. “Wala naman sanang gaslighting. Sa draft sugar order nakapirma ang tatlong board ng SRA at Usec ng DA. Hindi lang nakapirma yung concurrent DA Secretary,” pahayag ni Hontiveros.…

Read More

PAGHUSAY NG INTERNET CONNECTION IBINIDA NI PBBM

MAE-ENJOY na ng Pilipinas ang mas malawak at mas maayos na interconnectivity dahil sa subsea cable system project ng Converge ICT Solutions Inc. at Keppel Telecommunications and Transport (T&T) Ltd., ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kaagad na ipinarating ng Pangulo ang magandang balitang ito sa publiko matapos ang kanyang pakikipagpulong kina Converge founder at chief executive officer (CEO) Dennis Anthony Uy at Keppel T&T CEO at executive director Thomas Pang Thieng Hwi sa Palasyo ng Malakanyang nitong Martes. Winika ng Pangulo, ang partnership sa pagitan ng nasabing mga kumpanya…

Read More

EU PARLIAMENT MEMBERS, MGA SENADOR NAGKAINITAN

KINUMPIRMA ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na naging mainit ang diskusyon ng mga senador at mga miyembro ng European Union parliament kaugnay sa isinusulong na imbestigasyon ng International Criminal Court o ICC. Nakipagpulong ang anim na miyembro ng European Parliament SubCommittee on Human Rights sa Senado para sa pagtutulungan sa pagsasaayos ng pagtugon sa human rights situation sa Pilipinas. Bago tuluyang simulan ni Dela Rosa ang pagdinig sa estado ng Marawi Compensation Fund, isinalaysay nito ang nangyari sa pulong kung saan isa anya sa mga miyembro ng EU Parliament…

Read More

CHA-CHA MALING PRAYORIDAD

PARA sa mga militanteng kongresista, imoral ang pagsusulong ng P28-bilyong gastos na kalakip ng plebisito para sa Charter change (Cha-cha) na itinaon pa sa gitna ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa. Ayon kina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Albay Rep. Edcel Lagman, hindi akmang dagdagan ang pasakit na dala ng walang puknat na pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin. “Current and urgent problems that we are facing – escalating prices, low wages, massive hunger, joblessness, landlessness – do not stem from the 1987 Constitution. Hence, amending the…

Read More

Nabisto sa Kamara 30% SA HULING DROGA INAARBOR NG TIPSTERS

NABUKO sa pagdinig ng House committee on dangerous drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers na humihingi ng 30% sa nakumpiskang shabu ang mga asset o tipster sa drug operations. Dahil dito, agad nagpatawag ng hiwalay na motu propio investigation si Barbers para busisiin ang “reward system” dahil kung totoo aniya ito, walang katapusan ang problema sa ilegal na droga sa bansa. “There are report that some of the agents or some of the PNP personnels who apprehend pushers are actually recycling back yung mga nahuli at may usapan…

Read More

Taxpayers’ money pinapoprotektahan P6.33-M KADA ARAW GINAGASTOS NI PBBM

(BERNARD TAGUINOD) NAGHAIN ng dalawang panukalang batas ang Makabayan bloc sa Kamara para sa pagbuo ng oversight committee na bubusisi sa intelligence at confidential funds at pambansang pondo upang maproteksyunan ang buwis na ibinabayad ng sambayanang Pilipino. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7158 o “intelligence and confidential funds transparency act of 2023”, nais ng nasabing grupo na magkaroon ng oversight committee na bubuuin ng independent congressmen at senators upang malaman kung saan ginagamit ang pondo. “Mahalaga na ma-audit at magkaroon ng oversight committee ang confidential at intelligence funds dahil…

Read More

CHA-CHA MAY BASBAS NI MARCOS JR.?

(BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang beteranong kongresista na may basbas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Charter change (Cha-cha) dahil sa kabila ng pahayag nito na hindi niya ito prayoridad ay inarangkada pa rin ng kanyang mga kaalyado sa Kamara ang nasabing panukala. Ngayong araw, Miyerkoles, ay tuluyang aaprubahan ng House committee on constitutional amendments ang Committee report na amyendahan ang 1987 Constitution matapos ang 7 konsultasyon. “There must be an overwhelming furtive reason why the Cha-cha caravan is rolling fast in the House of Representatives despite President Marcos’…

Read More

Binabatikos ng netizens “ANG OA NI ROBIN”

DAHIL sa pagtalakay sa Senado ng pelikulang PLANE, nagka-interes ang publiko na panoorin ito. Mapait sa panlasa ng netizens ang reklamo ni Senador Robin Padilla. Komento nila, parang hindi artista ang senador at hindi alam kung paano ihiwalay ang kathang-isip sa totoong buhay. Pero seryoso ang senador na ipa-ban ang pelikula ni Gerard Butler. Pigilin man ang pagpapalabas nito o hindi, isa lang ang tiyak ngayon, nabuksan na ang kuryosidad ng mga tao kaya hahagilapin nila ito saanmang online platform. Narito ang maaanghang at nakatutuwang komento ng netizens (Hindi na…

Read More