OPISYAL nang inilunsad sa lungsod ng Cebu ang “Kadiwa ng Pangulo” bilang bahagi ng programang naglalayong maghatid ng murang bilihin sa mga konsyumer. Sa kanyang mensahe, hanayagang ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Kadiwa na aniya’y dinumog at sadyang ikinatuwa ng mga maralitang pamilyang biniyayaan ng murang panindang inihain bilang ‘noche buena’ noong nakaraang Pasko at ‘media noche’ naman sa pagpasok ng bagong taon. Maliban aniya sa pagma-market ng agricultural products sa Kadiwa ng Pangulo, kalakip din ng naturang programa ang pagkakataong makapag negosyo ang hanay ng mga Micro,…
Read MoreCategory: NASYUNAL
PUBLIKO HINIKAYAT NI PBBM SA FUN RUN PARA IWAS DROGA
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na magpartisipa sa fun run nitong Linggo, inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para makatulong na mag-promote sa anti-drug advocacy. Sa isang Facebook post, inimbitahan ni Pangulong Marcos ang lahat na sumali sa “Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa pamamagitan ng pagtugon sa “demand reduction and rehabilitation” sa mga komunidad. “Buo ang ating suporta sa DILG Philippines sa kanilang sigaw na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan,”ayon…
Read MoreANTI-SMUGGLING BILL NI LAPID ANTI-FILIPINO – KONSYUMER
MATAPOS mabulilyaso ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P155-milyong halaga ng mga produktong agraryo, nanawagan ang isang consumer group sa pamahalaan para pagtuunan ang tunay na problema ng mga konsyumer. Ayon sa grupong Malayang Konsyumer, tanging layunin lang ng Senate Bill 1812 na inakda ni Sen. Lito Lapid ay protektahan ang interes ng mga dayuhang kapitalista sa likod ng industriya ng tabako. Paglalarawan ng grupo sa isinusulong na panukalang amyenda sa Republic Act 10845 (Anti-Agri Smuggling Act of 2016) ni Lapid, ‘anti-Filipino” – walang benepisyo sa ekonomiya ng bansa,…
Read MoreSUGAR IMPORTATION PERMITS BINEBENTA NA RIN — KMP CHAIR
(BERNARD TAGUINOD) HABANG abala ang lahat sa pagtutok sa usapin ng illegal smuggling sa Senado at Kamara de Representantes, may ilang tiwali sa gobyerno ang tumatabo sa gamit ang mga importation permit mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA). Sa kalatas ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), partikular na tinukoy ang nabistong paglapag sa Port of Batangas ng 440,000 toneladang inangkat na asukal, isang linggo bago pa inilabas ng SRA ang Sugar Order No. 6. Paniwala ni KMP chairman emeritus at dating partylist Rep. Rafael Mariano, malinaw na pinagkakakitaan ng mga…
Read MorePBBM DINIINAN BENEPISYO NA IDUDULOT NG RCEP
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), itinuturing na pinakamalaking “free trade agreement” ay pagpapakita lamang sa buong mundo na ang Pilipinas ay committed sa economic openness. Sa kanyang official Facebook page at Twitter account, winelcome ng Pangulo ang naging desisyon ng Senado na sang-ayunan ang ratipikasyon matapos ang dalawang araw na plenary debates. “We are proud of the swift ratification of the Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement, demonstrating our commitment to openness and a thriving business environment,” ayon kay Pangulong Marcos.…
Read MoreKONGRESISTA TAMAD PUMASOK SA OPISINA?
(BERNARD TAGUINOD) GANITO ang pahiwatig o dating sa publiko ng patutsada ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel sa kinatawan ng Duterte Youth na si Drixie Cardema. Ayon sa kinatawan ng mga kabataan, handa siyang makipagdebate kay Cardema kung pisikal sana itong dumadalo sa plenary sessions. Bago ito, nag-privilege speech si Manuel na nagsabing naka-assume na bilang kongresista si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ng P3PWD party-list noong Hunyo 30. Ang tugon ni Cardema, “The Leftist Kabataan Rep. Manuel deliberately did not mention this Supreme Court Ruling and lied in open…
Read MoreSen. Padilla pinitik ng Gabriela PAMBABABAE LABAG SA CODE OF CONDUCT
KINASTIGO ng grupong Gabriela si Sen. Robinhood Padilla sa kanyang ‘panchichicks’ statement’ at pinayuhan na pag-isipan kung nararapat ba nitong ipagpatuloy ang kanyang pagiging public servant. Sa pahayag ng kinatawan ng grupo ng kababaihan sa Kamara na si Rep. Arlene Brosas kamakalawa ng gabi, isang paglabag sa Code of Conduct for Public Officials ang pahayag ni Padilla na nais nitong umalis na lang sa Senado dahil hindi umano ito magkakaroon ng babae sa kapulungan. “We would like to remind Senator Robin Padilla that his job is to address gaps in…
Read MoreIMBENTARYO NG NAKAW NA YAMAN UNAHIN
DISMAYADO ang mga kritiko ng administrasyong Marcos kaugnay ng planong pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government (PCGG). Para kay Ronald Llamas na nagsilbing Kalihim sa ilalim ng termino ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino, hindi dapat lusawin ang PCGG hangga’t walang imbentaryo sa mga nakaw na yaman na hinahabol ng gobyerno sa nakalipas na 36 taon. Sa “Pandesal Forum” sa Kamuning, Quezon City kaugnay ng paggunita ng EDSA People Power Revolution, tahasang patutsada ang paabot ni Llamas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ani Llamas, nangangamba si Pangulo sa pwedeng idulot…
Read MoreKahit nababalahura PARTY-LIST SYSTEM ‘DI DAPAT BUWAGIN
AMINADO ang isang miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na nababalahura na ang party-list system sa bansa subalit hindi ito pabor na buwagin, sa halip aamyendahan lamang aniya ang sistema. Ginawa ni ACT party-list Rep. France Castro ang pahayag matapos aminin ni Sen. Ronald dela Rosa na isa sa nais nitong iabolish sa ilalim ng isinusulong na Charter change ay ang party-list system. “The party-list system should not be abolished but the law should be amended to ensure that it is genuine party-list groups from the truly marginalized and under…
Read More