HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makipagtulungan sa mga Parent-Teacher Associations (PTA) upang ipatupad ang Parent Effectiveness Service Program Act (Republic Act No. 11908). Layon nito na masolusyunan ang tumataas na kaso ng bullying sa mga estudyante. Una nang ipinaliwanag ng ilang mga eksperto na madalas biktima rin ng karahasan sa kanilang mga tahanan ang mga bully sa paaralan. Ito ay nang sabihin ni Dr. Bernadette Madrid ng Child Protection Network Foundation na sinasalamin ng mataas na bilang ng mga insidente ng…
Read MoreCategory: NASYUNAL
MALAKANYANG OFFICIALS ‘COMPLETE ATTENDANCE’ SA SENADO SA RATIPIKASYON NG RCEP
WALANG nararamdamang pressure si Senador Francis Chiz Escudero mula sa Malakanyang para sa ratipikasyon ng free trade agreement na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Ito ay sa kabila ng kumpletong attendance ng mga opisyal ng Malakanyang sa Senado nang isponsoran ang trade agreement sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkoles. Kasabay nito, ipinaliwanag ni Escudero na hindi pa niya natatapos basahin ang buong committee report sa trade agreement kaya’t hindi pa siya lumalagda rito. Binigyang-diin pa ni Escudero na take-it-or-leave-it ang pagratipika ng Senado sa isang tratado dahil hindi na nila…
Read MoreARESTADONG ‘USEC’ INAARBOR NG PALACE EXEC?
MATAPOS ang hindi sinasadyang pag-aresto sa pinaniniwalaang utak sa likod ng “fake appointments” sa gobyerno, isang opisyal ng Palasyo ang di umano’y umaarbor kay Edward Diokno Eje at kasapakat na Johnson Lee. Sa isang panayam sa isa sa mga di umano’y biktima nina Eje at Lee, isang mataas na opisyal sa Palasyo ang umaarbor sa arestadong si Eje. Nang tanungin kung sino – “Hindi ang Pangulo pero pinagkakatiwalaan ni President Bongbong Marcos. Katunayan, pumipirma din yun in behalf of the President.” “Nakakalungkot lang kasi may powerful hands na gumigitna. In…
Read MoreAPELA NI GMA SA KAMARA: IPAGTANGGOL SI DUTERTE
DAPAT manindigan ang Kamara para sa isang dating Pangulo. Ito ang buod ng isang resolusyong inihain sa Kamara ni House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng isinusulong na imbestigasyon ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng inakdang House Resolution 780 (In Defense of FPRRD against ICC), target ni Arroyo kasama ang 17 iba pang kongresista na sabayang manindigan at ipagtanggol ang dating Pangulo laban sa pag-uusig na tinutulak ng ICC kaugnay ng madugong giyerang inilunsad kontra droga sa ilalim ng administrasyong Duterte. Base…
Read MorePROMOSYON NG 10 PCG OFFICIALS APRUB KAY PBBM
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 10 indibidwal para sa posisyon ng Vice Admiral at Rear Admiral ng Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ang tatlong itinalaga sa posisyon bilang Vice Admiral ay sina Joseph M. Coyme, Ronnie Gil L. Gavan at Robert N. Patrimonio. Itinalaga naman bilang Rear Admiral sina Gregorio I. Adel Jr., Armando A. Balilo, Rear Admiral, Hostillo Arturo E. Cornelio, Eustacio Nimrod P. Enriquez Jr., Edgardo T. Hernando, Rudyard M. Somera at Nelson B. Torre. (CHRISTIAN DALE) 385
Read MoreCHA-CHA PINATITIKLOP NA SA KAMARA
PANAHON na para itiklop ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pag-amyenda sa 1987 Constitution matapos itong tablahin ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Cha-cha is out of tune now,” deklara ni Albay Rep. Edcel Lagman kaya sa halip na buhusan ng panahon at pera ng bayan ang Cha-cha ay gamitin na lamang aniya ito sa pagresolba sa lumalalang kalagayan ng Pinoy. Tinukoy ni Lagman na masyadong mataas ang inflation rate, walang seguridad sa pagkain at patuloy na dumarami ang naghihirap na pamilya na nangangailangan aniya ng atensyon ng Kongreso.…
Read MoreSa pananalasa ng ASF SWINE INDUSTRY LUGI NG P1-B KADA BUWAN
PASPASAN at puspusang pagbabakuna ng mga alagang baboy ang mungkahi ng isang kongresista bilang tugon sa dulog ng mga industriyang patuloy na iniinda ang P1-bilyong nawawala sa kanilang buwanang kita sa tuwing mananalasa ang African Swine Fever (ASF) sa bansa. Sa inihaing House Resolution 772, hinikayat ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang Department of Budget and Management (DBM) na iprayoridad ang paglalaan at paglabas ng pondong pambili ng bakuna kontra ASF. Gayundin ang apela sa Department of Agriculture (DA) – mas mabilis at malawakang pagbabakuna kontra ASF sa mga…
Read MoreGo signal na lang ni PBBM hinihintay IMPORTASYON NG 440,000 METRIC TONS NG ASUKAL KASADO NA
(CHRISTIAN DALE) HINIHINTAY ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang go signal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa plano nitong mag-angkat ng 440,000 metriko toneladang asukal. Ito ay dahil si Pangulong Marcos Jr. ang umuupong chairman ng SRA Board sa kanyang kapasidad bilang Kalihim ng Department of Agriculture. “Yesterday, we all signed the sugar order and that will be sent to Malacañang for final approval,” ayon kay SRA Board member Pablo Azcona. “The import order was divided into three tranches — 100,000 [MT], 100,000 [MT], and buffer stock of 240,000…
Read MoreBBM PAKIPOT LANG SA CHA-CHA – SOLONS
HINDI bumenta sa oposisyon sa Kamara ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ayaw nito sa Charter Change (Cha-Cha) na isinusulong ng kanyang mga kaalyado sa Kongreso. Ayon kay House assistant minority leader Rep. Arlene Brosas ng Gabriela party-list, malaki ang pakinabang ng pamilyang Marcos at mga kaalyado nito kapag naamyendahan ang 1987 Constitution. “Marcos Jr. cannot simply isolate himself from this major issue to clear his name when the public is fully aware that he, his family, and his cronies will ultimately benefit from term extension and…
Read More