Kamara nangako na sa Malakanyang MIF ILALARGA SA HUNYO

NANGAKO ang Kongreso na ipapasa ang 10 priority measures ng administrasyong Marcos sa Hunyo ngayong taon kabilang na ang kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund. Inihayag ito ng Malakanyang. Tinalakay sa executive committee meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang 10 priority bills na kinabibilangan ng panukalang Build-Operate-Transfer (BOT) Law/Public-Private Partnership (PPP) bill; Medical Reserve Corps; pagtatatag ng Philippine Center for Disease Prevention and Control at maging ang Creation of the Virology Institute of the Philippines; Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) at National Service Training Program (NSTP); Condonation of…

Read More

Kinastigo ng netizens sa pagsasabing ok lang ma-bully ROBIN PADILLA LAST KA NA

KINASTIGO ng netizens si Senador Robin Padilla matapos nitong sabihin na okay lang ang physical bullying. Para sa netizens, hindi katanggap-tanggap at wala sa lugar ang katwiran ni Padilla. Pinayuhan din nila ang mga magulang na turuan ang mga anak na iiwas sa bullying upang hindi na magkaroon ng panibagong Robin Padilla sa hinaharap. Sa pagdinig ng Senado kamakalawa kaugnay ng Anti-Bullying Act, itinuturo ang pamilya na kadalasang ugat o rason kaya nagiging ‘bully’ ang isang bata. Tinukoy ni Child Protection Network Foundation Executive Director Dr. Bernadette Madrid na batay…

Read More

TRIPARTITE AGREEMENT KONSEPTO PA LANG – PBBM

NANANATILING konsepto, wala pang detalye at kailangan pag-usapang mabuti ang posibleng tripartite agreement sa pagitan ng Pilipinas at dalawang kaalyadong bansa, ang Estados Unidos at Japan. Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na hindi pa nag-uusap ang delegasyon ng Pilipinas at ang kanilang mga Japanese counterpart hinggil sa bagay na ito. “It’s just been a proposal… there is another proposal from the Japanese on a US-Japan-Philippines tripartite agreement,” ayon sa Chief Executive. Nauna rito, sa panayam ng Kyodo News ng Japan, sinabi ni Pangulong Marcos na rerebisahin at susuriing mabuti…

Read More

KAMARA TULOY SA CHA-CHA

HINDI natinag ang Kamara sa posisyong inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng isinusulong na amyenda sa umiiral na Saligang Batas. Patunay nito ang pagpapatuloy ng public consultation na ikinasa ng House committee on constitutional amendments na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Iloilo. “We respect the opinion of President Ferdinand Marcos Jr. on constitutional amendment measures. We will of course consider it,” ani Rodriguez bilang reaksyon sa pahayag ng Pangulo kontra cha-cha. “But as an independent branch of government, the House of Representatives and…

Read More

PCG CREW INASINTA NG LASER NG CHINA

PANSAMANTALANG nabulag ang mga crew ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa military rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal matapos tamaan ng laser mula sa China vessel. Nangyari ang insidente noong nakaraang Lunes, Pebrero 6. Kinondena naman sa mababang kapulungan ng Kongreso ang naturang pag-atake ng China. Ayon kay House deputy minority leader France Castro, hindi lang diplomatic protest ang dapat gawin ng gobyerno upang masiguro na hindi na ito mauulit sa mga susunod na panahon. “Based on account of the Philippine Coast Guard (PCG) a Chinese coast guard…

Read More

Robin pinitik si BBM RESULTA NG FOREIGN TRIPS PANGAKO LANG

(DANG SAMSON-GARCIA) HINDI nararamdaman ng taumbayan ang mga sinasabing foreign investment pledges sa pag-unlad ng bansa at maging ng kanilang sariling buhay. Ito ang binigyang-diin ni Senador Robinhood Padilla bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi prayoridad ang pagsusulong ng pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas dahil may mga pumapasok nang foreign investments sa bansa. “Narinig ko na rin po ito sa mga nagdaan na Pangulo. Nakalulungkot lamang po na tunay na hindi naramdaman ng mga ordinaryong manggagawa ang pag-unlad una ng Inangbayan; pangalawa pag-asenso…

Read More

PINAS AT JAPAN PABOR SA JOINT COOPERATION FRAMEWORK

KAPWA sinang-ayunan ng Pilipinas at Japan ang joint cooperation framework sa agrikultura sa 5-day official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan na pinaniniwalaang makatutugon sa iba’t ibang agricultural issues sa bansa gaya ng “logistics at food value chain.” Sa media forum sa Quezon City, noong Sabado, sinabi ni Agriculture Undersecretary Zam Ampatuan na dapat malinaw na ipaliwanag ang joint cooperation framework para madetermina ang mga lugar na dapat paghusayin sa agricultural sector ng bansa. “We needed intervention in the logistics. Let’s say for instance the issue of these…

Read More

7 PULIS, 1 PA PATAY SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

INABOT ng dagliang kamatayan ang pitong pulis at isa pang pasahero sa malagim na sakuna sa Purok 11, Brgy. Poblacion, Naawan, Misamis Oriental, nitong Linggo. Kinilala ang mga nasawi na sina SSg Michael Ermac, SSg Marjun Reuyan, Abapo Anito (Ret. PSSg)– Driver; SSg Jevilou Cañeda, SSg Aaron Ticar, SSg Arnill Manoop at SSg Eugene Lagcao. Isinugod naman sa pagamutan ang 26 iba pang biktima na karamihan ay mga pulis na nanggaling sa pagsasanay. Ayon kay Police Brigadier General Lorenzo Coop, Regional director ng Police Regional Office 10, galing sa schooling…

Read More

TRIPARTITE AGREEMENT NG PH, US, JAPAN REREBISAHIN

REREBISAHIN ng gobyerno ng Pilipinas ang posibleng “tripartite agreement” ng Pilipinas sa dalawang “malapit na kaalyado” nito – ang Estados Unidos at Japan. Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang bagay na ito sa sa panayam sa kanya ng Kyodo News, ayon sa Presidential Communications Office. “Many other issues raised by the Philippine delegation in Tokyo are fostering alliances with its long-time partners.” “It is something that we certainly are going to be studying upon my return to the Philippines,” ang pahayag pa ng Pangulo. “I think just part of…

Read More