SA gitna ng pagsipa ng bilang ng mga estudyanteng nagpatiwakal sa nakalipas na dalawang taon, hiniling ng isang kongresistang aktibista kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng Mental Health Emergency sa lalong madaling panahon. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, lubhang nakakabahala ang mataas na bilang ng mga kabataang nagtangkang bawiin ang sariling buhay bunsod ng dinaranas na depresyon. Partikular na tinukoy ni Manuel ang datos ng Department of Education (DepEd) na nakapagtala ng 404 na pagpanaw ng mga estudyante mula taong 2021 hanggang 2022 – bukod pa…
Read MoreCategory: NASYUNAL
US TUTULONG SA AFP MODERNIZATION
NANGAKO si United States Defense Secretary Lloyd Austin na tutulungan ang Pilipinas na gawing makabago ang “defense capabilities” at itaas ang interoperability ng American at Filipino military forces. “From defense perspective, we will continue to work together with our great partners and to build and modernize your capabilities as well as increase our interoperability,” ayon kay Austin sa kanyang pambungad na pananalita bago makipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malakanyang. “So we are very, very happy to be here once again and I look forward to a great…
Read MorePaninisi sa ICC issue delaying tactic – Baguilat BATO MAG-FOCUS GUMAWA NG BATAS ‘WAG PURO SATSAT
INALMAHAN ng isang dating kongresista ang pagkaladkad ni Senador Ronald dela Rosa sa Liberal Party na di umano’y salarin sa likod ng napipintong pagpasok at imbestigasyon ng International Criminal Court sa (ICC) kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng nakaraang administrasyon. “The Liberal Party is not connected to the case before the ICC. Please focus on your job to pass laws instead of making baseless accusations,” tugon ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat sa pahayag ni dela Rosa sa isang panayam sa telebisyon. Paratang ni dela Rosa, LP kasama ang…
Read MoreWATER MANAGEMENT OFFICE APRUB KAY PBBM
MAY go signal na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglikha ng Water Resource Management Office (WRMO) para pangasiwaan ang water resources ng bansa. Ito rin ang tutugon sa kasalukuyang environmental challenges sa pamamagitan ng pagsisikap ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at sa tulong ng lahat ng sektor ng lipunan. Sa isinagawang multi-sectoral meeting sa Malakanyang, tinalakay ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpaplano na may kaugnayan sa water management, binigyang diin ang pangangailangan para sa plano na magsisilbi bilang roadmap para sa waste management agencies. “Kaya nga kailangan…
Read MoreMagbabawas na raw ng byahe, pero.. JAPAN TRIP NI PBBM TULOY NGAYONG PEBRERO
(CHRISTIAN DALE) TULOY ang official working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, mula Pebrero 8 hanggang 12, 2023. Ang Japan para sa Malakanyang ay isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas. Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial na ang byahe ng Chief Executive patungong Japan ay tugon sa imbitasyon ni Japan Prime Minister Fumio Kishida. Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Pangulo sa Japan simula nang maupo ito bilang Pangulo ng bansa. Kinokonsidera naman ng DFA ang pagbisita na ito ng Pangulo sa…
Read MoreMAHARLIKA BILL, MARAMING BUTAS – CHIZ
MARAMI pang butas at hindi lulusot sa kasalukuyang porma ang panukalang Maharlika Investment Fund. Ito ang inihayag ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero matapos ang unang araw ng pagdinig ng Senate Committee on Banks and Financial Institution Iniisa-isa ni Escudero ang ilang mga kwestyonableng probisyon sa panukala na anya’y dapat munang resolbahin ng economic team at ng mga mambabatas bago tuluyang ipasa. Una sa kinuwestiyon ng senador ang kawalan ng probisyon sa panukala kaugnay sa return of investment ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines gayundin…
Read MoreLOVELIFE NI CHIZ, NAGING TAMPULAN NG TUKSO SA SENADO
WE Heart-Chiz. Ito ang naging panunukso ng mga senador sa pagbabalik ni Senador Francis “Chiz” Escudero na naka-sentro sa takbo ng kanyang lovelife. Sa pagsisimula ng sesyon nitong Miyerkoles, nagbigay ng short manifestation si Senador Grace Poe na napansin ang magandang ‘aura’ ng senador. “I would like to warmly welcome our colleague and my seatmate Sen Chiz. First time in a long time we’ve seen that smile on his face with the wonderful aura and I think is there anything we learned from this, is that “Love is worth fighting…
Read MoreMENTAL HEALTH AWARENESS INILUNSAD NG LAS PIÑAS LGU
INILUNSAD ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas City ang mental health awareness program na may temang “Kalungkutan ay Agapan, Kabataan ay Protektahan” para iangat ang kamalayan ng mga residente at tugunan ang mga usapin ukol sa mentalidad at reproduktibong pangkalusugan ng mga kabataan sa lungsod. Sinabi ni Mayor Imelda Aguilar na lumahok sa programa ang 400 estudyante ng high school at senior high, out of school youths at Sangguniang Kabataan, na idinaos sa Verdant Covered court, Barangay Pamplona Tres. Lumahok din aniya ang kanyang mga anak na sina Vice Mayor…
Read MoreHERITAGE BRIDGE SA QUEZON SINIRA
INIIMBESTIGAHAN na ng mga awtoridad ang natuklasang paninira sa heritage bridge sa Quezon province. Lunes ng umaga nang matuklasan ng mga awtoridad ang pagsira sa ilang bahagi ng Malagonlong bridge na nasa Dumacaa river sa Barangay Mateuna at Lakawan sa Tayabas City. Sa Facebook post ng Cultural Heritage Preservation Office ng Tayabas City, makikita na tinibag ng mga salarin ang ilang pader na nagsisilbing railings nito ganoon din ang ilang poste. Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang may kagagawan ng pagsira sa makasaysayang tulay. Ang Malagonlong bridge na…
Read More