GABINETE NI PBBM ‘SHAKY’ PA RIN – SOLON

(BERNARD TAGUINOD) HINDI pa masasabing matatag ang pamunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., halos walong buwan matapos siyang pormal na maupo sa pwesto. Bagama’t walang direktang impormasyon ang mga militanteng mambabatas na nakikialam si First Lady Liza Araneta-Marcos sa appointment ng tao sa gobyerno, naghihinala pa rin ang mga ito na may kinalaman ang maybahay ng Pangulo kaya hindi mabuo-buo ang gabinete nito. “Bagama’t wala tayong first hand information pero lumilitaw na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang girian tungkol sa appointed position,” pahayag ni Kabataan party-list Rep.…

Read More

PINAS MAIIPIT SA AWAY NG US AT CHINA

(JESSE KABEL RUIZ) NAPIPINTONG maipit sa pagitan ng dalawang nag-uumpugang bato ang Pilipinas bunsod ng itinakdang pagpapalawak ng access ng pwersang Amerikano sa mga base militar ng bansa. Partikular na tinukoy ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang kasunduang hudyat para sa pagbabalik ng West Philippine Sea Joint Maritime Patrol sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, batay sa kumpirmasyon ng US Defense Department. Sa pagbisita sa bansa ni US Defense Sec. Lloyd Austin III, inihayag ang pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagbibigay pahintulot na makapasok…

Read More

PATULOY NA SUPORTA SA OFWs TINIYAK NI PBBM

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palalakasin ang partnerships sa mga bansang nagho-host ng overseas Filipino workers (OFWs). Sa kanyang vlog  na ipinalabas nitong Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na titiyakin ng gobyerno ng Pilipinas ang proteksyon ng OFWs at kanilang pamilya bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa bansa. “Ang tanging maisusukli ko sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan ay masiguro ko ang inyong proteksyon, ang inyong kalagayan, at ang kalagayan ng mga naiwan ninyong pamilya sa ating bansa,” ayon sa Pangulo. “Ang tanging maisusukli ko ay…

Read More

Farmers: Probinsya nga ‘di naiangat, bansa pa? IMEE BILANG DA CHIEF UNCONSTITUTIONAL

MALALABAG ang Saligang Batas kapag nakinig si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa rekomendasyon ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na italaga ang kapatid na si Sen. Imee Marcos bilang Secretary ng Department of Agriculture (DA). Ito ang bababala ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) matapos  aminin ni So na nagpapahanap sa kanila si Pangulong Marcos ng taong nais nilang maitalaga kapalit niya sa DA. “Even if So is serious, appointing Sen. Imee, the President’s sibling, as the DA Secretary is unconstitutional. It violates Paragraph 2, Section…

Read More

PBBM TAHIMIK SA ISYU NG SMUGGLING

(BERNARD TAGUINOD) NAKABIBINGI ang katahimikan ng Pangulo sa usapin ng smuggling sa bansa na sumisira sa kanyang administrasyon. Ito ang obserbasyon ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel. “Ano ang kanyang masasabi sa ganung mga rebelasyon o sa mga umiikot na usap-usapan,” ayon pa kay Manuel. Marami rin ang nagtataka kung bakit walang opisyal na pahayag ang Palasyo hinggil sa pagsasangkot sa pangalan ng kapatid ni Unang Ginang Liza Marcos sa isa sa mga pinangalanang smuggler sa bansa. Noong isang linggo, nagpahayag ng pagdududa ang isang opposition solon sa Kamara sa…

Read More

MINAHAN NI GATCHALIAN SA SIBUYAN PINASUSUSPINDE

NAGBABADYA ang tuluyan pagkawasak ng kalikasan at pagkaubos ng mga pambihirang hayop sa kagubatan sa sandaling simulan ang operasyon ng minahang pag-aari diumano ng kapatid ng bagong talagang Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Isla ng Sibuyan sa lalawigan ng Romblon. Panawagan ng mga residente sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), huwag pahintulutan ang pagmimina ng nickel ore ng kumpanyang Altai Philippines Mining Corporation (APMC) na konektado umano sa isang Kenneth Gatchalian, kapatid ni DSWD Sec. Rex Gatchalian. Pangamba ng mga residenteng nagbarikada bilang…

Read More

PANUKALA NI NOGRALES PARA SA MANGGAGAWA UMUSAD NA SA KAMARA

UMARANGKADA na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga isinusulong na panukalang batas ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na naglalayong paigtingin ang proteksyon sa karapatan ng mahihirap na manggagawa. Kabilang sa mga ito ang House Bill No. 1270 – An Act Instituting Policies for the Protection and Promotion of the Welfare of Workers or Independent Contractors in the Film, Television, and Radio Entertainment Industry (Eddie Garcia Act); House Bill No. 6683 – An Act Promoting Inclusive and Sustainable Productivity Growth, repealing for the purpose Republic Act No. 6971,…

Read More

Pagbusisi sa smuggling tiniklop KAMARA NA-PRESSURE KAY MARTIN ARANETA?

(BERNARD TAGUINOD) DUDA ang isang opposition solon sa Kamara na itiniklop ang pagdinig sa smuggling dahil mabubulgar ang koneksyon ng kapatid ni First Lady Liza Araneta Marcos sa isang pinangalanang smuggler na si Michael Ma. Sa press conference ng Makabayan bloc kahapon, sinabi ni House deputy minority leader France Castro na posibleng may katotohanan ang rebelasyon ng kolumnistang si Mon Tulfo na si Martin Araneta ay business partner ni Ma. “Tingin natin baka may katotohanan ‘yung rebelasyon ni Mon Tulfo dahil may related dyan sa ginaganap na Committee hearing ng…

Read More

PAGBAWI NG MARCOS ILL-GOTTEN WEALTH IBINASURA NG SANDIGAN

TULUYANG ibinasura ng Sandiganbayan Fourth Division ang petisyong inihain ng mag-inang Imelda Marcos at Irene Marcos-Araneta para mabawi ang nasa P200-bilyong halaga ng mga pag-aaring nasa kustodiya ng Presidential Commission on Good Government (PCGG). Sa 40-pahinang resolusyon, “lack of merit” ang naging tugon ng Sandiganbayan sa giit ng mag-inang Marcos na ibalik na sa kanila ang nasa P55 milyong frozen trust account at iba pang pag-aaring di natitinag (real property) na una nang idineklarang ill-gotten wealth ng PCGG. Giit ng mag-inang Marcos, taong 2019 pa dinismiss ng Korte Suprema ang…

Read More