LABIS ang pasasalamat ng mamamayan ng Oriental Mindoro kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa maagap na pagtulong nito sa Calapan City ng nasabing lalawigan kamakailan. “Salamat po sa inyong agarang tulong na pinarating. Malaking bagay po,” mensahe ni Calapan City PTA past president Gilbert Matchimura. Nabatid din na si Rep. Teves ay nagpasabi ng karagdagang ayuda sa Caguisikan Elementary School, kung saan ang mambabatas ay magpapadala ng ilang bag ng semento para sa pathways ng paaralan. Si Rep. Teves ay kilala sa pagiging matulungin hindi lang sa Negros kundi…
Read MoreCategory: NASYUNAL
Mga tiwali nakapwesto pa rin JPE PUMIYOK SA ISYU NG SMUGGLING
TINUKOY ni Presidential Chief Legal Counsel Juan Ponce Enrile na dahilan ng hindi matapos na problema sa smuggling sa bansa ang mga tiwaling tauhan ng isang tanggapan. Sa lingguhang programa ni Enrile, tinuran nito na madali ang suhulan sa mga nasa likod ng nasabing katiwalian kaya’t hanggang ngayon ay hindi mawakasan ang problema sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa. Ito’y kahit pamilyar na mga pangalan ang nababanggit na sangkot sa operasyon ng smuggling. Wika pa ni Enrile, naririyan din ang ilang walang konsensiyang negosyante na ang tanging iniisip ay…
Read MorePBBM ‘di dapat sunod-sunuran kay Duterte PINAS NAMUMURO BILANG ‘ROGUE NATION’
(BERNARD TAGUINOD) KUNG mananatiling masunurin ang administrasyong Marcos sa mga naiwang polisiya ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi malayong makasali na rin ang Pilipinas sa talaan ng mga bansang pasok sa kategorya ng “rogue nations.” Partikular na tinuligsa ni dating Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares ang umano’y pagiging masunurin ni Marcos Jr. sa usapin ng membership ng bansa sa International Criminal Court (ICC). Paniwala ni Colmenares, walang plano si Marcos na bumalik sa ICC na unang nilayasan ni Duterte sa gitna ng kanyang war on drugs kung saan libo-libo…
Read MoreSUPORTA SA LOCAL SEED INDUSTRY PANAWAGAN SA SENADO
HINIKAYAT ni Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar ang publiko at lahat ng ahensya ng pamahalaan na magbigay ng patuloy na suporta sa local seed industry upang tumibay ang pundasyon ng produktibong agrikultural. “Continuous production and development of seeds is necessary because the availability of quality seeds are the key to successful farming,” ayon kay Villar sa ginanap na 5th National Seed Summit sa Great Eastern Hotel / Aberdeen Court Exterior sa Quezon City. “In return, quality seeds results to increased production and income for…
Read MoreTAMPUHAN SA AFP TINANINGAN HANGGANG MARSO
PARA kay Defense Secretary Carlito Galvez, matatagalan pa ang paghilom ng sigalot na idinulot ng balasahan sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Gayunpaman, nilinaw ng Kalihim na walang dapat ikabahala dahil aniya normal na ang tampuhan sa alinman tanggapan ng pamahalaan at maging sa organisasyong kinabibilangan ng mga sundalo. Partikular na tinukoy ni Galvez ang aniya’y epekto ng Republic Act 11709 na nagtatakda ng three-year fixed term sa walong pwesto sa sandatahan — kabilang ang posisyon ng AFO Chief of Staff na hawak ngayon ni Gen Andres Centino. Pag-amin…
Read MoreKapag ‘di umubra, alam na dis! – solon TAKTIKA NG FORMER AIDE NI JPE GAMITIN SA IBANG PRISONERS
(BERNARD TAGUINOD) GAGAMITIN ng political prisoners ang taktika ng dating chief of staff ni dating senador at ngayo’y Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes kaya ito nakalaya sa kasong plunder. Nabatid kay Bayan Muna executive vice president at dating Congressman Atty. Carlos Isagani Zarate, bukod sa kaso ni dating senador Liela de Lima, gagamitin din na batayan ang pagpapalaya kay Reyes ng Korte Suprema dahil sa Writ of Interim Habeas Corpus. “If it applies to Gigi Reyes, there is no reason why the same should…
Read MoreHangga’t hindi kumpleto ‘bucket list’ DA ‘DI BIBITIWAN NI MARCOS JR.
WALA pa ring napipisil na hepe ng Department of Agriculture (DA) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaya mananatiling siya ang pinuno nito. Sa isang panayam sa Switzerland bago pa lumipad pabalik ng Pilipinas, sinabi ng Pangulo na magtatalaga lamang siya ng kanyang successor sa oras na matapos na nila ang bucket list para sa DA. “All the hard things, ‘yung mahirap gawin ngayon namin gagawin. ‘Pag nagawa na namin ‘yung mga bucket list namin, natapos na namin, aalis na ako. Then I will give it to somebody else,” ayon…
Read MoreSABWATAN SA MALACAÑANG Muling lumutang sa ‘pagsibak’ kay Carlos
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG pagkumpirma sa mga naunang reklamo kaugnay ng pagkakaroon ng magkakasalungat na grupo sa loob ng Palasyo ng Malacañang, ang pahayag ni dating National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos. Ibinunyag ni Carlos na may sabwatan ng mga ‘unnamed persons’ para patalsikin siya bilang NSA. Kalagitnaan ngayong Enero nang bigla na lamang ihayag ang pagbibitiw umano sa tungkulin ni Carlos na agad namang pinalitan ni dating DILG Secretary Eduardo Año. Base sa naunang pahayag, ito ay dahil nagdesisyon si Carlos na ipagpatuloy ang kanyang scholastic endeavors nang…
Read MoreANGKAS SA PBBM DAVOS STATE VISIT TATALUPAN
(BERNARD TAGUINOD) SA gitna ng lugmok na ekonomiya, ‘di wastong gumastos ng bonggang-bongga, ayon sa mga militanteng kongresista kasabay ng giit para sa isang imbestigasyon sa Kamara. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, higit na kailangan malaman ng sambayanan ang katotohanan. Partikular na tinukoy ng mambabatas ang mga tinawag niyang sanrekwang amuyong na kasamang lumipad sa Davos, Switzerland ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Dapat din aniyang mabatid kung magkano at kung sino ang gumastos sa 70 delegadong kinabibilangan ng First Family, mga kaalyadong mambabatas, Marcos appointees, artista at mga…
Read More