POGO NAKAPIPINSALA SA BANSA – SURVEY

MAYORYA sa mga Pilipino ang naniniwala na nakapipinsala lamang sa bansa ang presensya ng Philippine Offshore Gaming Operators o mga POGO. Ito, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian ay batay sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 1 noong nakaraang taon. Sa survey, lumitaw na 58 percent ng mga respondent ang nagsabing nakasasama ang operasyon ng mga POGO sa bansa habang 19 percent lamang ang nagsabi na kapaki-pakinabang ang operasyon nito. Kabilang sa mga dahilan kaya naniniwala ang mga respondent na nakapipinsala ang nasabing industriya, ang…

Read More

PAG-UPGRADE SA AVIATION SYSTEM PINAMAMADALI NI PBBM

IPINAG-UTOS  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabilisang modernisasyon ng aviation safety system sa bansa para maiwasan ang ‘glitches’ na kahalintulad noong Enero 1 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang  management agreement sa Sumitomo-Thales —  maintenance provider ng Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) — ay pabibilisin din. “[Marcos] is very much aware of what happened and he supports our recommendation to implement…

Read More

SAF 44 KINILALA NG MALAKANYANG

KINILALA ng Malakanyang ang kabayanihan ng 44 Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkwentro laban sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 taong 2015. “Ngayong ika-25 ng Enero, ating inaalala ang kabayanihang ipinakita ng 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) officers sa munisipalidad ng Mamasapano noong 2015,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa isang kalatas. “Ang kanilang sakripisyo ay ‘di malilimutan at mananatiling inspirasyon para sa bawat Pilipino,” dagdag na wika ng PCO. Matatandaang naging target ng operasyon na tinawag…

Read More

Rigodon sa BI hirit sa Senado KONTAK NG CHINESE MAFIA HUBARAN NG MASKARA

HINILING ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkoles ang masusing pagsisiyasat sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) upang matukoy na kung sino ang ginagawang contact ng Chinese mafia sa loob ng ahensya. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na malaki ang posibilidad na may koneksyon ang human trafficking syndicate sa loob ng ahensya dahil patuloy ang ulat ng outbound human trafficking ng Pilipino na pinilit magtrabaho bilang scammer ng cryptocurrency. Nanawagan din ang senador na sibakin ang contact ng sindikato sa BI sa lalong madaling panahon upang matiyak ang proteksyon…

Read More

Solon: Agri-smugglers hindi masawata PBBM DAPAT MANAGOT SA KAPALPAKAN NG DA

(BERNARD TAGUINOD) DAPAT panagutin ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa walang habas na pagpasok ng big-time onion smugglers. Pahayag ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas dahil mistulang nagsasamantala umano ang mga smuggler habang puro biyahe ang inaatupag ng Pangulo. “Habang puro biyahe palabas ang DA chief natin, todo pasok naman ang smuggled at misdeclared onions,” ayon sa mambabatas dahil ngayong Enero 2023 pa lamang ay nakapagtala na ng 18 kaso umano ng smuggling ng sibuyas, carrots at iba pang produktong agrikultura,…

Read More

PBBM nagsalita na FL LIZA AYAW TANTANAN SA ISYU NG APPOINTMENTS

(CHRISTIAN DALE) SINAGOT na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga batikos sa asawang si Unang Ginang Liza kaugnay ng pakikialam umano sa pagtatalaga ng mga tao sa gobyerno. Pagtiyak ng Pangulo, walang ‘input’ ang kanyang asawa sa appointments na kanyang ginagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon. “Zero, she really has no input on that. The First Lady helps me in terms of the organization because she was actually very very good at that, organizing which office, how the workflow goes, where the documents go through,” ayon sa Pangulo. “She’s…

Read More

SIM REGISTRATION SA REMOTE AREAS AARANGKADA NA

SISIMULAN na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) ang ‘assisted SIM registration’ sa remote areas ngayong linggo. Sa isang kalatas, sinabi ng DICT na ang rollout sa ‘assisted SIM registration’ para sa 15 identified remote locations sa iba’t ibang laalwigan ay sisimulan, ngayon Enero 25 hanggang 27. Ang pilot areas at ang ‘corresponding date’ para sa assisted SIM registration ay ang mga sumusunod: Day 1 – Enero 25 • Pasuquin, Ilocos Norte – municipal auditorium ng Pasuquin • Moalboal, Cebu – municipal hall…

Read More

Hamon kay Pres. Marcos POGO I-BAN NOW NA!

NAIINIP na ang isang militanteng mambabatas kung kailan palalayasin sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nagdudulot lamang ng perwisyo sa halip na benepisyo. Kaya naman hinamon ni House deputy minority leader France Castro si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipag-utos na ang pag-ban sa POGO. “There are security concerns raised against POGOs that are still very much valid because these hubs can be used for the expansionist military and political purposes of a foreign country, like China,” ani Castro. Ipinaalala ng mambabatas na noong nakaraang taon,…

Read More

FIXED TERM SA AFP PINAAAMYENDAHAN

HINDI pa man ganap na pinaiiral ang RA 11790, inirekomenda na ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. sa Senado na alisin na sa nasabing batas ang “fixed terms” ng mga pangunahing opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinag-ugatan umano ng pagkadismaya ng ilang opisyal. Ayon kay Sec. Galvez, iminumungkahi niya ito sa Senado na nagbabalak amyendahan ang Republic Act 11709 o Act Strengthening Professionalism sa Armed Forces of the Philippines. Naniniwala ang kalihim na sakaling tanggapin ng Senado ang kanilang rekomendasyon ay magiging “flexible” at hindi absolute…

Read More