MAHIGIT P174.6 MILYONG AYUDA, IPINAMAHAGI SA NEGROS AT SIQUIJOR

MAHIGIT P174.6 milyong cash assistance at iba pang ayuda ang ipinamahagi sa mahigit 20,000 manggagawa, magsasaka at iba pang benepisyaryo sa Negros Oriental, Negros Occidental at Siquijor, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na isinagawa ang pamamahagi sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapalawak ang oportunidad sa trabaho at kabuhayan sa bagong tatag na Negros Island Region.

Pinangunahan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang pamamahagi ng livelihood grants sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP), gayundin ang TUPAD at iba pang programang pangkabuhayan.

(CHRISTIAN DALE)

170

Related posts

Leave a Comment