NADAKIP ang isang Korean national na sangkot sa investment scam sa kanilang bansa, nang matunton ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD), sa Malate, Manila. Base sa ulat ni NBI Director Jaime Santiago, inaresto ang suspek base sa koordinasyon sa Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU). Kinilala ang suspek na si Kim Yooshik alyas Kim Yoosik, na matagal na umanong naninirahan sa bansa. Sinabi ni Consul Yun Wonchang ng Korean Embassy, sa opisyal nitong pakikipagkomunikasyon, ang suspek na isang takas na pugante, ay banta…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
CANDIDATES NA NAGHAIN NG SOCE, WALA PA SA KALAHATI – COMELEC
WALA pa sa kalahati ang bilang ng mga kandidato at party-list groups na naghain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Sa mga oras na ito, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, nasa pitong kumandidato sa pagka-senador pa lamang ang naghain ng SOCE mula sa 66 na tumakbo sa nagdaang 2025 midterm elections. Kabilang dito sina Atty. Victor Rodriguez, Norberto B. Gonzales, Willie Ong, teacher France Castro, Vicente C. Sotto III, Atty. Angelo De Alisan, at Ronaldo Jerome Adonis. Samantala, nasa 9…
Read MoreElection protest dinismis MR ISINAMPA NG TALUNANG KANDIDATO SA BULACAN
NAGSAMPA ng Motion for Reconsideration (MR) noong Lunes sa Malolos Regional Trial Court (RTC) ang panig ng natalong mayoral candidate sa Angat, Bulacan matapos ibasura ng korte ang naunang election protest nito. Kasabay ng paghahain ng MR ay dumagsa sa harap ng Malolos Regional Trial Court (RTC) ang dismayadong supporters ng natalong kandidato na si Lamberto De Leon, bitbit ang mga placard na humihiling ng recount sa naganap na Elections 2025. Si De Leon ay tinalo ni re-elected Reynante Bautista at lumamang lamang ng 259 votes. Una nang naghain ng…
Read MoreCRIME SOLUTION EFFICIENCY NG EPD TUMAAS NGAYONG TAON
TUMAAS ngayong taon ang crime efficiency solution (CSE) o epektibong pagresolba sa krimen ng Eastern Police District (EPD) kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ayon sa opisyal na pahayag ng pamunuan ng EPD, pumalo sa 95.9% ang crime efficiency solution sa huling linggo ng Mayo 2025 kumpara sa huling lingo ng Mayo noong 2024 na may naitalang 82.1% CSE. Sinabi ni PBGen. Aden Lagradante, district director ng EPD, ang pag-angat na ito ay resulta ng pinaigting na police visibility at mas aktibong pakikipag-ugnayan sa mga komunidad sa ilalim…
Read More2K TRABAHO SA MANILEÑO ISINAGAWA NG ADMIN NI MAYOR HONEY
NAGSAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng ‘Local Recruitment Activity’ sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey Lacuna. Ang aktibidad ay nagkakaloob ng libong trabaho para sa mga unemployed na mga residente ng lungsod. Binigyang papuri ni Lacuna ang Public Employment Service Office – City of Manila sa pamumuno ni Fernan Bermejo para sa nasabing activity na ginawa nitong Miyerkoles (June 4), 9 a.m. hanggang 2 p.m. Ang recruitment activity ay ginawa sa PESO Annex Office sa Park N’ Ride Building, Lawton, Ermita, Manila. May kabuuang 2,000 trabaho ang ipinagkaloob…
Read MoreANTI-RABIES, CHILD VAX LIBRE SA PUBLIC HOSPITALS
PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na nag-aalok ang gobyerno ng free anti-rabies vaccination. “Sakaling nakagat o nakalmot kayo ng inyong mga alagang aso at pusa —nangangamba sa rabies— libre po ang pagbabakuna sa mga government hospital,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Ang ‘rabies’ ay itinuturing ng bansa na public health problem. Para aniya sa mga dudulog naman sa private hospital, may animal bite package naman ang PhilHealth. Samantala, may libre namang immunization para sa mga batang edad 0 hanggang 5 sa lahat…
Read MoreBATANG BABAE KINAPITAN NG SALABAY, PATAY
QUEZON – Namatay ang isang 5-anyos na batang babae makaraang kapitan umano ng salabay o dikya habang naliligo sa isang beach resort sa bayan ng Buenavista sa lalawigan noong Lunes, Hunyo 2. Ayon sa report ng pulisya, nagtungo ang pamilya ng biktima sa Deocales Resort, sa Brgy. Mabutag para sa family outing. Bandang alas-12:00 ng tanghali, naliligo ang isang tiya ng biktima nang lumusong ang bata at tumabi sa paliligo nito. Magkatabing naliligo ang dalawa nang bigla na lamang sumigaw ang bata. Nakapitan na pala ito ng salabay sa kanyang…
Read MoreDALAGITA NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY
CAVITE – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cavite Police hinggil sa natagpuang bangkay ng isang menor de edad na babae sa ilalim ng tulay sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Ang biktimang si alyas “Jean”, estudyante, ng Brgy. Fatima, Dasmariñas City, ay halos nangangamoy na ang bangkay at hindi na makilala dahil durog ang mukha nang matagpuan ito. Hawak na ng pulisya ang suspek na kinilalang si alyas “Christian”, na may mga kasong alarms and scandal, disobedience at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.…
Read MoreJAPAN, US AT AUSTRALIA DEFENSE CHIEF NAGKAKAISA NA AYUDAHAN ANG PILIPINAS
NAGKASUNDO ang mga defense chief ng Japan, United States at Australia na tulungan ang Pilipinas na dagdagan ang defense capabilities ng bansa bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na makalikha ng free and open Indo-Pacific region. Ang kasunduan ay nabuo sa ginanap na quadrilateral defense meeting sa Singapore noong nakalipas na linggo. Nagkaisa ang defense ministers na magluwas ng mga kagamitan sa Pilipinas para makatulong na mapalakas ang kakayahan ng bansa sa pagtatanggol sa karapatan nito sa bahagi ng South China Sea. Plano ng tatlong kaalyadong bansa ng Pilipinas na magsagawa…
Read More