MAAARING maharap sa court martial proceedings ang isang senior official ng Armed Forces of the Philippines matapos siyang ireklamo ng pangmomolestiya ng dalawa niyang junior officers. “A pre-trial investigation was subsequently conducted and has since been completed. The case is now pending the approval of the convening authority (chief of staff) for referral to a General Court Martial (GCM) and its eventual convening,” ayon sa AFP. Nag-ugat ito nang kasuhan ng rape ng dalawang junior officer na nagsisilbing office assistant ang isang high-ranking military official. Naganap ang umano’y pangmomolestiya ng…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
QUE KIDNAP-SLAY MAITUTURING NANG CASE SOLVED – PNP
MAITUTURING na ng Philippine National Police (PNP) na lutas na ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito na si Armanie Pabillo pero hindi pa sarado. Sa isinagawang press briefing nitong Lunes ng hapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Jean Fajardo, na hawak na nila si Gong Wei Li, alyas Kelly at Wu Jabing makaraang maaresto habang naka-check-in sa kilalang hotel resort sa Station 2 sa Isla ng Boracay, Sabado ng hapon. Nauna nang naaresto ang tatlong suspek kabilang si David…
Read MoreBENTAHAN NG RIGHT-HAND MOTOR VEHICLES SA QC SINALAKAY NG LTO, QCPD
MAKARAAN ang direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na habulin ang mga indibidwal at grupo na lumalabag sa road safety, sinalakay ng Land Transportation Office (LTO), sa patnubay ni Department of Transportation (DoTr) secretary Vince Dizon, ang isang establisimyento sa Quezon City na umano’y nasa likod ng bentahan ng mga second-hand right hand drive motor vehicle. Nabatid na sa operasyon naging katuwang ng mga tauhan ng LTO ang mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), bunsod ng naiulat sa social media monitoring hinggil sa naturang mga ilegal na…
Read MoreOCD NAKA-BLUE ALERT; TF SAN JUANICO BRIDGE BINUO
NILIKHA ngayon ng pamahalaan ang San Juanico Task Group (SJTG) sa pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., para tutukan ang seguridad, kaligtasan at operational coordination sa mga bayan mula sa magkabilang dulo ng San Juanico Bridge, na ipinagutos na isailalim sa structural assessment. Ang Office of Civil Defense (OCD) ang siyang inatasan na magsilbing lead agency at overall chair ng SJTG, na responsable sa pagtiyak ng magandang daloy ng trapiko, seguridad at mga rapid response effort sa buong kahabaan ng tulay. Kasabay nito ang paglalagay sa blue…
Read More54 Female cadets pinapurihan KABABAIHAN HINIKAYAT NI PBBM NA UMANIB SA PMA
HINIKAYAT ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kababaihan na umanib sa Philippine Military Academy (PMA), ang pamosong military school ng Pilipinas, kasabay ng pagbibigay papuri sa 54 female graduates ng PMA Siklab-Laya Class of 2025. Si Pangulong Marcos na nagsilbing panauhing pandangal at guest speaker sa ginanap na graduation rites sa Fort Del Pilar sa Baguio City nitong nakalipas na linggo, ay nagpahayag ng kagalakan nang malaman nitong sa 266 na kasapi ng PMA Siklab-Laya Class 2025 na nagsipagtapos, 54 rito ay mga babae. “Ang mga kababaihang kadete…
Read More2 BINARIL SA ALITAN SA PARKING
DALAWA katao ang sugatan makaraang barilin ng isang lalaki dahil sa alitan sa parking sa Barangay 103, Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Nahaharap ang 44-anyos na suspek na si Gregorio Tabago sa kasong frustrated murder at physical injury. Kinilala naman ang mga nasugatan si John Villanueva, 45, ng naturang lugar, at isang 20-anyos na dalaga. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Melvin Florida Jr., station commander, bandang alas-4:00 ng hapon ay nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation sa tulong ni Police Major Adobis Sugui, ng Northern Police…
Read MoreNAMAMASYAL NA ARMADO, BAGSAK SA HOYO
BAGSAK sa selda ang isang lalaki matapos maaktuhang may dalang baril habang namamasyal sa Caloocan City noong Linggo ng umaga. Batay sa ulat, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga tauhan ng Caloocan City Police nang lumapit ang isang Barangay Peace and Safety Officer (BPSO) at iniulat ang hinggil sa isang lalaki na may dalang baril habang naglalakad sa Pag-asa Street, Barangay 141, Bagong Barrio. Agad namang nagresponde sa lugar ang mga pulis hanggang sa maispatan nila ang suspek habang naglalakad na agad nilang sinunggaban at kinumpiska ang dalang baril na…
Read MoreRAPE SUSPECT NABITAG SA SACLEO SA NAVOTAS
NATIKLO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panghahalay sa isang menor de edad, sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa Navotas City. Ayon sa ulat ni Navotas City Police chief, P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa lungsod ang presensya ng 35-anyos na suspek sa rape. Sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Intelligence Section ng Navotas City Police, nadakip nila ang suspek sa Yangco Street, Barangay Navotas East, dakong alas-5:15…
Read More12 NANALONG SENADOR IPOPROKLAMA NA
IPOPROKLAMA na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Sabado, Mayo 17, ang 12 nanalong senador, ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Sa press conference sa Manila Hotel Tent City, nabatid na ang proklamasyon ay magsisimula dakong alas-3 ng hapon. Tinapos ng Comelec ang official tally ng certificate of canvass (COC) para sa midterm election noong Huwebes ng gabi. Ginagamit ang COC upang matukoy ang opisyal na mga nanalo. Natapos lamang ng Comelec ang canvassing ng lahat ng 175 certificate of canvass ng tatlong araw matapos ang May 12 elections, na…
Read More