POLICE VISIBILITY SA MANILA PAIIGTINGIN, PALALAKASIN 24/7

PINANGUNAHAN ni Manila Police Director Police Brigadier General Benigno Guzman ang pag-iikot sa bawat istasyon ng pulisya sa kanyang nasasakupan sa lungsod ng Maynila. Ayon kay PBGen. Guzman, tuloy-tuloy ang operasyon 24/7 sa bawat presinto sa Station 1 hanggang Station 14, maging ang mga tauhan ng Police Community Precinct, (PCP) kasabay ang Mobile Patrol Units, SWAT team, motorcycle riders at bicycle patrol na walang patid ang pagpapatrulya sa kanilang area of responsibility (AOR). Nabatid mula kay Police Major Philipp O. Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD, bukod…

Read More

FETUS ITINAPON SA HARAP NG HOTEL

HINIHINALANG sadyang ipinalaglag ng walang pusong ina ang fetus na natagpuan sa balumbon ng mga basura sa harap ng isang hotel sa Barangay 394, Quiapo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa kay Jerry Miano, 28, garbage collector, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang magulat siya nang mabatid na fetus ang laman ng isang plastic na nakita niya sa loob ng isang kahon. Agad naman niya itong ini-report sa Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District, na kinordon ang lugar bago ipinagbigay-alam sa MPD Homicide Section ang insidente.…

Read More

MULTIPLE PASSPORT NI ROQUE KAKALKALIN

MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para paimbestigahan kung paano umano nakakuha si dating Presidential Spokesperson Harry Roque ng tatlong Philippine passports. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang DFA ang siyang mag-iimbestiga sa mga hawak na pasaporte ni Roque dahil sila ang nag-iisyu nito. Hahanap aniya ang DOJ ng karagdagang impormasyon, lalo’t humiling na sila sa korte na tuluyang kanselahin ang mga pasaporte ni Roque dahil umano sa pagtakas nito sa batas. Si Roque ay nahaharap sa kasong qualified at regular human…

Read More

HDO VS EX-POLICE DUMLAO NASA PROSESO PA – BI

NANANATILI pa rin sa bansa ang dating pulis na Lt. Col. Rafael Dumlao III, ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval. Ang pahayag ni Sandoval ay tugon sa tanong kung ano na ang status ng dating pulis na itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-joo. Sinabi ni Sandoval, nasa proseso pa ng pagsasailalim sa hold departure order (HDO) si Dumlao at hindi pa rin ito nakalalabas ng bansa. Bukod dito, isinailalim na ng BI si Dumlao sa immigration lookout bulletin order (ILBO)…

Read More

BABAENG CARNAPPER ARESTADO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang 53-anyos na ginang na wanted sa kasong carnapping sa Pasig City matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Lungsod ng Caloocan noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, inilabas ang warrant of arrest ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 para kay alyas “Juliet Jardin” na kabilang sa most wanted persons sa naturang lungsod. Nang mapag-alaman ang impormasyon kung saan nagtatago ang akusado, agad bumuo ng team ang Northern Police District Office (NPDO) sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) para madakip ang nasabing suspek. Kaagad…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA GINANG NA ITINAPON SA PAYATAS, ARESTADO

IBINIDA ni Quezon City Police District DDDA officer-in-charge Colonel Randy Glenn Silvio ang matagumpay na pagkakaaresto sa isang alyas ‘Felimon’, 47 taong gulang at residente ng Barangay Payatas sa Lungsod Quezon, na suspek sa pamamaslang sa isang ginang nitong nakalipas na Mayo 14, 2025. Sinabi ng QCPD na nadakip ang suspek sa isinagawang manhunt operation ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) dakong alas-8:00 ng gabi noong Mayo 23, 2025 sa San Antonio Subdivision sa Brgy. Langkiwa sa Biñan City, Laguna. Batay sa ulat ni QCPD PS 13 chief…

Read More

DOJ: ROQUE MALABONG MABIGYAN NG ASYLUM

DUDA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pagbibigyan ng The Netherlands ang asylum request ni Atty. Harry Roque. “I doubt it kasi Netherlands is one of the countries that goes against human trafficking, which is the charge against Harry Roque,” wika ni Remulla sa isang ambush interview nitong Lunes. Sinabi rin ng kalihim na ipinakansela na nila sa Department of Foreign Affairs ang pasaporte ni Roque noong Biyernes. Ayon pa sa kanya, ito ay maglilimita sa mga opsyon ni Roque. “I think he holds 2 to 3 passports pa…

Read More

4 KATAO DINAMPOT SA DEMOLISYON SA TONDO

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District ang apat na residente na humarang at nanakit umano ng mga pulis sa demolisyon sa Mayhaligue Street na sakop ng Brgy. 262 at 264 sa Tondo, Maynila. Kabilang sa hinuli ang umano’y ilang nambato nang simulan muli ang demolisyon na sandaling itinigil dahil sa pagbuhos ng ulan. Atras-abante ang mga tauhan ng District Mobile Force Battalion at ng mga tauhan ng Demolition Team makaraang iutos ni Sheriff Raymundo Roxas ng Metropolitan Trial Court na pansamantalang itigil ang gibaan. Napilitang bombahin ng Bureau…

Read More

MANUAL RECOUNT HILING NG TALUNAN SA GUBERNATORIAL RACE

HINILING ni outgoing Marinduque lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng manual recount ng boto sa kanyang probinsya matapos matalo ng 400 boto sa gubernatorial race. Sinabi ni Velasco sa isang pahayag, naghain siya ng pormal na apela sa Comelec upang magsagawa ng manual recount ng mga boto, hindi lamang para sa kapakinabangan ng taga probinsya ng Marinduque kundi kundi para rin sa mas malawak na layunin na mapakikinabangan ng mga Pilipino. Si Velasco, na nakatanggap ng 65,726 boto ayon sa resulta…

Read More