10 SUGATAN SA SALPUKAN NG 3 SASAKYAN SA LAGUNA

LAGUNA – Sampu katao ang nasugatan matapos magsalpukan ang tatlong sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. San Vicente, San Pablo City noong Linggo ng hapon. Kabilang sa mga nasugatan ang mga drayber at pasahero ng mga sangkot na sasakyan na isang kotseng Mitsubishi Mirage, at isang Toyota Avanza. Ayon sa ulat ng San Pablo City Police, nangyari ang insidente bandang alas-2:40 ng hapon nang isang Mitsubishi Montero at Mitsubishi Mirage na parehong patungo sa direksyon ng Alaminos, Laguna ang sinalpok ng kasalubong na Toyota Avanza na minamaneho ni Darwin Samonte Realco,…

Read More

NABURYONG SA ALAK, NAMARIL NG KAINUMAN

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ang kanyang ka-barangay na dating security guard, nang magtalo habang nag-iinuman sa bayan ng Alfonso sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Dr. Poblete Hospital ang biktimang si alyas “Dick”, 72, residente ng Brgy. Kaytitinga 1, Alfonso, Cavite, dahil sa tama ng bala ng baril. Kinilala naman ang suspek na si alyas “Randy, 51, ka-barangay ng biktima. Ayon sa ulat, nag-iinuman ang dalawa sa Brgy. Kaytitinga 1, Alfonso, Cavite bandang alas-9:15 ng gabi ngunit sa kalagitnaan…

Read More

PAGAWAAN NG ATAUL SA QUEZON NATUPOK

QUEZON – Tinupok ng apoy ang isang pagawaan ng ataul sa sunog na sumiklab sa Sitio Malalim, Brgy. San Jose, sa bayan ng General Luna sa lalawigan noong Linggo ng hapon. Ayon sa report ng General Luna Police, nakita na lamang ng may-ari ng pagawaan ng ataul na si “Terming”, 43, na nagliliyab ang istruktura bandang alas-2:30 ng hapon. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang pagawaan ng ataul. Agad namang nagresponde ang mga pamatay-sunog ng BFP General Luna at mga bombero ng mga karatig bayan…

Read More

HIGIT 3K TSUPER MAWAWALAN NG HANAPBUHAY SA LPTRP REVISION

DILIMAN, Lungsod Quezon — Aminado ang Department of Transportation (DoTr) na hihigit sa 3,000 tsuper sa Cebu ang posibleng mawawalan ng hanapbuhay sanhi ng gagawin mga pagbabago sa ipapatupad na Local Public Transport Route Plan (LPTRP). Ito ang napagalaman mula kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region VII director Eduardo Montealto sa pakikipagpulong kay Cebu governor Gwendolyn Garcia nitong nakaraang Sabado, Marso 8, 2025. Nakasama sa pulong nina Montealto at Garcia sina DoTr secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon, mga kinatawan ng World Bank (WB), Land Transportation Office (LTO), pamahalaang…

Read More

PAG-ANGKIN NG TSINA SA PALAWAN KINONDENA NI GOITIA

UMANI ng batikos ang Tsina matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement, ang pahayag nito na bahagi umano ng kanilang teritoryo ang Palawan. Sa isang matapang na pahayag, tinawag ni Goitia ang pag-aangkin ng Tsina bilang “katawa-tawa” at isang “tahasang paglabag sa pandaigdigang batas,” binigyang-diin niyang ito ay hindi lamang walang batayan kundi isa ring “pang-iinsulto sa kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kanilang sariling kasaysayan at kultura.” Kinatawan ni Goitia, ang iba’t ibang makabayang organisasyon, kabilang ang People’s Alliance for…

Read More

BRGY. CHAIRMAN INIREKLAMO KAY MAYOR VICO SA ‘ILLEGAL’ MULTI-PURPOSE HALL

NAGHAIN ng reklamo sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang kompanya laban sa barangay chairman ng Barangay Rosario dahil sa ilegal na pagtatayo ng multi-purpose hall na sinakop ang bahagi ng pagmamay-ari nitong lupain. Batay sa liham ni Atty. Ramon Remollo, abogado ng Industrial Enterprises Inc. (IEI), kay Sotto na may petsang 20 Pebrero 2025, tumanggi si Aquilino dela Cruz Jr., chairman ng Barangay Rosario, na bigyan ng fencing permit ang kanilang kompanya bunsod umano ng pagkuwestiyon sa IEI bilang lehitimong may-ari ng lupang kinatitirikan ng dalawang…

Read More

LIVE-IN PARTNERS TIMBOG SA P650K SHABU SA LUCENA

LUCENA CITY – Arestado ang live-in partners sa isinagawang sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng tinatayang P650,000 halaga ng umano’y shabu sa Purok Baybayin 1, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod noong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga natimbog na sina alyas “Vida”, 39, residente ng Purok 5, Barangay Dalahican, at “Aaron”, 38, residente ng Barangay Dap-Dap, Tayabas City. Ayon sa ulat ng PDEU-Quezon, bandang alas-8:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba at nakabili sa mga suspek ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Sa isinagawang preventive search,…

Read More

P3.7-M SHABU NASAMSAM, 3 TULAK ARESTADO

PINAIGTING pa ng Central Luzon Police ang kanilang anti-illegal drug operations na humantong sa pagkakaaresto sa high-value drug personalities at nasamsam ang mahigit P3.7-milyong halaga ng umano’y shabu. Ang nasabing operasyon ay muling pinagtitibay ang pinaigting na pangako ng Philippine National Police sa pagpuksa sa ilegal na droga at pangangalaga sa mga komunidad. Noong Marso 5, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cabanatuan City Police Station sa Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “She,” 47-anyos, mula…

Read More

KALAHATING KILO NG SHABU IBINENTA SA SHOPPING MALL

DALAWANG hinihinalang bigtime drug dealer ang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang shopping mall sa Pagadian City matapos mahulihan ng kalahating kilo ng umano’y shabu. Tinatayang nasa P3.4 milyon ang halaga ng hinihinalang ipinagbabawal na droga ang nakumpiska sa buy-bust operation ng PDEA Regional Office IX (PDEA RO-9) Zamboanga del Sur Provincial Office, katuwang ang PDEA RO-9 Regional Special Enforcement Team (RSET), Pagadian City Police Station, Zamboanga del Sur Provincial Drug Enforcement Unit, at Provincial Intelligence Unit ng ZDSPPO noong Huwebes. Isinagawa ang inilatag…

Read More