TAHASANG itinanggi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines ang ikinakalat na YouTube video na may namumuong naval standoff sa pagitan ng Philippine Navy at Malaysian forces. Malinaw umanong fake news ito na layuning magpakalat ng mali at nakasisirang impormasyon para magsulong ng kanilang political or strategic agendas. Ang pagpapakalat umano ng ganitong uri ng disinformation ay banta sa peace and stability sa rehiyon. “The AFP stands firm in its commitment to transparency, truth, and the protection of our national interests.” Nabatid na may kumakalat na YouTube video na…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
20 KILO NG SHABU NASAMSAM SA LAGUNA
LAGUNA – Umabot sa 20 kilo ng umano’y shabu ang nasamsam sa isinagawang joint law enforcement operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police na nagresulta sa pagkakadakip sa isang wanted drug personality at kasama nito noong Martes sa lalawigan. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, inaresto ng anti-narcotics operatives ng PDEA ang wanted drug personality at kasama nito sa bisa ng warrant of arrest noong Agosto 12, 2025. Ayon kay Usec. Nerez, matapos ang isinagawang intelligence gathering operation laban sa…
Read MoreLALAKING PROBLEMADO TUMALON SA 10TH FLOOR NG HOTEL SA CUBAO
MAY mabigat umanong problema ang 29-anyos na lalaki na tumalon mula sa ika-10 palapag ng kanyang tinutuluyang Spring Hotel sa Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi. Sinabi ng Quezon City Police District station 7 Cubao ang biktima ay tinukoy sa pangalang Ricardo Jr., binata, self employed at residente ng Purok 3, Crossing Uson, Masbate. Nabatid sa Cubao police, naganap ang insidente bandang 9:11 ng gabi nitong nakalipas na Agosto 11, 2025 (Lunes) sa Spring Hotel na nasa Pinatubo corner Aurora Blvd., Brgy. San Martin, De Porres, Cubao, QC. Nag-check in…
Read More3-ANYOS NASAGIP NG QCPD MULA SA YAYANG KIDNAPER
SA mabilis na pagtugon ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni PCOL Randy Glenn Silvio, nasagip ang 3-anyos na bata at naaresto ang kasambahay na umano’y dumukot dito. Sinabi sa ulat ng QC police station 2, dakong alas-8:05 ng gabi noong Agosto 10, 2025, nagpaalam ang suspek na si alyas Joan, 24, sa kanyang amo na pupunta sa kapitbahay para kumuha ng gamot sa pananakit ng tiyan. Isinama nito ang 3-anyos na alaga ngunit hindi na bumalik sa bahay ng amo sa Brgy. Paltok, Quezon City. Makalipas ang…
Read More250 LOOSE FIREARMS, 115 INDIBIDWAL TIMBOG SA CENTRAL LUZON
UMABOT sa 250 loose firearms at 115 individuals ang naaresto ng Police Regional Office 3 o PRO 3 sa pinaigting na kampanya laban sa mga ilegal at ‘di lisensyadong baril sa Central Luzon. Ayon kay PRO3 Director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., isinagawa ang mga operasyon mula Hunyo 20 hanggang Agusto 9 ng kasalukuyang taon. Kabilang sa ikinasang mga operasyon ang pagsisilbi ng search warrants, checkpoint operations, at incidental surrenders, kabilang na ang boluntaryong pagsuko ng mga baril ng mga residente sa Region 3. Nakapagtala naman ang Nueva Ecija…
Read MoreKATARUNGAN CARAVAN BINITBIT NG DOJAC SA NORTHERN SAMAR
BINITBIT ng Department of Justice Action Center (DOJAC) at katuwang na mga ahensya ang Katarungan Caravan sa Catarman, Northern Samar noong Agosto 8, 2025 para maghatid ng libreng serbisyong legal sa mahigit 500 residente. Katuwang dito ang National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Land Registration Authority, Public Attorney’s Office, Integrated Bar of the Philippines–Northern Samar Chapter, Inter-Agency Council against Trafficking, National Prosecution Service-Region VIII, mga tanggapan ng piskal sa probinsya at lungsod, at Pamahalaang Panlalawigan. Kabilang sa libreng serbisyo ang legal na konsultasyon, notaryo, NBI at prosecutor’s clearance, payo…
Read MoreKASO NG LEPTOSPIROSIS SA QC LUMOBO
MARIING inihayag ng Quezon City government na tumaas ang mga kaso ng leptospirosis ngayon taon at umabot na sa 428 sa lungsod matapos ang nagdaang bagyo at habagat nitong nakalipas na buwan. Sinabi ni Brian Miige ng QC Epidemiology and Surveillance Department, sa kaso ng 428 na tinamaan ng leptospirosis, 35 sa mga ito ang nasawi dahil sa naturang sakit. Sa ginanap na QC Journalist Forum nitong Martes, Agosto 12, 2025, sinabi ni Miige, bukod sa kaso ng leptospirosis ay tumaas din ang mga kaso ng dengue sa lungsod. “Tumaas…
Read More8 TIMBOG SA DRUG DEN SA ROXAS CITY
ROXAS CITY – Walong drug personalities ang nahaharap sa habambuhay na pagkakakulong matapos madakip sa sinalakay na drug den na giniba ng mga operatiba ng PDEA Capiz Provincial Office at PNP RIU-PIT Capiz sa Sitio Cassandra, Barangay Punta Tabuc sa lungsod nitong nakalipas na linggo. Isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Reynaldo,” na umano’y tagapamahala ng drug den, ang nananatiling pinaghahanap. Narekober sa buy-bust operation ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Kakasuhan sila ng paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng…
Read MoreDALAGITA GINAPANG NG KAPITBAHAY
NADAKIP ang isang 44-anyos na lalaki makaraang umano’y pasukin nito sa kuwarto ang 19-anyos niyang kapitbahay at hinalay ito sa Sta. Mesa, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Agad namang nagsumbong ang biktima kasama ng kanyang ama, sa barangay officials na siyang nag-ulat ng insidente sa Sta. Mesa Police Station 8. Mabilis namang nadakip ang suspek na si alyas “Eliot”, 44-anyos, ng nagrespondeng mga pulis. Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Marebel Clarite ng Women’s Desk, bandang alas-5:30 ng madaling araw nang maalimpungatan umano ang biktima nang maramdamang may…
Read More