ONLINE REGISTRATION PLANO NG COMELEC SA SUSUNOD NA TAON

MAGPAPATUPAD ang Commission on Elections ng online registration para sa susunod na halalan para makaiwas sa dagsa ng mga magpaparehistro. Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, electronic registration ang paraan ng komisyon para makapagparehistro online ang mga botante kung may maipapasang batas para rito. Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng insidente kung saan may nahimatay o nabilad sa init ng araw dahil sa haba at dami ng voter registrants. Pero paglilinaw ni Garcia, kinakailangan pa ring magtungo sa local offices ang mga nagparehistro online upang makuhanan ng litrato at…

Read More

HIGIT 2.8M NAGPATALA SA BSKE – COMELEC

KARAMIHAN sa mga bagong nakapagpatala para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay mga kabataan, sinabi ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa halos 2.8 (2,727,643) milyon na mga nagpalista para makaboto sa BSKE, nasa 65-67% ng mga nagpatala ay mga kabataan kabilang ang mga bagong botante. Sinabi ni Garcia, pasok pa rin bilang botante ang mga nagparehistro maliban na lamang kung may reklamo laban sa kanila na ihahain sa Election Registration Board. Giit pa ng Comelec, hindi nasayang ang pagpaparehistro ng mga botante sa…

Read More

TUMAWID NA LOLA NAHAGIP NG MOTORSIKLO

NAMATAY habang isinusugod sa ospital ang isang 80-anyos na lola makaraang mabundol sa isang motorsiklo habang tumatawid sa panulukan ng Rizal Avenue at Tambunting Street, Sta. Cruz, Manila nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si “Lola Leonila”, residente ng Brgy. 206, Sta. Cruz, Manila, habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si R-Jay Besana, nasa hustong gulang, isang waiter, residente ng Valenzuela City. Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-6:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa…

Read More

REMULLA KUMPIYANSANG MABABASURA KASO SA OMB

KUMPIYANSA si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na “hinog” na ang kanyang kaso kaya dapat nang ibasura sa Office of the Ombudsman. Nauna rito, si Remulla ay isa sa mga naghain ng aplikasyon para maging susunod na Ombudsman kapalit ng nagretirong si Samuel Martires. Pero lumabas kamakailan ang ulat na disqualified o laglag ang kalihim dahil sa kinakaharap nitong reklamo na may kaugnayan sa pagpapaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pag-turnover sa International Criminal Court (ICC). Sa isang press statement, muling sinabi ni Remulla na hindi siya susuko sa…

Read More

PDEA, NAGBABALA SA PUBLIKO VS ‘TUKLAW’ CIGARETTES

MARIIN ang naging babala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa publiko hinggil sa paglaganap ng “Thuoc Lao”, locally known as “Tuklaw” cigarettes, sa mga lansangan. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, nagpalabas siya ng warning sa sigarilyong sinasabing nagsimula sa Vietnam, matapos ang isinagawang laboratory analysis ng PDEA, na tumutukoy sa mataas na presensiya ng nicotine at synthetic cannabinoid na idinisenyo para gayahin ang epekto ng marijuana subalit lubhang malakas at peligroso. “When used, “Tuklaw” smokers may experience psychotic episodes and…

Read More

DENTAL BANK RECORD POSIBLENG BUUIN PARA SA MISSING SABUNGEROS CASE- DOJ

PINAG-AARALAN ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad ng paglikha ng isang dental bank record upang makatulong sa pagkilala at pagtugma ng mga nahukay na labi mula sa Taal Lake, lalo na’t may narekober nang bungo na may panga at ilang ngipin na buo pa. “So, we will also start to look for dental records and create a dental bank record, if that’s what you call it, so that we can identify who are these people,” pahayag ni DOJ Spokesperson Mico Clavano sa isang press briefing. “We know that behind…

Read More

DOJ MAAARING GAMITIN ANG IMPORMASYON SAKALING MATUKOY NG MGA UMATRAS SA KASO NA KAANAK NILA ANG MGA LABING NAREKOBER SA TAAL LAKE

TINIYAK kahapon ng Department of Justice (DOJ) na okey pa rin gamitin ang impormasyong makukuha sakaling matukoy ng mga pamilyang umatras sa missing sabungeros case na kamag-anak nila ang mga labi para makatulong sa kaso. Ayon kay Justice Spokesperson at Assistant Secretary Mico Clavano, naniniwala ang DOJ na kahit umatras sa kaso ang ilang kaanak ng mga biktima, interesado pa rin ang mga ito sa magiging resulta ng DNA test para malaman kung sa kamag-anak nila ang mga bungo at buto na narekober sa Taal Lake. Sinabi rin ni Clavano…

Read More

PADRE DE PAMILYA NASABUGAN NG SUPER KALAN

NALAPOS ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng isang padre de pamilya makaraang sumabog ang kanilang super kalan habang nagluluto ng kanilang agahan sa Pandacan, Maynila noong Huwebes ng umaga. Ayon sa ulat, nangyari ang pagsabog sa loob ng bahay ni Aniseto R. Benito Jr., sa Barangay 871, Pandacan, Maynila. Nagresulta ang pagsabog sa matinding pagkalapnos ni Benito sa 97% ng katawan nito. Sa kabila na inabot ng sunog ng biktima, nagawa pa rin nitong isalba ang dalawa niyang anak na noo’y natutulog at isa sa mga ito ay nagkaroon…

Read More

OBRERO BINOGA NG PAMANGKIN NI MISIS

SUGATAN ang isang construction worker makaraang barilin sa hita ng pamangkin ng kanyang misis sa Brgy. 13, Tondo, Manila nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Cesar Suinan, 59, construction worker, isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center dahil sa tama ng bala sa kaliwang hita, residente ng nasabing lugar. Patuloy namang tinutugis ng mga operatiba ng Moriones Police Station 2 ng Manila Police District, ang suspek na si Jesus Yumol, 39, dating sekyu, ng naturan ding lugar, pamangkin ng misis ng biktima. Batay sa ulat ng Sector 1…

Read More