PALALAWAKIN ang benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) kung saan isasama ang junior high school students, ayon sa opisyal ng Bureau of Local Employment (BLE) sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni BLE officer-in-charge Assistant Secretary Patrick Patriwirawan, ang internship ay pinalawig ng hanggang isang taon.
Sa ngayon, sinabi ng opisyal na patuloy na ipinatutupad ng kanilang tanggapan ang GIP kung saan sa mga bagong tampok, pinalawig ang implementasyon ng mga benepisyaryo ng hanggang isang taon at maging ang junior high school na mga mag-aaral, na hindi isinama noon, ay kasama na sa pagpapatupad ng GIP.
Ang programa ay nilalayong mag-alok sa mga kabataan ng pagkakataon na magkaroon ng hands-on-experience sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa kasalukuyan, ang GIP ay may 43,658 interns ayon kay Patriwirawan.
(JOCELYN DOMENDEN)
103 