LOTTO TRIP

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari 2025. Bagong Taon. Personal ko itong kahilingan ngayong bagong taon. Sana, magkaroon ng programa ang gobyerno para makatulong sa mga mamamahayag na matatanda na at mga may sakit. Marami sa probinsya. ‘Yung magkaroon lang ng ayudang gamot, taunang medical check-ups, konting tulong pinansyal at ano pa mang porma ng pagdamay ay malaking bagay na para sa pangangailangan ng mga retiradong kasamahan. Sa aming hanay ay marami ang walang retirement pay kaya nakakaawa. Marami ang napapasok lang sa mundo ng pamamahayag dahil natripan hanggang…

Read More

ANG PAGBABALIK NI ISKO MORENO

TARGET NI KA REX CAYANONG SA muling pag-anunsyo ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng kanyang kandidatura para sa pagka-alkalde ng Maynila sa darating na 2025, nabuhay ang pag-asa ng maraming Batang Maynila. Ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research, malinaw na siya ang nangunguna sa karera, nakakuha ng 74% na suporta mula sa mga botante sa lahat ng anim na distrito ng lungsod—isang hindi matatawarang tagumpay na nagpakita ng walang kapantay na tiwala ng mga Manileño. Sa unang termino ni Moreno bilang alkalde noong 2019, ipinamalas niya ang…

Read More

3 TAON BAGO NAIBIGAY ANG BIGAS?

DPA ni BERNARD TAGUINOD ISA sa mga kalokohan ng gobyernong ito ay ang pabigas sa government employees na tatlong taon bago naibigay sa isang ahensya ng gobyerno at malamang hindi lamang sila nag-iisa. Hindi ko na babanggitin ang ahensya ng gobyerno na nitong Enero lamang natanggap ng mga empleyado ang kanilang bigas gayung noong 2022 pa raw sila pinapirma ng acknowledgement receipt. Isa sa ipinagmamalaki ng gobyernong ito ay ang pabigas sa government employees bilang tulong daw sa kanila lalo na sa mga ordinaryong manggagawa na hindi naman kalakihan ang…

Read More

BAGONG TAON, BAGONG SIMULA’T PAG-ASA

AT YOUR SERVICE Ni Ka Francis GOODBYE 2024! Welcome 2025! Sa pagpasok ng bagong taon, kasabay niyan ay bagong simula at bagong pag-asa. Kung sa nakaraang taon (2024) ay nakaranas tayo ng medyo lang na paghihirap, “God Is Good pa rin All the Time.” Hindi natin alam ang plano niya sa atin (God) ngayong 2025, at least sa pagpasok ng taong ito 2025, panibagong panimula at panibagong pag-asa. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ipagpatuloy lang natin ang ating ginagawang mabuti sa ating kapwa. Kung tayo ay negosyante, nagtatrabaho sa iba’t…

Read More

ANG SWERTE AY PINAGHIHIRAPAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO PUMASOK na ang bagong taon na sa Chinese zodiac ay Year of the Wood Snake 2025: predictions for health, wealth, work and love, plus the Wood Snake’s effect on the 5 elements of the Chinese zodiac. Sa pagpasok ng Year of the Wood Snake, ang mga ipinanganak sa Years of the Rat, Monkey, Rooster, Horse at Dragon ang mga masusuwerte ngayong 2025. Sana All! Sa ganang akin, ang suwerte ay tayo rin ang gagawa niyan, ipinanganak nga tayo sa Year of the Wood Snake, kung…

Read More

SUPORTA SA MGA PELIKULANG PILIPINO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO KAGAYA ng nagdaang holidays, isa sa mga inaabangan tuwing panahon ng kapaskuhan ang taunang Metro Manila Film Festival o MMFF. Puno ang mga sinehan lalo na’t nagiging bonding activity na ito ng mga pamilya at magkakaibigan. Hindi lamang isang selebrasyon ng sining at kultura ang MMFF, nagbibigay ito ng oportunidad at pagkakataon na kilalanin at bigyang-pugay ang galing at talento ng ating mga lokal na filmmaker, artista, at manggagawa sa industriya ng pelikula. Maganda ang line-up ng MMFF dahil tampok ang mga pelikulang hindi lamang…

Read More

SSS PREMIUM HIKE BUENA MANO SA 2025

CLICKBAIT ni JO BARLIZO ABA, hindi sinalubong ng matamis na ngiti ang buena mano ngayong taon. Sa tindahan kasi, ang buena mano o unang bumili ay may hatid na swerte sa negosyo. Sa negosyo ‘yan. Pero sa halip na ngiti – dagdag-kontribusyon na ipinatupad ng Social Security System (SSS) ang bumungad sa obrerong Pinoy. Bumulaga sa mga pribadong manggagawa ang 15 porsyentong contribution rate umpisa nitong Enero 1, 2025, base sa Social Security Act of 2018 (Republic Act No. 11199). Mas matindi at nakayayanig ito sa paputok na salubong sa…

Read More

BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA SA MAHUSAY NA LIDERATO NI GOV. HELEN TAN!

TARGET NI KA REX CAYANONG SA pagsalubong ng Bagong Taon, isang mensahe ng pag-asa at pasasalamat ang hatid ni Governor Helen Tan ng Quezon Province sa bawat pamilyang Quezonian. Sa ilalim ng kanyang mahusay na pamumuno na batay sa “Serbisyong Tunay at Natural,” walang kapantay ang malasakit at dedikasyon na kanyang ibinubuhos upang mapabuti ang buhay ng kanyang nasasakupan. Ang nagdaang taon ay nagbigay-diin sa mga makabuluhang pagbabago sa ilalim ng liderato ni Gov. Tan. Ang kanyang masinop at epektibong pamamahala ay nagresulta sa mga de-kalidad na programang pangkalusugan, serbisyong panlipunan,…

Read More

BI DEPCOM FIXER?

BISTADOR ni RUDY SIM NAGPAHAYAG kamakailan si Solicitor General Menardo Guevarra, na kung itutulak ng pamahalaan ang pagkansela sa 1,500 bilang ng mga dayuhang may kinakaharap na kasong fake Filipino, ay maaaring gumastos ang gobyerno ng aabot sa P75 million. Pero alam kaya ni Guevarra na ito’y isang ugat lamang ng korupsyon sa ating pamahalaan? Kung gagastos ang pamahalaan ng ganitong kalaking salapi ay lingid sa kaalaman ni SolGen Guevarra na tubong lugaw pa ang mga kumag na opisyales ng ating pamahalaan partikular sa Bureau of Immigration, na imbes na…

Read More