‘DEATH SQUAD’

KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari STRAIGHT from the horse’s mouth. Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa hearing sa Senado nitong Oct. 28 na siya ang utak sa mga pagpatay noong kanyang malagim na giyera laban sa ilegal droga. Itinumba ng kanyang “death squad”. Hindi na mahalaga kung pulis o gangsters ang bumubuo ng death squad. Nilinaw na niya sa publiko sa naganap na hearing sa Senado, na siya ang tanging may responsibilidad sa malawakang pagpatay na tinaguriang “extra judicial killings” o EJKs. Batay sa ulat ng pulisya,…

Read More

PAG-AKO NI EX-PRRD SA RESPONSIBILIDAD SA WAR ON DRUGS

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG ANG administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay lumikha ng matinding marka sa kasaysayan ng Pilipinas dahil sa kanyang matapang na kampanya laban sa ilegal na droga. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, isang makapangyarihang mensahe ang kanyang ipinabatid: siya ang handang umako ng buong responsibilidad sa war on drugs na kanyang isinulong noong siya ang pangulo. Ipinahayag niya na ang kanyang pangunahing layunin ay protektahan ang sambayanang Pilipino mula sa banta ng droga—isang banta na unti-unting sumisira sa kinabukasan ng bansa. Ang…

Read More

RAPIDO NI TULFO

RAPIDO NI TULFO (Sa mga tumatangkilik sa Rapido ni Tulfo, pansamantalang hindi ninyo matutunghayan ang kanyang column. Mag-antabay lamang sa kanyang pagbabalik – Patnugot) o0o IPINAAABOT ng Saksi Ngayon ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya Tulfo sa pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na si Ramon Enrique. Dasal namin ang katatagan ng buong pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati at pangungulila.   298

Read More

KALOKOHAN NA ANG FLOOD CONTROL PROJECTS

DPA ni BERNARD TAGUINOD KAILANGANG itigil na ang flood control projects ng gobyerno na ginagastusan ng taxpayers ng isang bilyong piso kada araw, dahil isa nang kalokohan ang mga proyektong ito na mistulang pork barrel na lang ng mga politiko. Kung talagang epektib ang mga proyektong ito, hindi lalala ang mga pagbaha sa kahit saang lugar sa bansa tulad ng Bicol Region, Batangas, Cavite at Metro Manila na napakalaki ang pondong inilalaan dito taon-taon. Nagpapalusot ang ilang kongresista na kesyo ibinuhos ng bagyong Kristine sa loob lamang ng ilang araw…

Read More

NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA

At Your Service Ni Ka Francis BAGAMA’T may mga salawikain tayo na ating nagiging gabay sa paglalakbay sa buhay, ay hindi maaaring iasa na lang natin dito ang ating magiging kinabukasan. Isa sa mga salawikaing ito ay ang “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”. Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din nating pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang minimithing biyaya. Sa aking pagkakaunawa, kailangan nating kumilos at magtrabaho upang magkaroon ng makakain ang ating pamilya. Walang darating na biyaya sa ating…

Read More

NASAAN ANG PONDO PARA SA SILID-ARALAN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NASA gitna ng krisis ang sektor ng edukasyon sa bansa, sa kakulangan ng mga silid-aralan, nakagugulat na makita kung paanong hindi wasto ang paggamit sa pondo ng gobyerno. Ayon sa mga ulat, inamin ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang kakulangan ng pondo para tugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan sa buong bansa— isang seryosong isyu na ilang dekada nang nagpapahirap sa bansa. Ngunit sa gitna ng problemang ito, naging kontrobersyal ang paggamit ni Bise Presidente at dating DepEd Secretary Sara Duterte sa…

Read More

KAILANGANG MAGING MAS HANDA SA HINAHARAP

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NITONG nakaraang linggo, pumasok na naman ang isang bagyo sa bansa. Nakababahala ang mga post sa social media, na nagsimula nang bumungad ang matinding epekto ng Bagyong Kristine sa Bicol at marami pang bahagi ng Calabarzon na naapektuhan nito. Ayon sa datos ng National Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umabot sa mahigit 40 ang kumpirmadong nasawi at libu-libo ang nawalan ng tahanan at kabuhayan. Nagdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, at pagkasira ng imprastruktura ang bagyo. Pero sa gitna nito, muling ipinakita ng…

Read More

PAARALAN DAMAY SA PAMUMULITIKA?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO AMOY eleksyon na nga kasi talamak na raw ang pamumulitika ng ilang kandidato ngayon pa lang. Tulad nitong isang tumatakbo sa pagkakongresista sa isang siyudad sa Metro Manila. Ang tsika, pati nananahimik na pampublikong paaralan sa siyudad ay dinamay pa nitong kandidato na itago natin sa tawag na Mr. K. Ipinarating sa akin ng isang source na nais daw ni Mr. K na gawin ang isa niyang programa sa gym ng isang paaralan ng lungsod. Noong una, tumanggi umano ang principal dahil alam nito na kandidato…

Read More

TULONG NINA MAYOR MAX, VM BIEN AT CONG. ARJO SA KANILANG MGA NASASAKUPAN

TARGET NI KA REX CAYANONG MASASABING ang makabayang diwa ng ating mga kababayan ay nananatiling buhay at maalab sa kanilang walang sawang pagtulong sa komunidad, lalo na ang ating mga lingkod-bayan. Kamakailan, pinangunahan nina Paniqui, Tarlac Mayor Leonardo “Max” Roxas at Vice Mayor Aida “Bien” Roxas ang isang pagtitipon, kasama sina dating Vice Governor Bogs Aganon, Konsehal Win Corpuz ng Camiling, at Konsehal Dagul Felix ng San Manuel, upang ipamahagi ang mga uniporme para sa mga miyembro ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program sa kanilang bayan. Sa simpleng…

Read More