TARGET ni KA REX CAYANONG MISTULANG napipi daw sa pagkabigla si Silang, Cavite Mayor Kevin Anarna matapos matanggap ang balitang mayroon siyang suspension order mula sa Office of the Ombudsman kaugnay sa isang maliit na halagang transaksyon. “Kami, kasama ang lokal na pamahalaan ng Silang, ay patuloy na nakatuon sa pagseserbisyo sa aming mga mamamayan. Ngunit, ang pagpapataw ng ganitong uri ng suspension ay tila labis at hindi naaayon sa tunay na kalagayan ng aming serbisyo,” ani Anarna. “Ang aming pinapakita sa aming mga gawa at salita ay nagpapatunay ng…
Read MoreCategory: OPINYON
PASENSYA AT PAGTITIPID KAILANGAN TALAGA NGAYONG TAG-INIT
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kasagsagan ng kasalukuyan nating nararanasang matinding init dahil sa panahon, sunud-sunod pa rin ang ibang suliranin na patuloy na kinahaharap ng napakaraming Pilipino. Sa kabila nang pagsuspinde ng klase ng ating mga mag-aaral dahil sa mapanganib na heat index sa iba’t ibang bahagi ng bansa, tila hindi naman nabawasan ang napakatinding trapik sa Metro Manila. Damang-dama ko ito noong nakaraang linggo dahil ang tipikal na byahe, halos nag-doble ang tagal. Kung nagmamaneho ka, ang dami mo na sanang nagawa kung wala ka sa likod…
Read MorePASAYAWIN SA ULAN SI DOE SEC. LOTILLA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MARAMING diskarteng ginagawa ang mga Pilipino para maapula ang nararamdaman init. Kahit anong taktika, sumisirit pa rin ang heat index. Pero ang mas nagpapainit ay ang mga sala sa lamig, sala sa init, kontradiksyon at mababaw o walang maayos na pahayag ng ilang may mataas na posisyon sa gobyerno na nagpapa-alburuto sa katinuan ng mamamayan. Gaya nitong kalihim ng Department of Energy (DOE) na ang sagot sa pagkalampag ng isang senador sa sitwasyon ng kuryente sa bansa ay handa siyang mag-rain dance para dumating ang mga…
Read MorePAG-IRAL NG 4-DAY WORK WEEK DAPAT PABOR SA LAHAT
EDITORIAL SUMINGAW ang panukalang 4-day work week dahil sa matinding init ng panahon. Ang mataas na temperatura, na dinagdagan pa ng malalang trapiko, manipis na reserbang kuryente, ay nakatutuyong isyu na hinahanapan ng mga solusyon upang maibsan ang nararamdaman init ng mamamayan. Malugod na tinanggap ito ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), ngunit hindi raw dapat obligahin ang mga employer, at mas makabubuting hayaan ang mga kumpanya na gumawa ng sarili nilang panuntunan. Ayon sa ECOP, may epekto sa ekonomiya ang 4-day work week dahil posibleng hindi sumang-ayon ang…
Read MoreMAALIW SA GITNA NG NAKAYAYAMOT NA INIT
CLICKBAIT ni JO BARLIZO GRABE na ang init. Kung may masisilungan na magbibigay ng kahit panandaliang ginhawa ay humayo na. Iwasan ang heat cramps, heat exhaustion at ang malala – ang heat stroke. Kaso nga lang, lalong iinit ang katawan, kasama na ang utak, dahil sa manaka-nakang brownout dulot ng numipis na reserbang kuryente. Ito ang medyo pampakalma ng init. Pati pala size ng itlog apektado ng mainit na panahon. Pero hindi lang itlog ha, maging kamatis ay nabansot daw sa ilang lugar na pineperwisyo ng El Niño. Dahil sa…
Read MoreMEDICAL DEVICE DISTRIBUTION NG PCSO
TARGET ni KA REX CAYANONG NAMAHAGI ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng iba’t ibang medical device sa mga residente ng Pampanga, Rizal, at Laguna, na nagpapakita ng kanilang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng kalusugan ng mga Pilipino. Sa personal na pag-abot ni PCSO General Manager Melquiades Robles ng 50 wheelchair, 50 nebulizer, 50 glucometer, at 50 BP apparatus kay Pinuno Party-list Representative Ivan Howard Guintu kamakailan sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City, ay ipinakita nila ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan. Nagpahayag ng pasasalamat si…
Read MoreMASAMANG IMAHE KASAMANG BURAHIN SA PNP
CLICKBAIT ni JO BARLIZO DAPAT bang ipabura ng mga pulis ang mga visible nilang tattoo? Magandang pag-usapan ang paksang ito. Pinabubura na kasi ng Philippine National Police (PNP) ang mga nakikitang tattoo ng mga pulis dahil bahagi raw ng kanilang sinumpaang tungkulin ang panatilihing malinis ang kanilang imahe. Hindi na rin tatanggap ang PNP ng mga aplikante na may tattoo kahit pa hindi ito nakikita, ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo. Sa PNP Memorandum Circular 2024-023 na ipinasa nitong Marso, marapat na ideklara ng mga pulis ang kanilang tattoo…
Read MoreNASAAN NA ANG NAKUMPISKANG KAHOY NG DENR?
DPA ni BERNARD TAGUINOD NAPAKA-EPEKTIBONG pananggalang sa init ang mga punongkahoy sa mga probinsya, nasa ilalim ng mga puno ang mga tao kapag masyadong mainit na ang sikat ng araw lalo ngayong panahon ng El Niño. Kahit sa loob kasi ng mga kabahayan ay masyadong mainit lalo na ‘yung mga wala pang kisame kaya ang naglalagay sila ng mga duyan o kaya papag sa ilalim ng malalagong mga puno dahil mas malamig-lamig doon. Ang napapansin ko, ‘yung mga lugar kung saan naitatala ang pinakamainit na heat index ay walang mga…
Read MoreLEKSYON MUNA, BAGO AKSYON
PUNA ni JOEL O. AMONGO WALA sigurong kahit sino na nagpa-park sa mga lugar na may kaukulang kabayaran, ang hindi naiinis dahil sa nakasaad na mga kataga o disclaimer na hindi raw responsibilidad ng may-ari ng parking space kung may mangyari o may mawala sa nakaparadang sasakyan. Hindi na rin bago kung makabasa tayo ng mga salitang katulad ng “park at your own risk”, samantalang tayo naman ay nagbabayad. Ang nangyaring sunog noong Lunes, Abril 22, sa paradahan sa harap ng NAIA T3 ay isang matibay na halimbawa upang matiyak…
Read More