THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO LAMAN ng balita nitong mga nakaraang araw ang mapanganib na heat index na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Babala pa nga ng PAGASA, mas titindi pa ito sa mga paparating na araw. Sigurado, kanya-kanya nang diskarte kung paano malalabanan ang matinding init at sa puntong ito, siguro naman alam na nating lahat ang kahalagahan na maging maingat lalo na’t wala naman tayo talagang kontrol sa panahon Kapag ganitong panahon, mapapadalas ang paggamit natin ng cooling appliances kagaya ng mga aircon at electric fan.…
Read MoreCategory: OPINYON
VISA UPON ARRIVAL DAPAT IMBESTIGAHAN
BISTADOR ni RUDY SIM MATAPOS na isiwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaugnay sa secret agreement umano ng nakaraang administrasyon sa China, ay planong imbestigahan ng pamahalaan ang dahilan ng paglobo ng bilang ng Chinese nationals sa bansa. Isa sa titingnan umano, ayon sa ating source, ay kung nagkaroon ng katiwalian ang dating namumuno sa Bureau of Immigration (BI) na si Commissioner Jaime Morente, sa pagpapasok ng mga Chinese gamit ang Visa Upon Arrival (VUA) na proyekto noon ng Department of Tourism (DOT). Namayagpag noon ang ilang tiwaling…
Read MoreTEAM DOK G, TULOY-TULOY SA PAGTULONG SA KOMUNIDAD
TARGET ni KA REX CAYANONG MALASAKIT at pagmamahal sa kapwa ang patuloy na ipinamamalas ng #TeamDOKG ni Coun. Dra. Geleen “Dok G” Lumbad ng 3rd District, Quezon City. Kamakailan, pinangunahan niya ang isinagawang Medical Mission ng Augustinians of the Assumption sa Varsity Hills, Brgy. Loyola Heights. Sa pangunguna ng grupo, nagtungo sila sa nasabing lugar na bitbit ang libreng snacks at nagdala rin ng libreng gamot upang ipamahagi sa mga dumalo. Sa pagkakaloob ng mga serbisyo at tulong medikal, hindi lamang ang pangangailangan sa pisikal na kalusugan ang tinugunan ng #TeamDOKG…
Read MoreHINDI PINAGHANDAAN ANG EL NIÑO
DPA ni BERNARD TAGUINOD BUKONG-BUKO ang gobyerno na hindi talaga pinaghandaan ang El Niño phenomenon kaya nagdurusa ngayon ang taumbayan dahil dagdag pahirap sa kanila ang mataas na presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain dahil sa kakulangan ng supply, at ang delikadong init ng araw. Hindi naman biglang bumulaga na lamang ang El Niño na ito dahil ilang taon na itong ibinabala ng mga eksperto at nagrekomenda ng mga solusyon upang maibsan ang epekto nito lalo na sa agrikultura at supply ng pagkain. Kabilang sa mga rekomendasyon ng…
Read MoreWORLD WAR III NALALAPIT NA NGA BA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO HUDYAT na kaya na magkakaroon ng World War III ang patuloy na pagdami ng mga bansa sa buong mundo na nagkakaroon ng giyera. Hindi pa man natatapos ang sigalot sa pagitan ng Hamas sa Gaza at Israel ay muli na namang napipinto ang giyera ng Israel laban sa Iran. Kamakailan ay pinaulanan ng mga raket ng Iran ang tinaguriang Holy Land na kung tawagin sa Biblia ay chosen people. Base sa ating natanggap na impormasyon, ang dahilan ng pambobomba ng Iran sa Israel ay ang…
Read MoreANG KAUGALIANG PINOY NA KINAGIGILIWAN NG IBANG LAHI
At Your Service Ni Ka Francis ANO nga ba ang Kaugaliang Pinoy na kadalasang ‘yan ang nagugustuhan sa atin ng ibang lahi? Ang kakaibang kaugalian ng mga Pilipino na kinagigiliwan ng ibang lahi sa buong mundo ay ang pagiging malinis, maalalahanin, mapagmahal sa kahit anong lahi, matiisin at mapagmahal sa pamilya. Isa sa mga bansang kumikilala sa kagandahang ugali ng mga Pilipino ay ang United Arab Emirates (UAE) partikular ang Dubai City na kung saan kadalasan ipinakikita sa pamamagitan ng ilaw ang Philippine Flag sa pinakamataas na gusaling Burj Khalifa.…
Read MoreNILINAW NI ARTES ANG PABUYA NI CHAVIT SA MMDA ENFORCERS
MY POINT OF BREW ni JERA SISON UY! Hindi lang pala P100K ang nais na ibigay na pabuya para sa MMDA traffic enforcers na humuli sa sasakyan ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na lumabag umano sa paggamit ng EDSA bus lane. Dinoble ng bilyonaryong politiko at ginawa itong P200K! Huwaw!!! Aba’y kung totoo naman ito, tila nagmistulang Christmas bonus ito para sa maalinsangan at mainit na panahon sa tag-init sa mga makatatanggap nito. Sanaol. Pero teka, mariin na nilinaw ni MMDA Chairman Don Artes na bagama’t taos-puso ang…
Read MorePLASTIKAN 101
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TULOY ang trabaho at hindi apektado ang relasyon nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte-Carpio sa ‘bad shot’ comment ng maybahay ni PBBM sa huli. Iyan daw ang ibig sabihin ng magkasamang pagdalo ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa sa 45th PNPA Commencement Exercises sa Camp Gen. Mariano Castañeda, Silang, Cavite nitong Biyernes. ‘Di kami pinanganak kahapon, sabi ng netizens. Halata naman daw nagplastikan lang ang dalawa kahit pa nagbeso-beso sila. Mainit na pinag-usapan at hinimay sa social media ang pahayag ni…
Read MoreSINA MAYOR CHOLO AT GOVERNOR FERNANDO
TARGET ni KA REX CAYANONG ANG kamakailang Ceremonial Transplanting sa Hacienda Angelita Nature Farm Training and Assessment Center, Inc., sa Brgy. Capihan, San Rafael, Bulacan, ay nagpapakita ng maigting na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na mapabuti ang mga pamamaraan sa pagsasaka. Sa pagpapakilala ng iba’t ibang uri ng gulay mula sa mga kumpanya ng binhi sa mga lokal na magsasaka, kasama ang modernong mga teknik at teknolohiya, sina San Rafael Mayor Cholo Violago at Bulacan Governor Daniel Fernando ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng ani at kabuhayan ng ating mga…
Read More