SUKO NA, TIME-OUT MUNA!

SUKO NA, TIME-OUT MUNA!   NANUMBALIK sa aking alala ang mga nakagawian nuong ako ay bata pa. Kailangan mo lamang sumigaw ng Suko Na, Time-Out Munan kung ikaw ay talagang pagod na sa paglalaro ng habulan o patintero. Kasunod nito ay sasalampak na kami sa bangketa para magplano ng panibagong laro na hindi naman nakakapagod. Ganito na rin marahil ang nararamdaman ng ating mga doktor at iba pang health workers kung kaya sila ay nanawagan sa ating gobyerno na time-out muna at muling pagplanuhan ang epektibong pamamaraan sa problemang kinakaharap…

Read More

PAGTUTULUNGAN NAPAKAHALAGA SA PANAHON NG PANDEMYA

LUBOS tayong nagpapasalamat sa mga ginagawang hakbang ng tagapamahala ng mga bilangguan sa bansa na ma-decongest ang mga siksikang bilangguan na ha ngaring maibsan ang pagkalat ng COVID-19, dahil sa kasalu kuyan ay mahi git kumulang 22,000 mga bilanggo na ang kanilang ini-release o napalaya. Nauna nang inanunsyo ng DILG na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nakapag-release ng 21,858 persons deprived of liberty mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa 470 jail facilities sa buong bansa. Pinasasalamatan natin ang ginagawang hakbang ng BJMP at DILG upang…

Read More

FRONTLINERS NAMAN ANG TULUNGAN

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA PILIPINAS na at hindi na China ang nangunguna sa Asya na may pinakamaraming positibong kaso ng COVID-19. Pagpasok ng Agosto, lampas 90,000 na ang bilang ng mga nahawaang Pilipino, at pumalo pa sa record na halos 5,000 ang naitala sa isang araw lang. Sigaw ng medical community, awat na, time-out muna, kailangan naman daw nila magpahinga, kaya’t nananawagan sila na ilagay muli ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), nang makabawi pansamantala sa walang tigil na pagdami ng mga pasyente dahil sa COVID-19. Kritikal…

Read More

MATAGAL NANG NAPAKABAGAL NG SMART

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA   ISA sa mga isyung binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ay ang pagsasaayos ng serbisyo ng mga kumpanya sa industriya ng impormasyon at telekomuniskasyon. Binalaan pa nga ni Duterte ang mga ito na kukunin ng pamahalaan ang kontrol nito kapag hindi nila inayos ang kanilang serbisyo bago matapos ang taong kasalukuyan. Tama ito! Dapat lang mawala na sa kontrol ng mga oligarko ang mga kumpanyang telekomuniskasyon, sapagkat napakapalpak talaga ng serbisyo nila. Alam kong alam na…

Read More

BAWAT PINOY MAY UTANG NA 83K

DPA Ni BERNARD TAGUINOD   SUMARGO na sa P8.89 trillion ang utang ng Pilipinas sa loob at labas ng bansa kaya kung paghahatian ito ng 108 million Filipino, ang utang ng bawat isa sa atin ay P83,238.35. Inaasahan na palaki pa ng palaki ang utang na ito dahil patuloy na nangungutang ang gobyerno para tustusan ang pangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya kaya lolobo din ang utang ng bawat isa sa atin. Dahil din sa covid-19 na ito, umaabot sa P1.1 Trillion ang nautang ng ating gobyerno sa nakararaang 5…

Read More

RENATO REYES WALANG KREDIBILIDAD

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA   NAPANOOD ko sa telebisyon ang kilos-protesta ng mga progresibo at kaliwang organisasyon laban sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Makabuluhan ang mga isyung inilabas ng mga sumama sa pagkilos dahil mga bagong ‘maiinit na isyu’ ang tinutulan nila tulad ng Anti-Terrorism Act of 2020, prangkisa ng ABS-CBN Corporation dahil sa mga manggagawa nito na nawalan ng trabaho, palpak na aksiyon ng pamahalaan laban sa coronavirus disease 2019 at iba pa. Kahit mayroong banta ang pinuno ng National Capital…

Read More

SA TULONG NG PUNA: LABORERS NG CHINESE CONTRACTOR INAYUDAHAN NI TAYTAY MAYOR GACULA

PUNA Ni JOEL AMONGO BAGAMAT hindi nakaharap ng PUNA at nang kasama nating walong (8) laborers ng Quingdao Municipal Construction Group Co. Ltd noong Lunes (July 27) ay nag-iwan naman si Taytay Mayor Joric Gacula ng ayuda para sa mga kinawawang manggagawa ng kumpanya. Kahit paano ay may pamatid gutom ang lahi ni Juan. Ika nga nila may pambili na sila ng bigas at ulam habang nananatili sa kanilang barracks na matatagpuan sa B68 Ph3, Brgy. San Juan, San Lorenzo Ruiz, Taytay, Rizal. Pero ang problema ngayon, nang malaman ni…

Read More

MAG-INGAT PARA MAIWASAN ANG PROSESO SA PAGPAPAUWI NG BANGKAY

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP UNTI-unti nang bumabalik sa normal ang buhay ng mga OFW ng ilang bansa sa Gitnang Silangan. Kabilang rito ang bansang Kuwait at Saudi Arabia na kung saan ay muling binuksan ang mga lugar na isinailalim sa total lockdown. Nagbukas na rin muli ang mga malls at maging ang transportasyon. Damang-dama ang kaligayahan ng mga OFW sa tila bagong kalayaan na kanilang nararanasan. Ngunit dapat alalahanin ng ating mga kabayani na bagaman hinahayaan ng ilang bansa ang makapamasyal o makipaghalubilo, ay dapat pa rin na…

Read More

KAILANGANG IPASA NA ANG MUNGKAHING DEATH PENALTY LAW

BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA PALAGI namang nakagu­gulat ang mga ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte tuwing State of the Nation Address (SONA) nito. Kaya, walang dapat ipagtaka sa kanyang mga pahayag. Biruin n’yo, nitong ikalimang SONA niya ay binira si Senador Franklin Drilon dahil kinampihan ng mambabatas ang mga Lopez. Siguro, nahimasmasan si Drilon habang mataimtim na nakikinig na animo’y natutulog nang banggitin ni Duterte ang apelyidong “Drilon”. Bahagi pala si Drilon ng “state of the nation?” Pokaragat na ‘yan! Binanggit din si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at ang…

Read More