DOH NAALARMA SA BANTA SA KALUSUGAN NG BULKANG KANLAON

NAALARMA ang Department of Health (DOH) sa potensyal na mga banta sa kalusugan ng publiko kasunod ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental. Tinukoy ng DOH, kabilang dito ang respiratory illnesses dahil maaaring magdulot ng iritasyon sa respiratory tract ang abo mula sa bulkan lalo na sa mga indibidwal na may pre-existing conditions tulad ng asthma, chronic obstructive pulmonary disease o kahalintulad na mga sakit. Maaari ring makaranas ng iritasyon sa mata dahil maaaring magdulot ang ash particles ng pamumula, pangangati at pananakit ng mata. Pinag-iingat din ng ahensya…

Read More

FORCE EVACUATION IPINATUPAD SA PAGSABOG NG BULKANG KANLAON

INUTOS kahapon ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro ang pagbuo ng isang task force sa siyang mangangasiwa sa sitwasyon sa Region 6 at 7 bunsod ng pinangangambahang pagsabog ng Bulkang Kanlaon. Kasabay ito sa isinasagawang force evacuation para sa 54,000 katao na naninirahan sa loob ng 4 to 6-kilometer danger zone sa paligid ng Mt. Kanlaon. Inihayag din ng kalihim na maging ang Armed Forces of the Philippines ay pinakilos na rin sa ilalim ng Task Force Kanlaon, habang pinapunta na rin si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa area. Nabatid…

Read More

SIKLISTA, PUTOL KANANG KAMAY SA KARAMBOLA NG SASAKYAN

CAVITE – Putol ang kanang kamay ng isang siklista nang maipit sa insidente ng karambola ng limang sasakyan makaraang mawalan ng preno ang isang pampasaherong baby bus sa bayan ng Noveleta sa lalawigan nitong Martes ng umaga. Unang isinugod sa St. Martin Hospital sa Noveleta, Cavite subalit inilipat sa Orthopedic Hospital ang biktimang si Gerard Giron, 25, ng Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite. Kabilang sa mga nasira ang tricycle na minamaneho ni Nicolas Baja Jr., 62; minamanehong tricycle ni Ronnie Regino, 35; at Saint Anthony Transport Bus na may plakang…

Read More

LGU OFFICIALS SA DAVAO INIUUGNAY SA POGO

PINASISILIP ng isang mambabatas sa Quad committee ang posibleng pagkakasangkot ng mga local government official sa Davao del Norte sa operasyon ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa nasabing lalawigan. Itinulak ito ni Davao del Norte Rep. Alan Dujali matapos salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) Region XI ang POGO hub sa Barangay Manay, Panabo City, noong December 6, kung saan 59 POGO workers ang naaresto. “A resolution to direct the appropriate House Committee to immediately conduct an inquiry, in aid of legislation, on the alleged involvement…

Read More

P152-M PEKENG CROCS NAKUMPISKA

TINATAYANG nasa P152 milyong ang halaga ang nasamsam na counterfeit footwear ng mga tauhan ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group, sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat ng PNP-CIDG, nasa mahigit 45,000 pares ng counterfeit footwear na tinatayang aabot sa P152 milyong halaga, ang nakumpiska sa isang Chinese-operated manufacturing facility sa Pampanga. Armado ng ilang search warrant, inilunsad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Pampanga Field Unit ang “Oplan Megashopper” sa Global Aseana Business Park 2 sa bayan ng San Simon. Target ng police operation ang…

Read More

KANLAON VOLCANO PUMUTOK, ALERT LEVEL 3 ITINAAS NG PHIVOLCS

AGAD na ipinag-utos ang paglilikas sa lahat ng mga residenteng naninirahan sa loob ng 6-kilometer danger zone matapos ang naitalang pagputok kahapon ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island. Itinaas din ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa alert level 3 ang bulkan kasunod ng pagputok nito bandang alas-3:00 ng hapon nitong Lunes. “The 3 p.m. eruption produced a voluminous plume that rapidly rose to 3,000 meters,” ayon sa Phivolcs. Naitala ang pyroclastic density currents (PDCs) o hot, ground-hugging flows ng bao at volcanic debris na dumausdos sa timog-silangang…

Read More

P21.6-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT

TINATAYANG aabot sa P21.6 million ang halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes na nasabat sa inilunsad na joint law enforcement operation ng Bureau of Customs at Philippine National Police sa bayan ng Pio Duran sa lalawigan ng Albay. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, kahon-kahon ng mga undocumented na sigarilyo ang nasamsam ng kanilang mga tauhan katuwang ang iba pang mga law enforcement agencies, sakay ng isang motor banca dagat saklaw sa bayan ng Pio Duran. Bukod sa kontrabando ay dinakip din ng Aduana katuwang…

Read More

KASO NG PINASLANG NA BFAR OFFICIAL PINATUTUKAN NG PNP

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na tutukan ang kaso ng pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Davao del Norte. Nilikida ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima na kinilalang si Karen Candilosas, isang senior aquaculturist ng BFAR National Mariculture Center sa Panabo City ng nasabing lalawigan. Target naman ng manhunt operation ang hindi pa nakikilalang suspek na sinasabing bumaril sa biktima habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa Purok Marang sa Barangay Cagangohan, Panabo City kamakalawa ng umaga. Lumitaw sa inisyal…

Read More

OPISINA NG SIMBAHAN SINALAKAY NG KAWATAN

QUEZON – Tinangay ng hindi nakilalang kawatan ang mahigit P300,000 cash at $800 US dollars mula sa accounting office ng Gumaca Pastoral Formation Center sa Barangay Rosario, sa bayan ng Gumaca sa lalawigan noong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon, natuklasan ng dalawang accounting clerk ang insidente nang pumasok sila sa opisina bandang alas-8:00 ng umaga at nadiskubre na bukas na ang kanilang mga locker. Batay sa CCTV footage, bandang alas-12:44 ng madaling araw nang makitang pumasok ang suspek sa pamamagitan ng pagsira sa grills ng comfort room at…

Read More