SOUTHERN LEYTE – Sugatan ang driver at ang pahinante ng isang delivery wing van na nahulog sa bangin sa bayan ng Pintuyan sa lalawigan dakong alas-12:00 ng tanghali noong Biyernes. Naipit ang driver sa loob ng cab ng van na nawasak ang bubong at nabasag ang salamin. Nakatalon naman ang pahinante bago nahulog sa bangin ang truck ngunit grabe ring nasugatan makaraang bumagsak sa kalsada, habang nagkalat sa kalsada ang tumilapong dry goods na karga ng van. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa direksyon ng kasunod na bayan ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 HVIs NA TULAK KULONG SA P714K SHABU
CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang P714,000 halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City, nitong Linggo ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police ang suspek na sina alyas “Tol” at “Leonard”. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 kahapon ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station, Drug Enforcement Unit (DEU) sa…
Read More4 HVIs NASILO SA BULACAN
BULACAN – Apat na itinituring na high value individuals ang naaresto ng mga mga operatiba sa bayan ng Pulilan sa lalawigan noong Huwebes, Disyembre 5. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng PIU/PDEU Bulacan PPO at Pulilan Municipal Police Station sa Barangay Tibag ng nasabing bayan na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na mga suspek. Kinilala ni Bulacan Police director, PCol. Satur Ediong ang inarestong mga suspek na sina alyas “Jonjon”, 40; “TJ”, 32; “Jeff Punk”, 38, at “Ratboo”, 20-anyos. Nakumpiska…
Read MoreMISIS NAKIPAGTAGAYAN SA BAYAW, KAIBIGAN; MISTER NANAGA
QUEZON – Dalawang lalaki ang sugatan matapos tagain ng kapatid ng isa sa mga biktima nang makipag-inuman ang mga ito sa misis ng suspek sa Tayabas City. Kinilala ng Quezon Provincial Police Office ang mga biktimang sina Jeffrey Reyes, 37, kapatid ng suspek, at Arnold Villapando, 42, parehong residente ng Barangay Silangang Palale. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Marvin”, 32-anyos, mabilis na tumakas makaraan ang pananaga. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-8:00 noong Huwebes gabi, ang mga biktima, kasama ang misis ng suspek, ay nag-inuman. Ngunit…
Read MorePNP VEHICLE BUMANGGA SA PUNO, PULIS SUGATAN
QUEZON – Malubhang nasugatan ang isang babaeng pulis nang ang sinasakyang service vehicle, kasama ang 3 pang kapwa pulis, ay bumangga sa isang puno sa gilid ng highway sa Buenavista-Catanauan Road sa Barangay San Roque, sa bayan ng Catanauan sa lalawigan noong Huwebes ng gabi. Ayon sa report ng Quezon PNP, nawalan ng kontrol sa kanilang sasakyan na Toyota Revo ang nagmamanehong isa ring pulis, sa palusong at kurbadang bahagi ng highway na nagresulta sa aksidente dakong alas-7:00 ng gabi. Grabeng napinsala ang katawan ni PSSg. Mira De Pasion Loren,…
Read MoreATE PATAY SA SAKSAK NI UTOL
CAVITE – Patay ang isang 32-anyos na babae makaraang pagsasaksakin ng nakababatang kapatid na lalaki sa bayan ng Amadeo sa lalawigan noong Huwebes ng hapon. Isinugod sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Ruth Marquez y Javier, 32, may asawa, ng Brgy. Banaybanay, Amadeo, Cavite subalit idineklarang dead on arrival. Pinaghahanap naman ang nakababatang kapatid na suspek na si alyas “Ruel”, binata, isang construction worker, na tumakas matapos ang pananaksak. Ayon sa ulat, matagal na umanong may kinikimkim na galit ang magkapatid at nang muling nagkaharap ay nauwi ang…
Read MoreGAMER MINARDER SA COMPUTER SHOP
ANTIPOLO CITY – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang computer shop sa Antipolo City noong Miyerkoles. Kinilala ang biktimang si Biboy Montallana, alyas “Ace Dela Cruz”. Ayon imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, bandang ala-una ng hapon, naglalaro ang biktima ng online scatter game sa isang computer shop sa Sitio Taguisan 1, Barangay Bagong Nayon 1, nang biglang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at ito ay pinagbabaril. Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek na naglakad lamang palabas ng shop dala…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL NG CAR SELLER
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa pamamaril ng isang car seller sa dalawang indibidwal na nagresulta sa kamatayan ng isa sa mga biktima sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng gabi. Dead on the spot ang biktimang si Edzcel Lumboy, 46, may asawa, ng Brgy. San Lorenzo, Sta. Rosa, Laguna habang isinugod naman sa Asia Medic Hospital ang kasama nitong si alyas “Jackelou”, 44-anyos. Kinilala ang suspek na alyas si “Elmer”, isang ahente umano ng sasakyan, na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa salaysay ni Jackelou, nakipagtransaksiyon…
Read More5 SUGATAN SA NAG-CRASH NA NAVY CHOPPER
KINUMPIRMA ng Philippine Navy na nag-crash land ang isa nilang Agusta Westland AW-109 nitong Huwebes ng umaga sa Sangley Airport sa Cavite habang nagsasagawa ng training and maintenance flight. Ayon kay Commander John Percie Alcos, tagapagsalita ng Philippine Navy, bandang alas-10:18 ng umaga ng mag-crash ang kanilang Naval Helicopter NH432 sa Sangley Aerodrome. “This is to confirm that one of our AW-109s crashed early this morning (kahapon) around 10:18 a.m. at the Sangley Airport,” ani Navy Public Affair Office chief. Sugatan subalit nasa maayos nang kalagayan ang dalawang piloto nito…
Read More