CHINESE KIDNAP VICTIM NATAGPUANG PATAY

CAVITE – Isang bangkay ng hinihinalang Chinese national na biktima ng kidnapping, ang natagpuan sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi. Inilarawan ang biktima na nakasuot ng maong pants, walang damit pang-itaas, tinatayang 30 hanggang 40-anyos, nakabalot sa duct tape ang ulo at may mga sugat sa leeg at kamay. Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang nadiskubre ng mga estudyante ng POTC ARESCOM ang bangkay ng biktima sa isang madamong bahagi ng lote sa Sta. Lucia Realty Development, Saddle and Club Leisure Park sa…

Read More

DRUM NA MAY LAMANG WAR MATERIALS, NAHUKAY

CAMARINES SUR – Nahukay ng pinag-isang pwersa ng 22nd Infantry Battalion at ng Philippine National Police (PNP) ang isang drum na may lamang mga maka-teroristang kagamitan sa Barangay Calmayon, Juban, Sorsogon. Kasunod ito ng pagsuko ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad kahapon, na kinilala sa alyas na “Ka Gohan” (dating miyembro ng Platoon 1, L2, KP3) at isinuko ang isang kalibre .38 na revolver. Mismong si Ka Gohan ang nagturo sa pinagtataguan ng nasabing maka-teroristang kagamitan kung saan nadiskubre ang isang drum na naglalaman ng…

Read More

Habang naka-video call SINGAPOREAN NATIONAL NAHULOG MULA 5TH FLOOR

CAVITE – Hinihinalang nawalan ng panimbang kaya nahulog mula sa 5th floor ng isang hotel ang isang 23-anyos na Singaporean national habang nakikipag-video call sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa De La salle University Medical Center ang biktimang si Angel Tun, dalaga, isang freelancer, at pansamantalang nanunuluyan sa Spring Plaza Hotel sa Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City, dahil sa mga sugat sa katawan.  Ayon sa salaysay ng isang saksi sa pulisya, dakong alas-7:42 ng gabi nang mangyari ang insidente sa 5th floor ng Spring Plaza Hotel sa nasabing lugar.…

Read More

35 INDIBIDWAL ARESTADO SA ANTI-CRIME OPS

CAVITE – Umabot sa 35 indibidwal ang arestado sa ikinasang daily anti-criminality operations sa lalawigang ito. Ayon sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/Col. Christopher F. Olazo, Provincial Director, Cavite PPO, lima ang inaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operations na nagresulta sa pagkumpiska ng 15 sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. Sa kampanya sa ilegal na sugal, 26 ang inaresto sa aktong naglalaro ng cara y cruz, mahjong, tong-its, at sakla. Naaresto naman ng Tanza Police Station ang rank no.1, municipal level suspect na si Joel Mehila y…

Read More

LALAKI TODAS SA SALPOK NG BUS SA QUEZON

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos na masagasaan ng pampasaherong bus sa Quirino Highway, Brgy. Sta. Cecilia, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Marlon Del Rosario, residente ng nasabing barangay. Batay sa report, dakong alas-11:00 ng gabi nang mahagip ang biktima ng DLTB bus na patungong Bicol habang papatawid sa kalsada. Sinubukan pa itong iwasan ng bus subalit nasalpok din ito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito. Naaresto naman ng mga tauhan ng Tagkawayan Police ang driver ng bus…

Read More

HIGANTES NG ANGONO BUMIDA SA DAVAO

BILANG tugon sa paanyaya ng tubong-Davao City na si Vice President Sara Duterte, rumampa – at bumida – sa ika-86 Araw ng Dabaw ang mga makulay na Higantes ng baybaying bayan ng Angono na mas kilala bilang Art Capital of the Philippines. Nobyembre ng nakaraang taon nang hilingin ni Duterte kay Angono Mayor Jeri Mae Calderon ang pakikilahok ng mga Higantes ng Angono para sa kapistahan ng Davao City – bagay na positibong tinugon ng lokal na pamahalaan. “I am so amused with what I just saw. In fact, I’m…

Read More

GO NAKIISA SA ANIBERSARYO NG ROMBLON

NAKIISA si Senador Christopher “Bong” Go sa pagdiriwang ng 78th Liberation at 122nd Founding Anniversary ng lalawigan ng Romblon noong Huwebes, (Marso 16)— dalawang kaganapan na nagpatingkad sa pagkakaisa ng  mamamayan nito na nagtagumpay sa mga hamon at nagtutulungan upang bumuo ng isang maunlad at masiglang komunidad sa buong taon. Sa ilalim ng Republic Act No. 9642, na nilagdaan ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang Marso 16 ng bawat taon ay idineklara bilang Romblon Foundation Day. Samantala, ang Proclamation No. 430, na nilagdaan ni dating pangulong Corazon Aquino, ay nagdeklara…

Read More

Lupang sinasaka napatituluhan ng iba FARMERS GROUP SA BATANGAS NAGPASAKLOLO KAY PBBM

NANAWAGAN ang grupo ng mga magsasaka sa lalawigan ng Batangas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sila ay tulungan sa kanilang suliranin sa lupang kanilang sinasaka, sa ginanap na “Balitaan sa Tinapayan” sa panulukan ng Dapitan at Don Quijote Streets , Sampaloc, Manila nitong Biyernes ng umaga. Sinabi ni Dorcas Aquino, pangulo ng Samahang Magsasaka ng Balibago, Matabungkay sa Lian, Batangas na sa pamamagitan ng media, umaasa sila na maipapaabot ang kanilang kahilingan na sana ay matulungan sila na hindi tuluyang masakop ng mga makapangyarihan ang lupaing kanilang sinasaka…

Read More

BOOM TRUCK SWAK SA BANGIN SA QUEZON, BUKIDNON, 4 PATAY

APAT katao ang patay, kabilang ang tatlong empleyado ng munisipyo at isang barangay kagawad ng Quezon, Bukidnon, matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang boom truck noong Huwebes ng hapon, Marso 16. Ayon sa report ng Quezon Municipal Police Station sa lalawigan ng Bukidnon, sakay ng boom truck, nag-deliver ng mga concrete culvert ang mga biktima sa Barangay Linabo at pabalik na sa munisipyo nang mangyari ang insidente. Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ng mga biktima ang pakurbada at bulubunduking daan nang mawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamaneho. Bunsod nito, nahulog sa bangin…

Read More