CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong tatlong hinihinalang mga drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa harapan ng isang convenience store sa Dasmariñas City noong Martes ng hapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Saidamen Balbal y Andam, 24; Eugene Coyoca y Dagame, 32, at Samroding Macalnas y Bundas, 28-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-12:30 ng hapon nang makipag-ugnayan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Pampanga sa PDEA Regional Office 4A Regional Special Enforcement Team (RSET), PDEA Cavite Police Office, at Dasmariñas City Police, hinggil sa isasagawang buy-bust…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
P2.65-M COCAINE NASABAT SA LAGUNA
LAGUNA – Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa bentahan ng cocaine sa mga disco club at pub sa Metro Manila at Angeles City, sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng isang sikat na theme park sa Barangay Balibago, Sta. Rosa City sa lalawigang ito. Ang operasyon ay isinagawa ng magkatuwang na mga operatiba ng PDEA Region III – Pampanga Provincial Office, PDEA CALABARZON, at ng Sta. Rosa Police dakong alas-10:40 ng gabi malapit sa parking lot ng Enchanted Kingdom sa nasabing lungsod. Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Aaron…
Read MorePLEBISITO SA CARMONA, CAVITE BILANG COMPONENT CITY SA JULY 8
KASADO na ang pagdaraos ng plebesito sa Hulyo 8 para sa conversion ng munisipalidad ng Carmona sa Cavite bilang component city. Ayon ito sa Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10901 na isinapubliko noong Lunes. Itinakda ng Comelec ang information and campaign period mula Hunyo 8 hanggang Hulyo 6. Sa nasabing panahon, ipagbabawal na tanggalin, sirain, at pakialaman ang mga legal na materyales sa propaganda ng plebisito; appointment o pagkuha ng mga bagong empleyado o pag-promote o pagbibigay ng mga pagtaas ng suweldo; pagpapalabas ng pampublikong pondo; pagbili ng boto at pagbebenta…
Read More2 NPA PATAY, 2 PA ARESTADO
NAPATAY ang dalawang hinihinalang Communist NPA Terrorist habang arestado ang dalawa pa nilang kasamahan sa inilunsad na tactical operation ng Philippine Army 4th Infantry Division sa Sitio Vertudazo, Brgy. San Juan, Bayugan City, Agusan Del Sur kahapon ng madaling araw. Nakasamsam din ang tropa ng Army 4ID ng dalawang high powered firearms kasunod ng sagupaan. Sa ulat, naglatag ng joint operation ang pinagsanib na puwersa ng 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) sa ilalim ng 401st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Brig. Gen. Rommel Almaria, at 65th Infantry Battalion at 2nd…
Read More1 PATAY, 7 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 4 SASAKYAN
BATANGAS – Isa ang patay habang pito ang sugatan matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa Lipa-Ibaan Road, sa Barangay Mabini, Lipa City dakong alas-9:00 noong Lunes ng gabi. Nagsimula ang karambola matapos na araruhin ng isang humahagibis na kotseng Toyota Vios na minamaneho ng isang menor de edad na estudyante, ang dalawang tricycle. Ayon sa report ng Lipa City Police at base sa kuha ng CCTV ng isang establisyemento sa lugar, unang sinalpok ng kotse ang isang nakahintong tricycle sa kanto na tatawid sana sa highway. Sa lakas ng…
Read MoreESTUDYANTE, 8 PA DINAKMA SA TUPADA
CAVITE – Siyam na indibidwal, kabilang ang isang 17-anyos na estudyante, ang binitbit ng Cavite police nang maaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Linggo ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-10:50 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operations ang Intelligence operatives ng Gen. Trias City Police sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na mananabong sa aktong nagsasagawa ng tupada. Nakuha sa kanila ang P3,300 halaga ng taya, dalawang tari at dalawang panabong. Dakong alas-5:00 naman…
Read MoreNAG-ALBUROTONG LALAKI TODAS SA BIYENAN
BATANGAS – Patay ang isang lalaki nang saksakin ng biyenang lalaki nang magwala at atakehin ng biktima ang kapamilya sa Barangay Putingbuhangin, sa bayan ng San Juan, sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw. Namatay bago mairating sa ospital ang biktimang si Joshua Babao Araño. Batay sa report ng San Juan Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang umuwi sa kanilang bahay ang biktima at nagsimulang gumawa ng kaguluhan. Napagdiskitahan umano nito at pinagsusuntok ang kanyang misis na si Charlene Rubia Araño at isa niyang bayaw. Tinangka naman itong awatin…
Read MoreP10-M DAGDAG TULONG NG US SA APEKTADO NG OIL SPILL
NAGBIGAY ang United States Agency for International Development (USAID) ng karagdagang P10 milyong halaga ng tulong sa Oriental Mindoro para tugunan ang epekto ng oil spill dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Sa pagbisita sa Calapan City, Oriental Mindoro ni USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn, inanunsyo nito ang karagdagang tulong para sa pagsasanay sa mga mangingisda na nawalan ng hanapbuhay dahil sa fishing ban. Ang mga mangingisda ay tuturuan na maging citizen scientists para makatulong sila sa pagsasagawa ng pag-aaral sa epekto ng oil spill sa coastal habitat…
Read More2 PULIS CAVITE ARESTADO SA PANGMOMOLESTIYA
CAVITE – Hawak na ng Cavite police ang dalawa nilang kabaro makaraang ireklamo ng pangmomolestiya ng isang 18-anyos na babae sa Imus City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga inaresto na sina Corporal Bryan Santiago Balajay at P/MSgt. Rey Mendoza Pogoso, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 1, Imus City dahil sa reklamo ng isang 18-anyos na Grade 12 student ng Bacoor City. Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa isang apartment sa Bahayang Pag-Asa Ph 6, Molino V, Bacoor City makaraang makipag-inuman…
Read More