UMALMA ang ilang motorista at residente sa ginagawang pagbabakbak at rehabilitasyon sa bahagi ng Cavinti-Caliraya Road sa Laguna na ayon sa kanila ay nasa maayos pang kondisyon. Batay sa naka-post na project billboard, aabot sa mahigit P140.4 milyon ang halaga ng proyekto para sa nasa 3 kilometrong asphalt overlay ng ilang bahagi ng naturang kalsada, na pinondohan sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act at ipinatutupad ng DPWH Regional Office IV-A. Sa mga kumakalat na video at pahayag sa social media, kinuwestiyon ng ilang mamamayan kung bakit isinailalim sa…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
MISIS NI CHAIRMAN, ISA PA PATAY SA AMBUSH
AGAD ipinag-utos ang malawakang manhunt operation laban sa armadong kalalakihan na responsable sa pananambang na ikinasawi ng dalawa katao kabilang ang common law wife ng isang barangay chairman, at ikinasugat ng tatlong iba pa nitong Lunes ng umaga sa Barangay Salvacion, Albuera, sa lalawigan ng Leyte. Ayon sa Leyte Police Provincial Office, nasawi sa ambush sina Maria Noya Velos, 51; at Sherwin Villones Gumop-As, 23, kapwa residente ng Brgy. Salvacion. Si Velos ay sinasabing live-in partner ni Walter Taripe, punong barangay ng Salvacion. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng…
Read MoreRIDING IN TANDEM PATAY SA PICK-UP TRUCK
PATAY ang isang babae at isang lalaking sakay ng motorsiklo nang makasalpukan ang isang Ford pick-up truck sa kahabaan ng Cebu South Coastal Road (CSCR) sa Cebu City noong Sabado ng hapon. Dead on the spot ang rider ng motorsiklo na kinilala lamang sa alyas na “Bernel.” Isinugod naman sa ospital ang kanyang angkas na si “Krystel,” isang saleslady sa mall, ngunit idineklarang dead on arrival. Samantala, hawak na ng mga awtoridad ang 23-anyos na driver ng Ford Raptor na kinilalang si “John,” residente ng Talisay City. Batay sa imbestigasyon…
Read MoreCALABARZON IDINEKLARANG INSURGENCY-FREE
NAITALA ang Region 4A o mga lalawigan na bumubuo ng CALABARZON, bilang unang rehiyon na insurgency-free ngayong 2026. Ayon kay Army 2nd Infantry Division commander, Major General Ramon Zagala, “CALABARZON achieved a historic milestone on the 128th Anniversary of Philippine Independence after becoming the first region in the country this year to be declared under Stable Internal Peace and Security (SIPS) Status.” Ang buong rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) ay pormal nang idineklara na “insurgency-free” para sa taong 2026 sa pamamagitan ng Stable Internal Peace and…
Read MoreCAMILLE VILLAR NAGHATID NG TULONG, NAGBIGAY-PUGAY SA BAYANI NG LINDOL SA GENSAN
GENERAL SANTOS CITY — Personal na nagtungo si Senadora Camille Villar sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol upang maghatid ng tulong at makiisa sa mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa sakuna. “Sa panahon ng sakuna, higit kailanman kailangan nating maramdaman na may nagkakaisa at handang tumulong. Hindi lamang ito tungkol sa relief goods. Ito ay pagpapakita ng malasakit at pakikiisa sa bawat pamilyang naapektuhan ng lindol,” ani Villar. Kasama sina Senador Robinhood Padilla, General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao at Barangay Lagao Chairman Jaime Tatad,…
Read MorePAF NAGHATID NG AYUDA SA QUAKE VICTIMS; ARMY NAGDEPLOY NG WATER FILTRATION SYSTEM
NAGDEPLOY ng mobile water filtration system ang Philippine Army upang matugunan ang pangangailangan sa malinis na tubig ng libu-libong pamilya na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani at mga kalapit na lalawigan. Ayon sa Philippine Army Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) teams, nalinis na nila ang mga pangunahing kalsadang patungo sa mga isolated community at nasimulan na rin ang paghahatid ng ayuda sa General Santos City, Sarangani at Davao Occidental. Sa General Santos City, tumutulong ang Army responders sa mga operasyon ng City Disaster Risk Reduction and…
Read MoreDEATH TOLL SA MINDANAO QUAKE UMAKYAT SA 55; 31 PA NAWAWALA
SUMAMPA na sa 55 ang bilang ng mga nasawi habang 31 pa ang nawawala matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani noong Hunyo 8, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Iniulat din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mahigit 430,000 katao na ang naapektuhan ng kalamidad sa buong Southern Mindanao. Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Bernardo Raffy Alejandro, umabot na sa 1,120 katao ang nasugatan habang nagpapatuloy ang search and rescue operations. Sa…
Read MoreAPAT PATAY SA HINIHINALANG TOXIC GAS SA BARKO
PATAY ang apat na tripulante ng isang fishing vessel habang kritikal naman ang isa pa nilang kasamahan matapos umanong malason ng kemikal o maubusan ng oxygen sa loob ng compartment ng barko na nakadaong sa canning facilities ng isang sardines factory sa Barangay Cawit, Zamboanga City. Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, nag-collapse ang mga biktima sa loob ng hatch o imbakan ng F/V Kevin habang naka-dock ito sa sardines processing facility kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Ranillo Sanugal Jr., 27; John…
Read MoreESTUDYANTE ARESTADO NANG BALIKAN ANG NAIWANG LATA NA MAY DROGA
ARESTADO ang isang 18-anyos na estudyante matapos mahulihan ng hinihinalang shabu nang balikan nito ang naiwang container can sa isang restaurant sa General Trias City, Cavite, Huwebes ng umaga. Nakakulong ngayon sa General Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Renzo,” residente ng Mary Cris Complex, Brgy. Pasong Camachile 2, General Trias City. Nag-ugat ang pagkakaaresto sa ulat ni alyas “Renz,” 21, waiter at residente ng Brgy. Pinagtipunan. Ayon sa salaysay ng waiter, kumain ang suspek bandang alas-11:00 ng umaga sa Eat O’Clock Kuya EHZ Tanpuluts sa…
Read More