IPINAG-UTOS ni PNP chief, General Jose Melencio Nartatez Jr., na laliman pa ang imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng sinasabing organisadong sindikato sa oil pilferage sa bansa. Inaalam na sa ngayon kung may kaugnayan sa malaking sindikato ang natuklasan na ilegal na operasyon ng langis o paihi na nadiskubre sa Navotas City at sa isang resort sa San Pablo City, Laguna. Sinabi ng hepe ng Pambansang Pulisya, ang mga nahuling ilegal na paihi ay maaaring parte ng mas malaking sindikato ng paihi sa bansa. Noong Abril 8, inaresto…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
‘Di porke gipit sa pagbebenta ng laman-loob kakapit DOJ-IACAT NAGBABALA VS ‘ORGAN TRAFFICKING TRAP’
NAGBABALA ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DOJ), sa publiko hinggil sa pagbebenta ng mga lamang-loob. Sa isang online post, nagbigay ng babala ang naturang kagawaran sa panganib na kaakibat ng ganitong uri ng ilegal na gawain. Nabatid na pinag-iingat ang taumbayan na mahulog sa patibong ng panlilinlang, pagpilit o pang-aabuso para ibenta ang kanilang lamang- loob o tinatawag din bilang ‘organ trafficking trap’. Bagama’t mistulang mabilis na solusyon sa simula dahil sa alok na pera, kapalit naman nito ang seryosong panganib sa kalusugan. At maaari…
Read MorePUBLIC SCHOOL NINAKAWAN
ARESTADO ang isang lalaki habang pinaghahanap ang kasama nito na mga suspek sa pagnanakaw sa isang pampublikong eskuwelahan sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez (GMA), Cavite noong Martes ng madaling araw. Hawak na ng GMA Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Michael” habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas “Rasale”. Ayon sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang pumasok si Michael sa Area J. Elementary School sa Brgy. Lumbreras, GMA, Cavite sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang puno habang si Rasale ang nagsilbing look-out. Nang nakapasok sa…
Read MoreTUMAKAS NA DRUG SUSPECT INATAKE SA PUSO, PATAY
PATAY ang hinihinalang drug suspect matapos atakihin umano sa puso habang tinatakasan ang mga otoridad sa Taguig City. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Hazel Asilo, nagsasagawa ng anti-criminality patrol ang mga pulis nang maaktuhan ang limang indibidwal na umano’y nag-aabutan ng ilegal na droga. Agad na naaresto ang apat na suspek, habang tumakas ang isa patungong M.L. Quezon Street sa Barangay New Lower Bicutan. Nagtago umano ang suspek sa madilim na bahagi ng lugar at kalaunan ay tumalon sa pader upang makaiwas sa mga humahabol na…
Read MoreMAHIGIT 100 TAUHAN NG PUERTO PRINCESA POLICE, SINIBAK
SINIBAK sa pwesto ang 102 tauhan ng Puerto Princesa City Police Station kasunod ng Black Friday shooting incident. Ito ay upang bigyan daan ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring pamamaril noong Abril 3, na ikinamatay ng dalawang pulis at isang BuCor Personnel. Ayon kay Police Regional Office Mimaropa Regional Director BGen. Jovencio Badua Jr., inilagay sa administrative relief ang nasabing mga pulis. Sinabi ni Badua, ang nasabing hakbang ay upang upang matiyak ang patas na imbestigasyon at maalis ang agam-agam ng publiko ukol sa posibleng pagtatakip ng ebidensya o lapses…
Read MoreSa physical contact, verbal abuse BATANGAS POLICE DIRECTOR KINASUHAN NG LADY COP
PERONAL na naghain ng pormal na reklamo sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang isang babaeng pulis laban sa Police Provincial Director ng Batangas, dahil sa umano’y grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer. Ayon sa isinumite nitong sworn affidavit, detalyado nitong inilatag ang sunod-sunod na insidente na naganap mula Pebrero hanggang Marso 2026, kabilang ang hindi kanais-nais na physical contact, mga ‘di angkop na salita, at mga aksiyong nagdulot ng stress sa nagreklamo, na nangyari sa loob mismo ng police premises at sa trabaho. Aniya, ginamit umano ng…
Read More7 LAPTOP COMPUTERS NG SCHOOL TINANGAY, 4 ARESTADO
ARESTADO ang tatlong kalalakihan kabilang ang dalawang menor de edad na tumangay ng pitong computer laptops sa isang pampublikong eskwelahan sa Cavite City noong Lunes ng gabi. Hawak ngayon ng Cavite City Component Police Station ang mga suspek na sina alyas “Dave”, “Rider” at dalawang menor de edad. Ayon sa ulat, nagsasagawa ng pagpapatrulya ang mga miyembro ng Philippine Navy sa loob ng kampo nang namataan nila ang mga suspek na umaakyat sa bakod ng Sangley Point National High School sa Naval Base Heracleo Alano, Sangley Point, San Antonio, Cavite…
Read More2 RIDERS PATAY SA PASKO NG PAGKABUHAY
DALAWANG motorcycle riders ang namatay nitong Pasko ng Pagkabuhay kasunod ng karambola ng mga sasakyan na ikinasugat din ng siyam na iba pa, kabilang ang driver ng isang Sports Utility Vehicle (SUV), sa Barangay Gongogong, San Ildefonso, Ilocos Sur. Batay sa paunang imbestigasyon, isang northbound na Ford Everest na minamaneho ng 23-taong-gulang na lalaki mula Barangay Vacunero, Santo Domingo, Ilocos Sur, ang lumihis sa kabilang linya habang sinusubukang mag-overtake sa sasakyang nasa unahan niya. Hinihinalang nag-alanganin ito at bumangga sa limang southbound o kasalubong na motorsiklo bandang alas-3 ng madaling…
Read More5 mangingisda nasagip ng Coast Guard 4 DROWNING INCIDENTS NAITALA SA CALABARZON NITONG SEMANA SANTA
APAT katao ang naitalang nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa rehiyon ng CALABARZON nitong Semana Santa, ayon sa inisyal na ulat ng Philippine National Police, habang lima namang mangingisda ang nasagip ng Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Batangas. Sa bayan ng Tiaong, isang 38-anyos na lalaki ang nalunod matapos tangkaing kunin ang tsinelas ng kanyang anak na inanod ng agos sa Mabilog River. Sa Magdalena, isa ring lalaki ang matagpuang hindi na gumagalaw sa ilalim ng tubig sa Balanac Dam. Sa Mabini, nasawi ang isang 48-anyos…
Read More