BABAE NATAGPUANG PATAY SA DALAMPASIGAN

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang pulisya kung namatay sa pagkalunod ang isang babae makaraang matagpuang walang malay sa dalampasigan sa isang resort sa Tanza, Cavite noong Linggo ng gabi. Isinugod pa sa Tanza Doctors Hospital ang biktimang si “Precious” subalit wala na itong pulso pagsapit doon. Ayon sa ulat, isang pamilya ang nagtungo sa Garden Coast sa Brgy. Capipisa, Tanza, Cavite upang maligo at doon ipagdiwang ang Easter Sunday. Inakala ng pamilya na natutulog lamang ang biktima sa kanilang inupahang cottage ngunit bandang alas-10:00 ng gabi ay nabatid na wala ito…

Read More

Sa shooting incident sa Puerto Princesa 4 PULIS IPINAAARESTO SA ILEGAL NA PAGRESPONDE

IPINAG-UTOS ni PNP chief, Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pag-aresto at pagpapakulong sa apat na pulis na tinukoy na nagresponde sa pamamaril sa Puerto Princesa sa Palawan. Ito ang inihayag ng hepe ng Pambansang Pulisya sa isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga sa Camp Crame. Inatasan ni Nartatez ang Regional Director ng Police Regional Office Mimaropa na arestuhin at ipakulong ang apat na pulis na nagresponde sa pamamaril noong Biyernes Santo sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, Palawan na ikinasawi ng tatlo katao. Kabilang sa mga nasawi…

Read More

Para sa bagong simula 4 DATING REBELDE PINAGKALOOBAN NG TITULO NG LUPA

APAT na dating rebelde sa Albay ang nakatanggap ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR), isang mahalagang hakbang upang muling makapagsimula at makabalik sa payapang pamumuhay sa ilalim ng Executive Order No. 103 (1986) o National Reconciliation and Development Program (NRDP), ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR). Naniniwala si DAR Assistant Regional Director for Operations Gay L. Labad, higit pa sa simpleng programa ng pamahalaan ang pagkakaloob ng titulo ng lupa dahil nagbibigay ito ng katiyakan sa pagmamay-ari ng lupa at oportunidad…

Read More

BABAE PATAY SA SAKSAK NG ASAWANG HOSTAGE TAKER

PATAY ang isang ginang at sugatan naman ang isa sa dalawang anak nito sa nangyaring umano’y pangho-hostage ng kanyang mister dakong alas-11:30 ng umaga sa Sta. Isabel Subdivision, Havila, Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal noong Sabado, Abril 4, 2026. Ayon sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad, patay na ang biktimang babae nang matagpuan ng mga pulis sa kanilang bahay nitong Linggo ng umaga. Kinilala ni PCol. Eleazar Barber, provincial director ng Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO), ang biktimang si Ma. Lourdes Santos, anak nitong sugatan na si alyas…

Read More

PH ‘DI IKOKOMPROMISO WPS SA CHINA KAPALIT NG OIL EXPLORATION

TINIYAK ng Malacañang na hindi isusuko ng Pilipinas ang anomang interes nito sa West Philippine Sea (WPS) kapalit ng posibleng joint oil at gas exploration sa China. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mananatiling maingat ang pamahalaan sa pakikipag-usap upang maprotektahan ang interes ng bansa at ng mamamayan. “Walang mawawalang interes, walang ipamimigay na interes,” ani Castro. Sinabi rin niya na bukas ang Pilipinas sa usapin ng joint exploration, ngunit igigiit nito ang karapatan nito sa WPS. Nauna nang nagkaroon ng pulong ang Pilipinas at China sa 24th Foreign…

Read More

Kasunod ng ambush PNP PINAIGTING OPERASYON SA MINDANAO

KINONDENA ng Philippine National Police (PNP) ang magkasunod na pananambang sa Mindanao na nagresulta sa pagkasawi ng ilang pulis at sibilyan. Ayon sa ulat, noong Marso 18 ay inambush ang isang miyembro ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) sa Barangay Paglamatan, Saguiaran, Lanao del Sur, kung saan nasawi rin ang kanyang kasamang sibilyan. Makalipas ang ilang oras, tinambangan naman ang walong pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur habang pabalik mula sa kanilang checkpoint operation. Lima sa mga pulis ang nasawi habang tatlo ang nasugatan. Dahil dito, iniutos ni…

Read More

PULIS NILIKIDA BAGO ANG AMBUSH NA IKINASAWI NG 5 PNP PERSONNEL

ISANG police officer ang napatay kasama ang isa pang lalaki ilang oras bago ang naganap na ambush sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng limang tauhan ng Philippine National Police Mobile Force Battalion, ayon sa ulat. Kinilala ang nasawing pulis na si Police Corporal Walid Sancopan, 42, residente ng Bayang, Lanao del Sur. Sa report na ibinahagi ni Capt. Steffi Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, binaril ng riding-in-tandem gunmen si Sancopan sa Barangay Paglamatan, Saguiaran, Lanao del Sur bandang ala-1:45 ng madaling araw noong Marso 28.…

Read More

2 HVIs ARESTADO SA P6.1-M SHABU

ARESTADO ang dalawang high value individuals matapos makumpiskahan ng tinatayang P6.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City noong Linggo. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Kalbo”, 43, at “Macmac”, 35, kapwa residente ng lungsod at parehong dating nasangkot sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Isinagawa ng Lucena City Police Station ang operasyon sa Purok Baybayin, Phase 4, Barangay Ibabang Dupay, kung saan nakumpiska ang humigit-kumulang 300 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at drug…

Read More

NPA NADAKIP, SUNDALO PATAY SA SAGUPAAN

ISANG kasapi ng teroristang communist New People’s Army ang naaresto ng tropa ng pamahalaan sa gitna ng operasyon ng militar na tumapat sa anibersaryo ng grupo noong Linggo sa San Jose, Occidental Mindoro. Sinasabing malaking dagok ito sa NPA dahil natamaan sila mismo sa kanilang anibersaryo. Subalit isang junior Army Officer ang nasawi habang dalawa pang sundalo ang nasugatan sa nangyaring sagupaan sa Barangay Monteclaro kung saan nakarekober ang tropa ng isang M16 rifle, granada, at mga bahagi ng IED. Sa engkwentro, nasawi si 1st Lieutenant Dean Oyando habang matapang…

Read More