LOLO PATAY SA STUDENT DRIVER

NASAWI ang isang 73-anyos na lalaki matapos mabangga ng estudyanteng driver habang tumatawid sa kalsada sa Maragondon, Cavite, Martes ng madaling araw. Kinilala ang biktima bilang alyas ‘Catalino’, residente ng Brgy. Bucal 4B, Rosario, Cavite. Isinugod pa siya sa ospital pero idinaklarang dead on arrival. Batay sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-3:40 ng madaling araw sa kahabaan ng Bypass Road, Brgy. Bucal 4A, habang minamaneho ng suspek na si alyas ‘Jedrick,’ 20-anyos, ang isang Toyota Vios (plakang NGT 5244). Hindi na nagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima matapos…

Read More

PATAY KAY ST UWAN 33; 253 KAY TS TINO

UMAKYAT na sa 33 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Super Typhoon Uwan matapos na hagupitin nito ang Central at Northern Luzon. Habang nasa 253 naman ang death toll ng Tropical Storm Tino bukod pa sa 119 indibidwal na iniulat na nawawala at 502 ang nasaktan. Samantala, 51 namang ang bilang ng injured persons at isa ang nawawala bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa bansa, na nakaapekto sa mahigit pitong milyong indibidwal at marami sa mga ito ang nasa evacuation centers pa rin. Sa latest report nitong…

Read More

VISAYAS GRID INILAGAY SA YELLOW ALERT

ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Visayas Grid mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi nitong Miyerkoles. Ayon sa NGCP advisory, umabot sa 20 power plants ang bumagsak habang 14 pang planta ang may kulang sa kapasidad, dahilan para mawala ang kabuuang 898.6 megawatts sa grid. Sa kabila nito, nananatiling normal ang kondisyon ng Luzon at Mindanao grids. Ipinaliwanag ng NGCP na tinaas ang yellow alert dahil kulang ang operating margin ng grid para matugunan ang contingency requirements sakaling magkaroon ng biglaang…

Read More

12 LOCAL TERRORISTS SUMUKO

LABINDALAWANG dating terorista ang sabay-sabay na tumalikod sa karahasan at nagbalik-loob sa pamahalaan sa magkahiwalay na lugar sa Maguindanao del Sur bago sumapit ang kapaskuhan, bilang patunay na mas pinipili na ngayon ng marami ang pag-asa at kapayapaan kaysa patuloy na pakikipaglaban. Sampu sa mga nagbalik-loob ang kusang sumuko sa 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion sa Brgy. Kabingi, Datu Saudi Ampatuan noong Nobyembre 17. Kasabay ng kanilang pagtalikod sa karahasan ang pagsuko ng 11 na matataas na kalibre ng armas, kabilang ang isang Rocket-Propelled Grenade (RPG), isang 60mm mortar, at siyam…

Read More

3 NPA PATAY SA ENGKWENTRO SA LEYTE

LEYTE – Patay ang tatlong miyembro ng New People’s Army sa nangyaring pakikisagupa sa mga sundalo nitong Martes ng umaga sa bayan ng Jaro sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Jaro Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa mabundok na bahagi ng Barangay Pange. Kaagad namang nagresponde ang mga tauhan ng 802nd Brigade ng nasabing unit sa mabundok na lugar ngunit hindi pa nakalalapit ang mga sundalo ay pinaputukan na sila ng mga rebelde hanggang sa gumanti…

Read More

2 PATAY, 1 SUGATAN SA RIOT SA CONSTRUCTION SITE

BATANGAS – Dalawang construction worker ang namatay habang isa pa ang sugatan matapos mauwi sa rambulan at pananaksak ang alitan ng dalawang grupo ng mga manggagawa sa Amorosa Subdivision sa Barangay Sta. Teresita, Sto. Tomas City sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-5:40 ng hapon nang magresponde ang mga opisyal ng barangay sa nasabing kaguluhan at natagpuan sa lugar ang tatlong lalaki, kung saan dalawa ang wala nang buhay habang ang isa ay sugatan. Agad isinugod sa Metro Lipa Medical Center ang nakaligtas na biktima para…

Read More

TANDEM KUMANA NG GADGETS, CASH SA RESTO

CAVITE – Nilimas ng riding in tandem na nagpanggap na mga customer, ang mga cellphone, wallet at cash ng mga empleyado ng isang restaurant sa Dasmariñas City noong Lunes ng madaling araw. Inilarawan ang mga suspek na nakasuot ng itim na jacket, puting helmet at sakay ng isang blue NMAX na motorsiklo. Ayon sa salaysay ng mga biktimang sina alyas “Gemma”, 23, isang barista, at “Gerald”, 25, cashier, ng Kanin Bawang Restaurant sa Molino-Paliparan Road, Salawag, Dasmariñas City, pumasok ang mga suspek bandang alas-4:00 ng madaling araw at nagkunwaring mga…

Read More

3 DRUG PERSONALITIES ARESTADO SA TARLAC

TARLAC – Tatlong drug personalities ang naaresto sa isang makeshift drug den kasunod ng isinagawang buy-bust operation noong Linggo ng tanghali sa Barangay San Joaquin sa lalawigan. Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang P54,400.00 halaga ng umano’y shabu at mga gamit sa paggamit ng illegal na droga. Kinilala ng PDEA Tarlac Provincial Office ang naarestong operator ng drug den na si alyas “Pepe”, 37-taong gulang. Kinilala naman ang dalawa pang suspek na nahuli na sina alyas “Mar”, 49, at “Mimi, 52-taong gulang. Nakumpiska ng mga operatiba ng anti-narcotics ang…

Read More

LALAKING PINAGBANTAAN, TINULUYAN

CAVITE – Hindi na nakauwi sa kanilang bahay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng suspek na nagbanta sa pamilya nito sa Bacoor City noong Linggo ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Gudo” habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si alyas “Nono” na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay ngunit pagsapit sa isang pataas na bahagi ng kalsada sa Tabing-Ilog, Brgy. Molino 4, Bacoor City ay walang sabi-sabing pinagbabaril ito ng suspek. Matapos ang pamamaril ay mabilis…

Read More