CAPIZ – Binuwag ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang natunton na hinihinalang drug den sa isinagawang anti narcotics operation sa Rizal St., Jumbo Bridge, Brgy. 7, Roxas City sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Neres, naglunsad ng buy-bust operation ang mga Drug Enforcement Officers (DEOs) mula sa PDEA Antique, PDEA Capiz, PDEA Aklan at Capiz PPO-PDEU, na nagresulta sa pag-dismantle sa isang drug den at pag-aresto sa apat na high-value targets (HVTs) noong Linggo sa Barangay 7, Roxas…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
REGIONAL STI FAIR INILUNSAD NG DOST
BILANG pagpapalakas sa mga komunidad sa pamamagitan ng science and innovation, inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang National Science, Technology, and Innovation Week (NSTW) sa Malolos Sports and Convention Center, New City Hall Compound sa Malolos, Bulacan, noong Nobyembre 12. Sa pakikipagtulungan sa Bulacan State University (BulSU) at sa Local Government Units (LGUs) ng Malolos at Guiguinto, ang event ay nakatuon sa pangunahin nitong tema, “Science, Technology, and Innovation: Partner in Building a Resilient, Prosperous, and Secure Future” na may regional subtheme: “Building Smart and Sustainable Communities…
Read More1 huli, 2 nakatakas DRUG LABORATORY SA ANTIPOLO SINALAKAY NG PDEA
SINALAKAY ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang hinihinalang drug laboratory sa Antipolo City nitong Linggo ng madaling araw, ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez. Ayon sa report, nadiskubre at binuwag ng joint operatives ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at Team 2, PDEA Rizal Provincial Office at Rizal Provincial Intelligence Team, ang shabu laboratory na hinihinalang pinatatakbo ng mga banyaga. Isang high value target ang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation bandang alas-2:00 ng madaling araw…
Read MoreLIBO-LIBONG PINOY NAMANGHA SA ‘DISNEYLAND’ SA BATANGAS
LIBO-LIBONG bisita ang dumagsa sa J Castle Theme Park sa Tanauan, Batangas upang saksihan ang kanilang “Dreamers: The Nighttime Spectacle of Lights” Grand Christmas Tree Lighting at 3D Digital Projection Premiere. Maagang sinalubong ng pamunuan ng J Castle, ang pinakamalaking immersive park sa bansa, ang Christmas season sa pamamagitan ng grand fireworks display at Christmas tree lighting sa mahigit sampung ektaryang amusement park. Mistulang Disneyland ang handog na lights, music, at magic ng J Castle, lalo pa’t si Ms. Maja Salvador ang nag-MC sa gabi ng selebrasyon. Libo-libong dumalo ang…
Read MorePaghahanda sa holiday season NLEX NAGSAGAWA NG SHOULDER LANE IMPROVEMENT
SINIMULAN na ng NLEX Corporation ang improvement sa shoulder road ng nasabing tollway upang makatulong sa posibleng pagbigat ng trapiko ngayong holiday season. Ang clearing at regrading sa shoulder road ng tollway mula sa Harbor Link Interchange hanggang Marilao ay naglalayong mapadali ang daloy ng mga sasakyan at mapanatili ang kaligtasan sa kalsada. Sumasaklaw sa humigit-kumulang 10,000 linear meters sa magkabilang direksyon, ang proyekto ay kinabibilangan ng pag-alis ng naipon na buhangin at damo upang mapakinabangan ang espasyo, pagpapanumbalik ng wastong cross-slope para sa pinahusay na drainage ng tubig-ulan, at…
Read MoreP20.4-M SHABU NASABAT SA 5 HVTs SA CAVITE
CAVITE – Umabot sa P20.4 milyong halaga ng crystal meth o shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti-narcotics operation katuwang ang iba pang law enforcement agencies, at nadakip limang drug personalities noong Miyerkoles ng gabi sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerezi, isang joint anti-drug operation ang inilunsad ng kanyang mga tauhan, katuwan ang Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) Northern District Office, PDEA Cavite Provincial Office, Cavite…
Read MoreSumigaw sa liga ng barangay binaril BRGY. LUPON, KASAMA TINUTUGIS SA PAGPATAY
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang opisyal ng Lupong Tagapamayapa sa isang barangay at kasama nito na bumaril at nakapatay sa isang construction worker na sumigaw sa loob ng basketball court sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Ricky”, 28, binata, ng Brgy. Talaba 2, Bacoor City, namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng bala sa katawan. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Rico”, isang Lupong Tagapamayapa ng nasabing barangay, at isang alyas “RJ” na tumakas matapos…
Read MoreFPJ PANDAY BAYANIHAN PARTY-LIST NAGHATID NG AGARANG TULONG SA LIBONG PAMILYA NA NASALANTA SA MANGATAREM
Mangatarem, PANGASINAN — Naglunsad ang FPJ Panday Bayanihan Party-list ng relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan sa bayan ng Mangatarem, kung saan umabot sa 28 barangay at 1,712 pamilya ang tinamaan ng pinsala nitong linggo. Ginanap ang distribusyon nitong Huwebes, 13 Nobyembre 2025, sa Brgy. Dorongan Punta Covered Court. Mahigit 300 residente mula sa mga barangay ng Dorongan Punta, Dorongan Valerio, at Dorongan Ketaket ang personal na tumanggap ng tulong mula sa FPJ Panday Bayanihan sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kabuuang 1,712 Family Food…
Read MoreMAG-ASAWA NAHULIHAN NG 1 KILO NG SHABU
ZAMBOANGA DEL NORTE – Dalawang high value target ang nahulihan ng isang kilo ng crystal meth o shabu sa isinagawang anti-narcotics operation ng Philippine Drug enforcement Agency sa Dipolog City sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, tinatayang P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng kanyang mga tauhan mula sa PDEA Regional Office 9- Zamboanga del Norte Provincial Office. Arestado ang mag-asawa sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA RO9 Zamboanga del Norte Provincial Office, na kapwa umano itinuturing na…
Read More