QUEZON – Patay ang isang negosyante matapos ratratin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanyang restaurant sa Sitio Balete, Barangay Sampaloc 2, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan pasado alas-9:00 ng gabi noong Miyerkoles. Kinilala ang napatay na si “Rosidillo”, 53, residente ng nasabing barangay. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril umano ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang biktima habang nasa loob ito ng kanyang kainan. Tinamaan ang biktima ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agarang nitong ikinamatay. Mabilis na tumakas ang mga…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
AGNAS NA SANGGOL, NATAGPUAN SA ILOG
CAVITE – Isang lalaking sanggol na inaagnas na ang natagpuan sa isang ilog sa Gen. Trias City noong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa nakakita, nangunguha siya ng sili sa kanyang taniman sa tabi ng ilog sa KPNP sa Brgy. Santiago, Gen. Trias, Cavite bandang alas-10:30 ng umaga nang makalanghap siya ng masangsang na amoy. Tinunton niya ang pinanggagalingan ng amoy at bumulaga sa kanya ang isang naaagnas nang bangkay ng isang lalaking sanggol na walang damit at nakalutang sa ilog. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matunton kung…
Read MoreDEATH TOLL SA POWER PLANT FIRE, UMAKYAT SA 3
QUEZON – Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pagsabog at sunog sa Pagbilao Power Plant sa Barangay Ibabang Polo sa bayan ng Pagbilao sa lalawigan noong gabi ng Oktubre 31. Pinakahuling binawian ng buhay si Alvin Subeldia, empleyado ng Kapit-Bisig Ugnayan Multi-Purpose Cooperative, pumanaw nitong Huwebes ng umaga sa The Medical City, Pasig City, matapos ang halos dalawang linggong pakikipaglaban para sa kanyang buhay. Sa opisyal na pahayag ng Pagbilao Energy Corporation (PEC), labis ang kanilang ang pagdadalamhati sa pagkamatay ni Subeldia, ang ikatlong biktima…
Read MoreSUPER TYPHOON UWAN DEATH TOLL 27, INJURED 36
UMAKYAT na sa 27 ang bilang ng iniulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan habang nasa 36 naman ng reported injured, karamihan ay dahil sa nangyaring landslides, ayon sa ibinahaging datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles ng umaga. Naniniwala si Office of Civil Defense Deputy Administrator Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, hindi na gaanong madaragdagan ang bilang ng mga nasawi bunsod ng ulat na may dalawa na lamang na nawawala sa area ng Cordillera Administrative Region. “… pero hindi kasing dami…
Read MorePULIS NA NANGHOLDAP AT NAPATAY, BAON SA UTANG
INIHAYAG ng Philippine National Police na baon sa utang ang police captain na nangholdap sa isang convenience store sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni National Capital Region Police Office spokesperson, Police Major Hazel Asilo, sa kanilang background checking kay Police Captain Ronnie Sarto ay nabatid na sagad ito sa loan. Matatandaang nangholdap si Sarto sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa l sa Marilao, Bulacan at napatay ng kanyang mga kabaro sa pagresponde sa Heritage Subdivision sa…
Read MorePara sa humanitarian assistance 2 TEAM NG MMDA IPINADALA SA AURORA, NEGROS OCC
NAGPADALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng dalawang humanitarian assistance and disaster response team sa Aurora at Negros Occidental na nasalanta ng Bagyong Tino at Super Typhoon Uwan. Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, dalawang team na bumubuo ng tig-10 personnel mula sa Public Safety Division and Emergency Group (PSDEG), ang kanilang idineploy bitbit ang 20 water and purification units. Layon nito na tumulong at mabigyan ng malinis na inuming tubig ang mga nabiktima o nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Sinabing kaya ng isang mobile purifying machine na…
Read MoreTULAK NA VAN DRIVER SWAK SA SELDA
LUCENA CITY – Arestado ang isang 44-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Lucena City SDEU dakong alas-12:30 ng tanghali noong Martes sa Purok Ilang-ilang, Barangay Isabang sa lungsod. Kinilala ang suspek na si Chester Allan Tan, isang van driver, at residente ng Barangay 6, sa nasabing lungsod. Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang anim na gramo ng hinihinalang ilegal na droga na may kabuuang halagang P122,400. Ayon kay PLt. Col. Ryan Hernandez, hepe ng Lucena City Police Station, ang suspek ay kabilang sa talaan ng Quezon Police Provincial…
Read MorePATAY NA SANGGOL ITINAPON SA ILALIM NG TULAY
QUEZON – Isang bangkay ng sanggol na lalaki ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Barangay Bukal Sur, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ng isang residente ang patay na sanggol sa ilalim ng Bukal Sur Bridge sa bahagi ng Bypass Road. Sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng pulisya kasama ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), napag-alamang bagong silang ang sanggol, tinatayang isang araw pa lang dahil nakadugtong…
Read MoreP15K ABULOY SA SIMBAHAN, DINUGAS NG MENOR DE EDAD
CAVITE – Dinugas ng isang menor de edad at kasama nito ang tinatayang P15,000 na abuloy sa simbahan sa General Trias City noong Lunes ng gabi. Hawak na ng Gen. Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Hyden”, isang out of school youth ng Brgy. San Francisco, habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas “Tino”. Ayon kay Father Ned Pelina, Parish Priest ng St. Gabriel Archangel Parish sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, bandang alas-7:40 ng gabi nang dumating siya sa simbahan nang mapansin na ang…
Read More