NASAMSAM ang iba’t ibang brand ng pekeng sigarilyo matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya, militar at Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Tanza, Cavite kamakalawa ng umaga. Ang sinalakay ay ang Cavite South Luzon Steel Management na matatagpuan sa Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite. Nag-ugat ang operasyon sa impormasyong natanggap mula sa isang concerned citizen hinggil sa kakaibang amoy ng sigarilyo sa bodega, na umano’y ginagamit para sa pag-iimbak ng canned goods mula pa noong pag-iimbak dito. Sa bisa ng Letter of Authority at Mission Order,…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
7 PATAY SA LANDSLIDE SA DAVAO REGION
PITO katao, kabilang ang isang buntis, ang nasawi sa magkahiwalay na landslide sa Mati City, Davao Oriental at sa Monkayo, Davao de Oro bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan, ayon sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense. Sa Mati City, agad rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP)–Mati City Fire Station katuwang ang CDRRMO sa pagguho ng lupa sa Purok Matingo, Upper Salazar, Barangay Central. Ayon kay Acting City Fire Marshal FSI Elizabeth D. Capiña, nahukay mula sa guho ang bangkay ng isang lalaki, isang buntis at dalawang batang…
Read More2 BATA GINILITAN NG INA
PATAY ang pitong buwang sanggol at tatlong taong gulang na batang lalaki matapos umano silang gilitan ng sariling ina sa kanilang bahay sa Nabunturan, Davao de Oro. Iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police kung dumaranas ng postpartum syndrome ang suspek o may iba pang pinagdadaanan. Ayon kay Police Captain Jusi Belle Abellon, spokesperson ng Davao de Oro Police Provincial Office, natagpuang wala nang buhay ang magkapatid habang duguan naman ang ina na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili. Sa inisyal na ulat ng Nabunturan Municipal Police Station, ang…
Read MoreHalos araw-araw may aksidente GUMACA BYPASS BINANSAGANG ‘DIE-PASS’ ROAD NG MGA MOTORISTA
QUEZON – Naging sunod-sunod ang nangyayaring aksidente, mga nasiraang sasakyang, at truck na hirap umakyat o minsan ay umaatras sa paahon sa Gumaca Bypass Road sa bayan ng Gumaca sa lalawigan. Dahil dito, tinagurian ng ilang motorista ang naturang ruta bilang “Gumaca Die Pass Road.” Ayon sa ilang driver at eksperto, posibleng may kakulangan sa disenyo ng kalsada partikular sa sobrang tarik na ahon at hindi angkop na inclination ng ilang kurbada na maaaring nagiging dahilan ng mga aksidente. Ginawa ang Bypass Road project sa tinatayang halagang P800 milyong pondo…
Read MoreKAGAWAD PATAY SA PANANAGA NG KATAGAY
QUEZON – Patay ang kagawad ng isang barangay sa San Pablo City, Laguna nang pagtatagain umano ng lalaking kanyang kainuman matapos na magtalo sa bayan ng Dolores sa lalawigan. Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-7 ng gabi noong Martes, nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng suspek sa Barangay Bulakin, Dolores. Bigla umanong pinagtata ng suspek ang biktima gamit ang itak nang magtalo dahil sa paghingi ng pera ng una na hindi napagbigyan ng huli. Nakatakbo pa ang biktima upang humingi ng tulong sa kapitbahay ngunit hinabol siya ng suspek at muling…
Read MoreLALAKING GALING SA TAGAYAN, NATAGPUANG PATAY SA IRIGASYON
CAVITE – Hinihinalang nalunod dahil sa kalasingan ang isang lalaki na natagpuang patay sa kanal ng isang irigasyon, makaraang maglakad pauwi matapos nakipag-inuman sa Gen. Trias City noong Martes ng hapon. Pinaniniwalaang may isang araw nang patay ang biktimang si alyas “Ruben”, na natagpuang nakalutang sa kanal ng isang irigasyon sa Talon Irrigation Canal sa Sitio Manggahan, Brgy. Pasong Camachile 1, Gen Trias City, Cavite. Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan noong Lunes ng gabi at bandang alas-9:00 ng gabi nang makitang naglalakad…
Read MoreINA NG DATING LIVE-IN PARTNER INI-HOSTAGE NG LALAKI
CAVITE – Tumagal ng mahigit dalawang oras ang negosasyon bago tuluyang naaresto ng mga pulis ang isang lalaki makaraang i-hostage ang ina ng dati nitong live-in partner sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Noel”, ng Ciudad Nuevo, Brgy. Sabang, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, pwersahang pinasok ng suspek ang bahay ng kanyang dating live-in partner sa Brgy. Malainen, Bago, Naic, Cavite bandang alas-9:00 ng gabi ngunit ang naabutan ay ang ina nito na si alyas “Myrna”, 71-anyos.…
Read MoreNEGOSYANTENG NAWAWALA, NATAGPUANG NAKABAON SA SARILING COMPOUND
ANGELES CITY – Natagpuan na ng mga tauhan ng Angeles City Police at mga lokal na opisyal noong Martes ng hapon ang bangkay ng nawawalang negosyante na si Tess Mamac na naiulat na nawawala simula pa noong Pebrero 12, 2026. Ayon kay PCol. Joselito Villarosa Jr., hepe ng Angeles City Police Station, bandang alas-6:00 ng gabi noong Pebrero 16 nang magsagawa ng masusing search operation ang mga tauhan ng Police Station 4 kasama ang Angeles City Forensic Unit at mga lokal na opisyal. Sa loob ng residential compound ng biktima,…
Read MoreNILIMAS NA DONASYON SA BATANGAS CHURCH, NAREKOBER SA CAVITE
NATUNTON sa Cavite ang isang lalaking kasabwat sa pagnanakaw sa isang simbahan sa Batangas at narekober ang iba’t ibang foreign currencies at mga donasyon makaraang ipagyabang nito ang dala niyang malaking halaga ng pera sa Gen. Trias City, Cavite noong Lunes ng umaga. Hawak na ng Gen. Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Roland”, 32, ng Brgy. Adela Heights, Gandara Samar at nakatakdang i-turn over sa Lian Municipal Police Station habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito na si alyas “Toto”. Ayon sa ulat, pumasok ang suspek…
Read More