ARESTADO ang tatlo katao matapos mahulihan ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng mahigit P100,000, at dalawang baril sa isinagawang buy-bust operation noong madaling araw ng Setyembre 26, 2026 sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ayon sa ulat, ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng Pasig City Police Station Drug Enforcement Unit (DEU), Intelligence Section, Special Weapons and Tactics (SWAT) team, sa pakikipagtulungan ng Pasig City Anti-Drug Abuse Office, dakong alas-3:30 ng umaga sa Kenneth Road corner Eusebio Avenue. Nabatid sa ulat na nakarating kay PBen. Roman Arugay, district director ng…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
SENIOR CITIZEN PATAY SA SELOS NG KAPITBAHAY
PATAY ang isang 61-anyos na senior citizen nang pagsasaksakin ng kapitbahay makaraang nagtalo dahil sa selos sa Bacoor City, Cavite noong Sabado ng hapon. Kinilala ang napatay na biktimang si alyas “Danilo”, 61, ng Brgy. Queen’s Row Central, Bacoor City, habang pinaghahanap ang mga suspek na sina alyas “Kalbo” at “Josie”, kapwa residente ng Bagong Silang 3A, Brgy. Queen’s Row East, Bacoor City, habang naaresto naman si alyas “Richard” ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Queen’s Row East, Bacoor…
Read More8 PASAHERO, 2 PEDESTRIANS SUGATAN SA ROAD MISHAP
SUGATAN ang 10 katao, kabilang ang dalawang menor de edad na estudyante, nang araruhin ng driver ng isang Toyota Innova ang dalawang pedestrian at nadamay ang isang pampasaherong jeepney na may mga pasahero sa Silang, Cavite noong Sabado ng hapon. Pawang isinugod sa Medical City Sta. Rosa, Qualimed Hospital at Bubbles Medical Clinic ang mga biktimang sina alyas “Richard”, 45, ng San Mateo, Rizal; “Marcelina”, 56, ng Pasig City; “Christian”, 36, ng Silang, Cavite; “Robielyn”, 24, ng Silang, Cavite; “Yvone”, 26, ng San Pablo City, Laguna; “Josephine”, 56, ng Silang,…
Read More8 NATIONS JOINT MARITIME ACTIVITY, TAGUMPAY; CHINA WARSHIP BUMUNTOT SA FORMATION
MATAGUMPAY na naidaos ng walong bansa, kabilang ang Pilipinas, ang Joint Maritime Security Cooperative Activity sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS), kasabay ng iniulat na pagkabigo ng isang routine Rotation and Resupply (RoRe) mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal. Sama-samang naglayag sa formation sa WPS ang mga naval vessel ng Pilipinas at pitong iba pang bansa bilang bahagi ng joint maritime exercise, ayon sa Philippine Navy. Ayon sa Philippine Navy Public Affairs Office, bahagi ang aktibidad ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus Experts’ Working Group…
Read MorePNP MULING NAGPATUPAD NG BALASAHAN; PMGEN. MARANAN, UUPONG NO. 4 MAN
KASUNOD ng pagreretiro ngayong Biyernes ni PLtGen. Banac, muling nagpatupad ng balasahan sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP). Epektibo ngayong araw ang bagong mga assignment batay sa General Orders na nilagdaan ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. Itinalaga si PLtGen. Wilson Joseph Lopez bilang bagong Deputy Chief PNP for Administration, habang si PLtGen. Neri Vincent Ignacio, na dating The Chief of Directorial Staff (TCDS) ng PNP, ay inilipat bilang Deputy Chief PNP for Operations, kapalit ni Lopez. Samantala, uupo bilang No. 4 man ng PNP…
Read MoreHABAGAT POSIBLENG PALAKASIN NG BAGYONG QUEENIE
BINABANTAYAN ngayon ng mga awtoridad ang posibleng epekto ng Tropical Storm “Queenie,” na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at maaaring magpalakas sa mga pag-ulang nararanasan dahil sa habagat at mga thunderstorm. Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumasok sa PAR ang bagyo bandang alas-7 ng umaga nitong Huwebes. Ang bagyo, na may international name na “Surigae,” ay binigyan ng lokal na pangalang “Queenie” at ika-17 tropical cyclone na pumasok sa PAR ngayong taon. Batay sa…
Read More2 SUNDALO PATAY SA AMBUSH SA MAGUINDANAO
PATAY ang dalawang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ayon sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang sundalo noong Miyerkoles dakong alas-6:10 ng gabi. Pagsapit sa Davao-Cotabato National Highway sa Barangay Ladia ay pinagbabaril ang mga biktima ng riding in tandem na sakay ng puting motorsiklo. Kaagad silang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center subalit idineklarang dead on arrival. Ang mga biktima ay may ranggong Private First Class at kapwa miyembro ng 7th Infantry Battalion ng 6th Infantry Division ng Philippine Army. Nakuha naman…
Read More4 HOLDAPER NG CONVENIENCE STORE TIKLO SA HOTEL
APAT na hinihinalang miyembro ng isang robbery group, kabilang ang isang AWOL na sundalo, ang naaresto sa isang hotel sa Catanauan, Quezon nitong madaling araw ng Huwebes, Setyembre 24. Ayon sa Catanauan Police Station, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang matanggap nila ang sumbong mula sa isang concerned citizen hinggil sa kahina-hinalang grupo ng mga lalaki sa isang hotel sa Barangay 8, at isa umano sa mga ito ang may dalang long firearm. Agad nagtungo sa hotel ang intelligence personnel ng Catanauan police at nakumpirmang may mga armadong lalaki nga…
Read MoreB.E.S.T. SCHOOL ALERT SYSTEM PORMAL NA ILULUNSAD SA CALABARZON
PORMAL nang ilulunsad ng Police Regional Office 4A ang B.E.S.T. School Alert and Rapid Response System ngayong araw, Setyembre 24, sa PRO 4A Covered Court sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna. Layunin ng sistema na mapabilis ang pag-uulat ng insidente at pagtugon ng pulisya sa mga paaralan sa CALABARZON, gamit ang isang mobile application na may emergency alert feature. Sa ilalim ng sistema, maaaring magpadala ng alerto sa pinakamalapit na police personnel sa pamamagitan lamang ng isang swipe o pindot kapag may naganap na insidente o emergency sa loob…
Read More