‘CHINESE SPY’ ARESTADO SA BI

BUNSOD ng umano’y paniniktik at banta sa pambansang seguridad, inaresto ang isang hinihinalang Chinese spy na Mongolian national sa Iba, Zambales. Sa pakikipag-ugnayan ng mga operatiba ng Bureau of Immigration Intelligence Division–Special Response Team sa Armed Forces of the Philippines, kabilang ang 69th Infantry Battalion at 7th Infantry Division, isinagawa ang operasyon noong Pebrero 12 sa isang aviation school sa Barangay Lipa Dingin. Kinilala ang naaresto na si Boldbaatar Bold-Erdene, 30-anyos, graduating pilot student ng nasabing akademya. Siya ay itinuturing ng Immigration Bureau bilang undesirable alien dahil sa umano’y paglabag…

Read More

SUNDALO PATAY SA ENGKWENTRO

PATAY ang isang sundalo habang sugatan ang isa pa sa sunud-sunod na engkwentro laban sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Santo Niño, Tanjay City kamakalawa. Tinukoy ni Brig. Gen. Jason Jumawan, commander ng 302nd Infantry Brigade ng Philippine Army, na ang nasawi ay isang corporal mula sa 11th Infantry Battalion na nakabase sa Tapaz, Capiz. Ayon kay Jumawan, nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga sundalo matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensya ng armadong grupo na umano’y nang-aabuso at nagsasagawa…

Read More

423K BAHAY NAITAYO SA ILALIM NG 4PH — MARCOS

INIULAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigit 423,000 housing units ang naitayo o napondohan mula Hulyo 2022 hanggang Enero 2026 sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program. “Mula Hulyo 2022 hanggang Enero 2026, tayo ay nakagawa at nakapag-finance ng higit 423,000 housing unit,” pahayag ng Pangulo sa okasyon sa Taytay. Ayon sa Pangulo, pinabilis ang konstruksyon at pinagaan ang proseso sa pamamagitan ng pagpapababa ng interest rates sa housing loans upang mas maraming miyembro ng Pag-IBIG Fund ang makinabang. Binigyang-diin din ang paggamit ng makabagong…

Read More

PANLOLOOB SA PAWNSHOP NAPURNADA SA ALARMA

CAVITE – Pinaghahanap ng mga pulis ang isang lalaki na pumasok sa isang pawnshop sa bayan ng Silang sa lalawigan, subalit napurnadang tumangay ng kahit anomang bagay makaraang tumunog ang alarm nito noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat, bandang alas-9:35 ng gabi, pinasok ng ‘di nakilalang suspek ang Villarica Pawnshop sa AFP Housing sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite sa pamamagitan ng pagsira sa bubong nito gamit ang steel bar. Ngunit nang makapasok ay biglang tumunog ang alarm na nakaagaw ng atensiyon sa bystanders na humingi ng tulong sa mga…

Read More

2 SUGATAN, 5 PA ARESTADO SA BUY-BUST SA CAVITE

CAVITE – Sugatan ang dalawa sa pitong hinihinalang tulak matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang papatakas makaraan ang isang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang mga nasugatan na sina alyas “Christian” at “Rowell” habang ang iba pang naaresto ay sina alyas “Rocky”, “Kevin”, “Angelo”, “Noriel” at “Aldrin”, pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon sa ulat, bandang ala-1:35 ng madaling…

Read More

OPISYAL NG ELECTRIC COOPERATIVE NILIKIDA

ORIENTAL MINDORO – Sa loob ng pagamutan nalagutan ng hininga ang isang opisyal ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) matapos siyang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek makaraang lumagda sa isang kasunduan hinggil sa solar power supply noong Biyernes ng gabi sa bayan ng Pinamalayan, ayon sa ulat ng pulisya. Sa ibinigay na impormasyon sa media ni PLt. Col. Joel Paningbatan, hepe ng Pinamalayan Police Station, kinilala ang biktimang si Tony Mendeja, 64-anyos, miyembro ng ORMECO board of directors na kumakatawan sa munisipalidad ng Bongabong at Bansud. Lumiitaw sa paunang…

Read More

4 MISSING FISHERMEN NATAGPUAN NG PCG, 1 PATAY NA

OCCIDENTAL MINDORO – Hindi naabutan nang buhay ng nagrespondeng mga kagawad ng Philippine Coast Guard ang isa sa apat na mangingisda na ilang araw nang palutang-lutang sakay ng nasira nilang fishing vessel sa dagat na sakop ng lalawigan. Kinumpirma ng PCG ang pagkakasagip sa tatlo sa apat na fishermen na iniulat na nawawala simula pa noong Pebrero 9, 2026 nang magsimula silang maglayag mula sa bayan ng Lian sa Batangas. Ayon sa PCG, nakatangap sila ng radio communication bandang alas-12:10 ng tanghali noong Sabado mula sa fishing boat FBCA Carmen…

Read More

MS. EARTH RUNNER-UP PATAY SA PAMAMARIL

ISABELA – Dead on the spot ang isang 32-anyos na dating beauty queen at naging runner-up ng Miss Philippines Earth 2013, nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng San Manuel sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob ng kanyang SUV sa harap ng kanyang bahay ang beauty queen na ngayon ay isang guro na si Lulette Jane Ramilo-De Guzman, sa Barangay Cabaritan, nang mangyari ang insidente. Nilapitan umano ito ng gunman na sakay ng motorsiklo saka binaril bandang alas-6:45 ng gabi.…

Read More

TREN NATRAPIK SA IRIGA SA PASAWAY NA KOTSE

CAMARINES SUR – Nagkaroon ng pansamantalang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan matapos mapilitang huminto ang isang tren sa railroad crossing sa Rizal Street, Iriga City dahil sa kotseng nakaparada malapit sa riles. Ayon sa ulat, isang Toyota Wigo ang naiwang naka-park umano sa lugar at posibleng tamaan ng tren kung nagpatuloy ito sa pag-andar kaya agad nagpreno ang train operator. Dahil dito, naantala ang mga motorista at pedestrian na dumaraan sa nasabing bahagi ng national highway na malapit sa palengke at mall. Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang…

Read More