MS. EARTH RUNNER-UP PATAY SA PAMAMARIL

ISABELA – Dead on the spot ang isang 32-anyos na dating beauty queen at naging runner-up ng Miss Philippines Earth 2013, nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng San Manuel sa lalawigan noong Sabado ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob ng kanyang SUV sa harap ng kanyang bahay ang beauty queen na ngayon ay isang guro na si Lulette Jane Ramilo-De Guzman, sa Barangay Cabaritan, nang mangyari ang insidente.

Nilapitan umano ito ng gunman na sakay ng motorsiklo saka binaril bandang alas-6:45 ng gabi.

Tinamaan sa mukha at gilid ng katawan si Lulette na agad nalagutan ng hininga.

Kasama ng biktima ang kanyang mga anak sa Toyota Fortuner nang lumabas sa gate ang ama nito.

Dito sumalisi sa loob ng compound ang motorcycle rider at paulit-ulit na pinaputukan ang biktima.

Natagpuan ng mga imbestigador ang mga basyo ng bala ng baril sa lugar ng pinangyarihan ng insidente.

Sinusuri na ang security camera footage mula sa mga kalapit na bahay para sa matukoy ang suspek sa pamamaril.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa pamamaril.

(JESSE RUIZ)

5

Related posts

Leave a Comment